Kabanata 24

1.7K 44 70
                                    

Kabanata 24

Don't

Push and pull din itong si Zion eh. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kahit ba dati ganon na siya eh. Ang hirap niyang espellingin. He's more confusing than a puzzle.

Nung isang araw hinatid niya ako sa bahay, pagkatapos noon hindi niya na ulit ako pinansin.

Tapos ngayon nagprapractice na kami para sa graduation. 1 week na lang ay gagraduate na kami. Mamaya mananalangin na ako sa mga santo't santa na sana ay gagraduate akong valedictorian. Kung hindi, papatapon ko sa Luneta yung mang-agaw ng trono ko. No one messes with me.

"Solidad, Pristine Kara J." tawag ng mc at umakyat na si Kara sa stage at tinanggap ang folder na kunyari ay diploma sa principal at iba pang school staffs.

Ang sunod ay si Jelina at kasunod niya ay ako na aakyat sa stage. Magkakasunod lang kasi kami sa pila kahit hindi naman dapat talaga kami ang magkakatabi. At wala ding makakapigil sa amin kahit na wala kami sa tamang upuan.

"Cordonilla, Jelina Francine D." tinawag na si Jelina kaya ako na lang ang hindi pa natatawag.

Lumingon ako sa mga boys at may nakita akong iilan na nakatingin sa akin. Yung isa ay kinindatan pa ako! Eh pangit naman! Eww.

Hinanap nanaman ng mata ko ang hindi ko dapat hanapin. Wala eh. Ang hirap.

Nagulat ako nang pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya sa akin. At... nginitian niya pa ako! Aba! May sapak nanaman siya. Minsan namamansin, minsan hindi. Abnormal.

Kumunot ang noo ko noong una pero napalitan din ng ngisi na hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.

Tumawa siya kaya nagtaka ako kung bakit. May sapak talaga siya!

Um-oo pa siya kaya mas lalo akong nagtaka. Wala naman akong sinasabi at bakit siya sasagot ng oo sa akin.

Huli na ng napagtanto kong hindi pala ako ang kinakausap niya. Kundi ang babaeng nasa tabi ng nasa harap ko. Who else? Malamang ang pokpok!

Napahiya ako doon! Nakakainis! Nagmukha akong tanga!

"for the ninth time. NOCHEFRANCA, KENDALL FREYA V!" napatalon ako sa upuan ko nang sumigaw ang mc namin na kanina pa pala ako tinatawag! Badtrip! Nakakahiya na talaga!

Nagmadali tuloy akong umakyat ng stage na kulang na lang ay madapa ako sa pagmamadali.

May ibang tumawa sa mga ka-batch mate ko kaya napatingin ako sa kung sino iyon. Isang grupo ng mga malalanding babae pala. Isang hagod ko lang ng tingin sa kanila, natameme na sila. Alam na nila ang mangyayari sa kanila kapag pinagpatuloy pa nila iyon.

Nakipagkamayan ako sa mga tao sa harap ko at kinuha na ang folder. Pababa na sana ako sa hagdan nang tawagin ako noong principal.

"ms. Nochefranca, hindi ganyan ang tamang paghawak ng diploma" aniya sabay senyas na bumalik ako sa harapan.

Buong school na ang nakapanood sa lahat ng kahihiyan ko ngayong araw na ito. Wala na bang mas babad trip dito? Sana lamunin na lang ako ng stage please.

Napakamot tuloy ako ng batok at ramdam ko na namumula na din ako dahil sa kahihiyan.

Itinuro sa akin ng principal ang tamang paghawak ng diploma at binigay niya ulit sa akin ang folder para gawin ko ang ginawa niya. Pano ba naman kasi, hindi ako nakikinig kanina kaya hindi ko alam na diniscuss pala ang tamang paghawak ng diploma at certificates. Bigla ko na lang kasing hinablot sa kamay niya ang folder na pinaypay ko pa sa sarili ko sa sobrang init kanina bago bumaba ng stage.

"ganyan ha, hindi iyan pamaypay miss Nochefranca" aniya at hinayaan na akong bumaba ng stage.

"nakakatawa ka! Mukha kang nawawala sa sarili kanina!" ani Jelina sabay hagalpak ng tawa, salubong sa pagbalik ko sa upuan.

"and by the way, napatawa mo si fafa Zion!" biglang sumingit ang tumatawa ding si Kara na nagpaface palm sa akin. Nakakahiya na talaga! Sobra! Gusto ko nang umuwi!

Napagisip isip ko sa mga natitirang araw ko dito sa Pilipinas na pupunta kaming foam party para padespidida. Ngunit hindi ko pa talaga nasasabi sa mga kaibigan ko na aalis na ako ng Pilipinas. Sa mismong party ko na lang sasabihin sa kanila. Tiyak, magagalit sila sa akin.

Nagaayos na ako ngayon at dahil basaan ang mangyayari mamaya, nagsoot ako ng isang halter crop top at denim shorts.

Pumunta na ako sa club 117 na doon gaganapin ang foam party. Marami nang tao sa loob kahit na 10 pa lang ata.

Lumabas na ako ng sasakyan and I took out my phone to call them.

"hello Jel? Where are you? Are you with TJ?" tanong ko nang sagutin na ni Jelina ang tawag ko.

"yeah. We're here. Saan ka na? Nandito na din sina Kara"

"oh. I'm outside. Pasok na ako, sige bye" sagot ko at pinatay na ang tawag.

Hindi ko inimbitahan si Zion. Syempre. Like hell I would.

Pumasok na ako sa sisikang club na puro nagsasayaw na mga tao.

May isang lalaki pang nanghipo sa akin kaya binilisan ko na lalo ang paglalakad. Buti nakaiwas ako.

Nakarating naman akong may dala dalang tequila na kinuha ko kanina sa isang waiter.

"akala namin na stampede ka na" anila sabay hagalpak ng tawa.

Kwentuhan at tawanan ang ginawa namin sa couch dahil hindi pa naman nagsisimula ang mismong foam party. Hindi naman ako makahanap ng tyempo para masabi ko sa kanilang aalis na ako. Maiintindihan naman nila siguro ang dahilan ko.

Umingay na ang mga tao at yung iba ay nagsialisan na sa mga inuupuan nila. Mukhang nagsisimula na ata ang basaan kaya lumabas na din kami.

Tama nga, kakasimula pa lang kaya paglabas na paglabas namin, basang basa agad kami.

Pinagtripan naman namin si Art kaya siya ang pinakabasa sa aming lahat.

Tawanan kami ng tawanan hanggang sa napagdesisyonan kong sasabihin ko na ngayon.

"guys... I have something to tell" panimula ko kaya napatigil sila sa tawanan nila.

"what is it Ken?" ani Jelina may bakas pa ng ngisi sa mukha.

"I-I'm flying to America the next day after the graduation. So the next day after tomorrow" sinigurado kong hindi sila masyadong magugulat sa sinabi ko.

Pero mali ako, nagulat nga sila.

"what? you're leaving?" ani Kara.

"bakit ngayon mo lang sinabi Ken?" ani Cedrick.

Natahimik ako. Akala ko mas magandang timing itong sabihin ngayon gayong bukas na ang graduation namin.

"maybe you should explain it to him too" ani Jelina.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Ngunit ayaw kong malaman niya ang pag-alis ko. Masasaktan lang ako. Dahil sigurado akong hindi niya ako pipigilan.

"please don't tell him" pagmamakaawa ko.

I know na mas magiging masaya pa siya dahil wala na ako. Wala nang manggugulo sa kanila ni Trina. Pwede na nga silang magpakasal kung tutuusin eh.

"sure" aniya.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon