Kabanata 4

2.9K 92 24
                                    

Kabanata 4

Lost

Hindi ko na siya hinintay dahil naiinip na ako. Magisa na akong lumakad papunta sa kotse ko at sumakay na dito. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kina Jelina eh. Pero ieexplain ko na lang sa kanila bukas.

Pagpasok ko ng bahay madilim na. Siguro nga tulog na sila. Pero may biglang tumikhim kaya napatingin ako sa sala.

Bumukas ang lampshade at tumambad sa akin sina mommy at daddy na nakaupo sa sofa.

What the heck? Talagang hinintay nila ako makauwi? It's freaking 1 am in the morning!

Tumayo si mommy at humalukipkip, habang si daddy at nanatiling nakaupo.

"diba ang sabi ko sayo ay grounded ka? Hindi ka na ba talaga natututo?"
ani mommy.

Hindi ako sumagot at umamba na lang ako na aakyat na at pupunta ng kwarto para matulog. I'm exhausted.

"don't turn your back on me while I'm talking!" sigaw ni mommy.

Liningon ko siya at nakita kong hinihingal na siyang nakatayo doon. Tumayo na din si daddy at hinawakan ang balikat ni mommy.

"Ang sabi ko wag kang aalis ng bahay! Kung hindi ko lang napaamin si manang malamang nakatakas ka sa akin ngayon" aniya.

Hindi na ako nakapagpigil.

"so what's it to you if I go out? Kaya niyo lang naman ako binabantayan para sa lintek na media na yan at baka masira ang pangalan natin!" sigaw ko pabalik.

Humakbang si mommy sa akin at mabilisan akong sinampal.

"how dare you say that!" sigaw niya.

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. Kusa nang umagos ang luha ko.

"totoo naman eh! Kung hindi lang dahil doon, wala na kayong pakealam sa akin!" sagot ko.

"aba't sumosobra ka na!" ani mommy sabay amba na sasampal ulit sa akin pero napigilan na siya ni daddy.

"Rose, let her rest first, bukas na natin pagusapan ito" ani daddy sabay himas sa balikat ni mommy para kumalma.

"dad's right" sagot ko sabay akyat na sa hagdanan at alis ng luha sa pisngi ko.

"I'm going to get your damn phone!" ani mommy pero hindi ko na inintindi dahil tuluyan na akong nakaakyat.

Humiga ako sa kama at nagsimulang pumatak ang mga panibagong luha sa mga mata ko. I've grown weaker. Hindi naman ako ganito dati.

Nakatulog ako nang may luha pa sa mata at nagising na lang ako dahil sa katok sa pintuan ko.

"ma'am papasok ho ba kayo?" ani Anna.

Pinilit kong bumangon para maligo na.

"oo" sagot ko.

Naligo ako at nagbihis tska bumaba para kumain na ng breakfast. As usual wala na sina mommy at daddy dahil sa trabaho.

Pumasok na akong school at nakita ko na sila Jelina na nakatambay sa parking lot.

Papalapit na ako sa kanila nang may narinig akong sumigaw.

"you bitch!" ani ng isang boses sabay hila sa buhok ko.

Napatingin ako sa likod at nakita ko si Dianna na girlfriend ni Joeseff kasama ang mga alipores niya.

"what the fuck is wrong with you?!" sigaw ko sa kanya.

"wrong with me?! baka wrong with you!" aniya sabay turo sa akin.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon