Kabanata 17
At last
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko.
Pagbangon ko gising na silang lahat kaya bumangon na agad ako.
"wala na ang dalawang matanda" ani Cedrick.
Ikinagulat naming lahat iyon.
"huh? Baka lumabas lang?" ani Kara.
"eh saan naman sila pupunta? Sa gubat?" ani Jelina sabay tawa.
Bumaba na kami at wala talagang bakas ng dalawang matanda dito.
Asan na iyon?
Naalala ko iyong nakita kong lalaki kagabi. Am I dreaming or what?
Biglang may tumawag sa cellphone ko.
"hello?" bati ko.
"ma'am nandito na po kami. Nasaan po kayo?" anang tauhan ni daddy.
"nasa isang malaking bahay kami. In the middle of nowhere. Iyon lang ang tanging bahay na nandito" sagot ko.
"ah! Nasa tapat na po kami" aniya.
"yes! Makakaalis na din tayo sa wakas!" sigaw ko.
Biglang umaliwalas ang mga mukha ng mga kasama ko.
"hay nako! Buti na lang!" sambit ni Jelina.
Pinatay ko na ang tawag at nagmadali na kaming lahat kunin ang mga gamit sa taas.
Pagbaba namin, wala pa rin ang dalawang matanda. Nagliwaliw na siguro.
Kaya hindi kami nakapag thank you sa pagpapatulog sa amin dito sa haunted house nila.
Pag dating namin sa may kotse tapos nang gawin ng mga tauhan ni daddy kaya pwede na kaming makaalis.
"sa wakas!" tili ko.
"saan kayo nagstay ma'am?" ani ng isang tauhan ni daddy.
"doon sa may lumang bahay na may farm" sagot ko.
"ah! Wala nang nakatira doon eh. Inabandona na maraming taon na ang nakalilipas" ani ng tauhan ni daddy.
What the fuck? Anong walang nakatira?
"eh sino yung dalawang matanda doon? Care taker?" singit ni Jelina.
"sila yung dating nakatira doon. Yung matandang babae na may salamin at yung asawa niyang medyo may katabaan" aniya.
Silang sila iyon! Ang dalawang matanda na nagpatira sa amin doon!
"oh my God?!" tili ni Kara sabay nagtatatalon.
"don't tell me they're ghosts?" sabi ko sabay napahawak na kay Zion.
"eh matagal na silang patay eh" aniya.
Oh God!
Nagtitili kaming lahat at napayakap ako kay Zion sa takot.
"baka akala nila kayo yung mga nawawalang apo nila" aniya.
What the?!
Nagtilian ulit kami at hinimas ni Zion ang likod ko.
"wag kang maniwala diyan. Magdasal ka lang sapat na" aniya.
Pagkatapos ng kwentuhan, sumakay na kami sa van para makalarga na papuntang Bolinao.
"grabe yung kwinento ni mang Nestor kanina!" ani Jelina.
"oo nga! I almost had a heart attack!" ani Kara.
"oy grabe kayo ha. Di naman masyado" sabat ko habang kumakain ng burger.

BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...