Kabanata 37

1.7K 51 180
                                    

Kabanata 37

Meeting

Nag-ayos na ulit ako para sa meeting na sinasabi ni Zion na gaganapin ngayong hapon.

I wonder what will I do there. Baka naman taga utos lang niya? I never applied here to be a servant.

"Hailey saan gaganapin iyong meeting? Kasama ka?" tanong ko kay Hailey at sinabayan siya sa paglalakad sa kung saan.

"Opo. Sumabay ka na" aniya kaya sabay kaming naglakad patungo sa kung saan ba ginaganap ang mga meeting dito. Medyo nalilito pa ako sa dami ng pasikot sikot sa building na ito.

"ano bang gagawin natin doon? Secretary ka rin diba?" tanong ko sa kanya nang sumakay kaming elevator patungong 10th floor.

"nag-uutos siya at minsan naman ay nagtatanong kung okay ba ang gawa niya" aniya.

Hmmm. That sounds interesting.

"pwede bang magbigay ng mga recommendations? suggestions? Ganoon?" tanong ko dahil marami din naman akong mga karanasan dahil sinasama ako nina mommy sa mga meeting nila dati sa America para sa resort namin.

"oo, pwede naman" aniya.

May dalawang lalaking sumakay din ng elevator kaya napaatras ako sa likod.

Tinignan ko sila dahil ang likot nila. Iyong isang lalaki ay matangkad at gwapo habang iyong isa naman ay medyo kinulang sa height pero pwede naman. Nagsisikuhan sila kaya napakunot ako ng noo.

Nagulat na lang ako nang humarap sila sa akin.

"uh... Ms. Kendall pwedeng p-pa picture?" anang iyong gwapo. My God. He looks familiar but I can't remember when I last saw him.

Tumango ako na may kasamang ngisi kaya tinabihan niya ako.

Napatingin ako kay Hailey na nasa gilid at nakasimangot na may kasamang halukipkip. Isinawalang bahala ko na lang iyon.

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa may bandang beywang kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi siyang nakatingin sa camera kaya tumingin na lang din ako doon.

"don't you remember me?" bulong noong gwapong lalaki sa akin na nagpatindig sa balahibo ko. Feeling close to ah? Sino ba to?

"I'm sorry pero... sino ka ba?" pagtataray ko.

Bago pa siya maksagot bumukas na ang elevator at bigla na lang akong hinila ni Hailey palabas. What is wrong with this girl?

"o, nagmamadali ka yata" sabi ko nang tumigil kami sa pag half run.

"basta" weird niyang sinabi.

"Hails wait, let me explain" nagulat na lang kami ni Hailey na sinundan pala kami nitong lalaki kanina.

Wait... parang naaalala ko na siya.

"Zane please... just.. just leave me alone" ani Hailey na nagpaalala sa akin doon sa lalaki.

Siya nga! Si Zane... Fontanillo? Iyong dating nilandi ko noon? Nakakatuwang isipin na ang dami kong nakikitang mga classmates and schoolmates from highschool today.

"I just did that to gain your attention to me Hailey I-" ani Zane.

"ganoon ba dapat? Pagseselosin ako? Ha? Ganoon ba?!" sigaw ni Hailey kay Zane.

My God. What am I even standing here for?

"uh Hailey una na ako" awkward kong sinabi habang nanlilisik ang mga mata niya kay Zane. I have never seen her like this before. Natuto na pala siyang lumaban? Nakakatawa isipin na dati sobrang kawawa siya sa akin na hindi niya man lang ako magawang labanan ng ganyan.

Hindi niya na ako pinansin dahil mukhang sasabog na siya sa galit dahil kay Zane. So that means... LQ sila? So... they're in a relationship? I never imagined na magiging sila pala ni Zane, na puro kabulastugan lang ang alam. Si Hailey na nerd at weird lang pala ang makakapagpaamo dito.

Dahil hindi ko alam kung saan ba ang meeting room dito, nagpaikot ikot na ako sa buong floor at saka ko lang iyon nakita dahil maraming mga tao ang pumapasok doon.

Marami nang mga businessman ang nandoon. Most of them I think is in their mid 30s already. Luminga linga ako sa paligid at nagtama ang mga mata namin ni Zion.

Naglakad ako papunta sa kanya na taas ang noo. Napatingala siya sa akin dahil seryoso siyang nakaupong nakadekwatro sa isang swivel chair doon.

The whole room is relaxing dahil glass pa rin ang walls nito. This room is a great area for meetings. May isang malaki at mahaba na wooden table na pinapalibutan ng mga swivel chair katulad ng inuupuan ni Zion ngayon.

"where's Hailey?" aniya.

"may inaasikasong LQ" sagot kong medyo natawa.

"what?" kunot noo niyang sinabi. I can't help but marvel him. He's just too..

"wala. Wala akong sinabi" pabalang kong sagot.

Hindi niya na ako pinansin dahil nagsimula na ang meeting.

Nanatili akong nakatayo sa likod niya habang lahat sila ay nakaupo. Mukha akong bodyguard niya dito. Gosh. Nasaan na ba si Hailey?

"Ms. Kendall Nochefranca? Is that you?" nagulat ako nang tawagin ako ng isang babaeng sopistikada.

"uh yes po" sabi ko. I don't even know this woman.

"ikaw nga! Ang anak nila Rosanna! I believe gumaganda na ang mga ratings ng resort niyo" aniyang nakangisi.

"she's the resort's heiress?" narinig kong bulong ng isa pang business man.

Inintriga na nila ako. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sagutin ang mga tanong nila. Wala na nga akong balita sa kung ano nang nangyayari sa resort namin. Mukhang mas maganda na iyon ngayong wala na ako base sa mga sinasabi nila.

Pagkatapos noon ay bumalik ulit ang atensyon nila sa meeting kaya ganoon na din ang ginawa ko.

"I think we should create parks for the families to enjoy with" sambit ni Zion.

They are talking about a new hotel that one of the business man here built. Bata pa siya at mukhang ilang years lang ang agwat sa amin.

"I wanna hear your secretary's suggestion" anang iyong business man na sinasabi ko na nakangisi. He's hitting on me, I know. Kanina ko pa nararamdaman ang paninitig nito sa akin.

"sir Zion's idea is already great sir. I think it will lure people to stay in the hotel more longer because of the entertainment that is the park" sagot ko.

"okay then" aniya sabay kindat sa akin.

Napabaling ako kay Zion dahil sa lakas ng tikhim niya.

"get me a coffee please" aniya sa isang maawtoridad na tono.

Paalis na sana ako nang tawagin ulit ako ng business man kanina.

"Ms. Kendall, is this good?" aniya at tinuro ang isang formation na nasa powerpoint presentation.

"o-opo sir" sagot ko.

"you know sir, you should get yourself a secretary. Hindi iyong akin" nagulat ako dahil biglang sumabat si Zion at matalim ang tingin doon sa lalaki.

"I'm sorry Mr. Fabregas, but I want your secretary's point of view" balik niya kay Zion.

Tumingin ako kay Zion na sinenyasan na akong lumabas. Hindi pa din natatanggal ang busangot sa mukha.

Hindi ko na nasundan ang pag-uusap nila dahil lumabas na ako para kumuha ng kape para kay Zion.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon