Kabanata 14

2.1K 58 51
                                    

Kabanata 14

Call

Sunday ngayon at umuulan pa, nakakatamad umalis ng bahay ngayon. I guess di muna ako aalis ngayon.

Kumakain ako ng breakfast nang biglang sumulpot si mommy out of nowhere.

"good morning my" bati ko sabay beso.

"good morning" aniya.

Kumuha din siya ng pagkain niya at umupo sa harap ko.

"malapit na ang birthday mo, Ken" bigla niyang sinabi. Ni ako hindi maalala na malapit na pala ang birthday ko. Debut ko.

"oo nga eh" iyon lang ang nasabi ko.

"I was planning about your debut days ago and naisip ko na magkaroon ka ng photoshoot sa beach. Pwede mong isama ang mga kaibigan mo para makapag mini vacation kayo ngayong christmas vacay nyo" paliwanag ni mommy.

Sumangayon naman ako sa gustong mangyari ni mommy. Hindi na ako nagpapasaway sa kanya ngayon at baka maulit pa yung nangyari dati.

Napagdesisyonan naming sa Bolinao gawin ang photoshoot ko kaya agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko. Nandoon din kasi ang grandparents ko.

"oh my gosh! Oo nga pala! I'm so totally in!" ani Jelina nang tinawagan ko siya.

"of course! I'm going!" ani naman ni Kara.

Tinawagan ko din ang mga kaibigan kong boys na sina Art, Cedrick, TJ na ngayon ay naging boyfriend na talaga ni Jelina, at.... si Zion.

"I didn't know your birthday's coming up. Okay, I'm sure I'll be there" ani Zion nang siya naman ang tinawagan ko.

I'm so excited! Ang sabi ni mommy bukas na daw kami pupunta ng Pangasinan kaya nagimpake na agad ako.

Maaga akong gumising kinabukasan para makapag ayos na.

Sinabi ko na lang sa kanila na magkita kita dito sa bahay namin.

Habang nagbibihis ako, kinatok na ko ni Anna.

"nandyan na po ang mga bisita ma'am" aniya.

Kinuha ko na ang backpack ko at bumaba na.

Nakita kong nandoon na sina Jelina, Kara, at TJ. Wala pa sina Art, Cedrick, at si Zion.

Asan na kaya yung isang iyon?

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong wala pa siyang chat o kaya text doon.

"I'm so excited!" tili ni Jelina.

"andito nanaman ako babe ah?" singit ni TJ.

Nagtawanan kami at dumating na sina Art at Cedrick. Wala pa ring Zion na dumadating.

Tinawagan ko na siya dahil nagaalala na ako dahil hindi siya nagrereply sa mga text ko.

Sinagot na niya ang tawag ko kaya lumabas muna ako.

"huy ano ba? Asan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay dito!" reklamo ko sa kanya.

"excuse me?" isang pabebeng boses ang bumungad sa akin.

Ang aga aga isang haliparot ang bubungad sa akin?! And bakit na sa kanya ang cellphone ni Zion? Magkasama sila? What the f?

"excuse me?" ginaya ko ang tono ng boses niya.

"bakit na sayo ang cellphone ni Zion?" pagtataray ko.

"nasa-" naputol ang sinabi niya at narinig ko sa background ang boses ni Zion.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon