Kabanata 45
Mali
"...y-you're?" nanginginig na sinabi ni mommy.
Pinunasan ko ang bibig ko at hinarap siyang luhaan. I don't know what to say.
"Kendall.." ani daddy at hinihimas ang likod ni mommy na hinihingal na.
"you're pregnant?" diretsong sinabi ni mommy na mas lalong nagpaiyak sa akin. Ayoko pa sanang sabihin sa kanila ngunit obvious na buntis na nga ako. Or pwede din namang nagsusuka lang ako dahil lasing ako or may sakit diba? Hindi pa tamang oras ito.
Pero naisip ko na wala na akong takas dito. Why not tell the truth anyway? Tumango na lang ako habang pinupunasan ang mukha ko. There's no use of lying anymore. Hindi ako makapagsalita. Tumingin ako kay mommy at nakita kong sinapo niya ang noo niya na parang hindi siya makapaniwala na buntis nga ako.
"who's the father of that child?" medyo kalmado na siya ngayon. Pero ako, nanginginig pa din dahil sa kaiiyak.
I was left speechless. Hindi ko alam kung aamin ba ako o ibang lalaki ang sasabihin ko. Gusto ko na lang tumakbo paalis dito.
"ang sabi ko, sinong ama ng batang iyan?" ulit ni mommy na medyo tumataas nanaman ang boses niya.
Nahinto na ako sa pagiyak at tumayo. I eyed her straight bago nagsalita.
"si Zion" confident kong sinabi. I have no choice.
Sinampal ako ni mommy. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. Muling namuo ang mga luha sa mata ko.
"Rose, tama na" awat ni daddy ngunit nagmatigas pa din si mommy.
"kaya ka ba hindi nagpakasal kay Luke dahil sa walang kwentang lalaking iyon? Hanggang ngayon ba naman Kendall! Ilang taon na ang lumipas!" sigaw niya sa mukha ko kaya tumulo nanaman ang mga luha ko.
Hindi niya alam. Hindi niya kasi alam na kaya na akong buhayin ni Zion ngayon. Masyado siyang judgemental.
Pinunasan ko ulit ang luha kong ayaw tumigil sa pagtulo bago siya hinarap."hindi mo kasi alam eh! Puro pera na lang ang mahalaga sayo! Pano kung sabihin kong siya ang may ari ng pinagtatrabahuan ko ngayon? Matatanggap mo siya hindi ba? Ganyan ka na ba kadespereda? Dapat nga maging masaya ka dahil magkakaapo ka na. Pero hindi eh. You only think about yourself mom. I'm your daughter, pero kahit kailan hindi ko naramdaman iyon" dire-diretso kong sinabi na hindi pinigilan ni mommy at nagmadali na akong lumabas ng mansion.
Tinawag ako ni mommy at daddy ngunit hindi na ako nagaksaya ng panahong lumingon pa.
"pagsisisihan mo 'to! I already warned you years ago! Ikakasal na siya!" pahabol na sigaw ni mommy na hindi ko na pinakinggan. Nababaliw na ata siya, masira lang kami.
Pumara ako ng taxi at nagmadaling sumakay doon. Wala akong mapuntahan kaya napagdesisyunan ko na lang na bumalik ng condo.
Nag-ayos ako ng mukha ko. I'm pretty sure I look like a mess now. Ayoko nang umiyak dahil makakasama pa to sa baby ko. I should be strong for my baby. Siya na lang ang pagkukuhaan ko ng lakas.
Saka ko lang narealize nang nasa elevator na ako ay naiwan ko pala ang cellphone ko sa mansion. Di bale na, bibili na lang ako ng bago bukas.
Hindi tuloy ako nakapagresign sa trabaho. Saka na nga lang kapag wala nang gulo. Masyado pa akong preoccupied ngayon.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nakarinig ako ng sigawan sa loob. What the hell is happening here?
I immediately opened the door and the shocked look on Jelina and TJ's face welcomed me.
Napatingin sina Jelina sa may bandang kwarto ko kaya napatingin na din ako. May lumabas na isang lalaking galit na galit at tinapunan ako ng masamang tingin.
Why is he here?
"I told you Zion, kakarating niya nga lang oh" ani Jelina.
Ang bibilis ng hakbang ni Zion papunta sa akin na kinatakot ko. Handa na akong saktan niya kaya napapikit na lang ako sa kinatatayuan ko.
Before I could realize anything, niyakap niya ako. Sa sobrang higpit ay halos hindi na ako makahinga. I thought he's gonna hit me.
"I-I thought...you left me" nanginginig na sinabi niya na nagpatulo ulit sa mga luha ko. Lahat nanaman ng galit at pagaalala ko, naglaho. Sa isang yakap at salita niya lang, balik nanaman ako sa dati. Balik nanaman ako sa pagiging tanga.
"you're not answering my calls" aniya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya tinulak ko siya. Hindi kaya ako makahinga.
"answer me baby, please" aniya at pinunasan yung mga luha kong walang tigil sa pagtulo.
"I thought you also.. left me" tanging sagot ko at nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa labi.
"labas na kami ah? SPG niyo eh" halakhak ni Jelina at hinila na si TJ palabas. Hindi ko na namalayan na nandito pa nga pala sila.
Ngayon ko lang napagtanto na namiss ko agad siya. Parang kanina lang eh, magkasama kami.
I reached for his nape and I pulled him closer para mas lalo ko siyang mahalikan.
"I really miss you" he said in between his kisses. Pareho pala kami ng nararamdaman.
Pagkasabi niya non ay tinulak ko siya sa sofa. Sabik na sabik na ako sa kanya.
I went on top of him and he kissed my neck and gently sucked it. My mouth let out a soft moan. His hands snaked to my waist then in one swift motion, he went on top of me. Pinalitan niya ako sa taas.
"kahit anong mangyari, please, stay with me baby" bulong niya na nagpakaba sa akin. What does he mean?
Itatanong ko na dapat sa kanya kung ano ba yung sinasabi niya ngunit nawala na ako sa sarili nang gumapang ang kamay niya sa ilalim ng skirt ko. He gently massaged my throbbing folds.
"Z-Zion...no" naalala ko nga palang buntis ako.
Kumunot ang noo niya at nagtanong bago ako simulang halikan muli sa likod ng tenga.
"but why?" I can sense desire and impatience in his voice.
"because..." ayoko pang sabihin sa kanya. Hindi pa tamang oras ito. I want to surprise him.
"because?" he said while nipping the corners of my lips. Nakikiliti ako sa ginagawa niya sa akin. Dumilat ako at tinignan siya. Nakakunot ang noo niya at nakapikit habang ang mga kamay niya ay nilakbay na ang buong katawan ko. I find it sexy.
"w-wala" wala na akong nagawa. Nadala na ako ng bugso ng damdamin ko.
"good" aniya at ngumisi. Ang hot niya talaga! Mukhang siya ang paglilihian ko ngayon!
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni mommy kanina. Anong ikakasal na siya? Hanggang ngayon, iyon pa din ang bumabagabag sa isip ko. Naalala ko din na sabi ni Trina ay future husband daw niya si Zion. Bigla ko din naisip na years ago, sinabihan na ako ni mommy tungkol sa pagiging fixed marriage din ni Zion. Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat!
Iyon ba ang ibig sabihin niya na kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan?
Tears started to roll under my eyes once again.
Nasa kalagitnaan siya ng paghalik sa tiyan ko nang pakiramdam ko ay naramdaman niya ang panginginig ko kaya napatingala siya sa akin.
"baby what's wrong? Why are you crying?" aniya at umangat siya para punasan ang mga luha ko at hinalikan niya ako sa noo.
Umiling ako. Trying to brush away all the things that's running through my head.
"I-I'm just happy" I smiled, para hindi na siya mag-alala.
"me too. Wag ka nang umiyak" isang malaking ngisi ang pinakawalan niya bago niya tinupad ang mga gusto ko.
Sana lang mali ang mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomansaBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...