Kabanata 44

1.9K 45 227
                                    

Kabanata 44

Don't tell me

"baka nasa mansion na ang mommy mo ngayon" ani daddy na nasa front seat katabi ang isang bodyguard na siyang driver.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakahalukipkip habang tinatanaw ang mabilis na pagkawala ng mga lamp posts sa labas.

Tumunog ang iPhone ko na pasasalamat ko sa Diyos at buhay pa. Nabasag lamang ang screen nito. Papalitan ko din ito ng bago kapag may time akong pumuntang mall ulit.

Umasa nanaman akong siya na iyon ngunit nabigo nanaman ako. Si Jelina lang pala.

Jelina:

Hoy bruha! Anong nangyari sa kwarto mo?! Nasaan ka ba?

Holy shit. I forgot to clean the pieces of broken glass on the floor! Sa sobrang pagkabalisa ko kanina ay nakalimutan ko nang walisin.

Ako:

Hahaha! Sorry, I forgot to clean those. Marunong ka namang maglinis kaya ikaw na lang, mahal mo naman ako eh. And I'm on my way to our mansion. Call you later, long story.

Sumulyap muna ako kay daddy bago sinend ang reply ko kay Jelina. His bodyguard and him are talking about our business.

Hindi lalampas sa limang minuto ay nagreply na si Jelina.

Tinanong niya kung bakit ako bumalik at bakit din nabasag ang salamin sa kwarto ko.

"we're home" ani daddy na nagpatigil sa akin sa pagtipa ng reply kay Jelina. Mamaya na lang ako mageexplain.

Binalik ko na ang cellphone ko sa aking purse. Bubuksan ko na sana ang pinto ng van ngunit naunahan na ako ng bodyguard ni daddy kaya bumaba na ako.

Wala namang nagiba sa mansion namin. Ganoon pa din kaganda. I kinda miss being here.

I remember my child me playing with the waters on our fountain. Natawa ako dahil naalala kong nalaglag ako doon at muntik pa kong malunod. Malalim kasi ang tubig doon.

"Kendall Freya jusko!" nabalik lang ako sa ulirat nang lumabas si mommy sa engrandeng pintuan namin at niyakap ako.

Nagulat ako dahil hindi ganito ang inaasahan kong gagawin niya sa akin. Akala ko bubungangaan niya ako at sasabihang bakit pa ako bumalik.

Hindi ko siya niyakap pabalik at nanatili akong straight na nakatayo bago siya humiwalay sa yakap.

"I'm so worried about you! Saan ka ba natutulog ngayon? Ay, mamaya na nga natin yan pag-usapan, pasok na tayo sa loob" naweirduhan ako kay mommy dahil hindi naman siya ganito dati. Mukha pa siyang excited dahil sa paguwi ko, I mean pag punta ko.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso na sa dining area. Ang daming pagkain na nakalatag doon. I miss this feeling.

Naunang umupo sina mommy at daddy na magkaharap. Hindi muna ako umupo at nanatili pa ding nakatayo sa gilid.

"o anak, umupo ka na. Parang hindi mo naman bahay ito" halakhak ni mommy kaya dahan dahan akong pumwesto sa gitna nila.

Nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain at inilagay sa mga pinggan nila kaya kumuha na din ako. I think this is the first time that we had a dinner in home together. Madalas silang wala kaya minsan ay ang kasama kong kumain ay si mommy lang or si daddy lang pero mas madalas, ako lang magisa.

"kain ka na hija" ani mommy na nakangisi kaya napilitan akong kumain na. I'm really not in the mood to eat today.

"so, how are you Kendall?" ani daddy.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon