Kabanata 25
Leave
"Kendall! Picture tayo!" anang isang babae sabay hila sa akin at picture.
Kanina pa madaming nagpapapicture sa akin dahil anila souvenir daw.
Halos mahilo na nga ako sa dami ng flash sa akin. Syempre ang isang Kendall Nochefranca ay grumaduate bilang isang Salutatorian. Oo, hindi valedictorian. Dahil si Zion iyon. Ngayon ko lang din nalaman na scholar lang pala siya dito.
Pati nga mga reporters nandito din eh. Dahil nga ang anak naman ni Rosanna at Marvic Nochefranca na owner ng isang sikat na chain of hotels ay grumaduate na.
"bestie! Pic tayo!" anang sumisigaw na si Jelina dahil sa wakas, napakilala niya na si TJ sa mga magulang niya at tanggap nila ito. Buti pa siya.
"I'm gonna miss you so much!" aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit pagtapos naming magpicture.
"shh. Wag kang maingay. Baka may makarinig" saway ko.
Saktong pagsabi ko noon ay dumating na sina Kara, TJ, Cedrick, at Art.
"groupie!" chant ko.
Pumwesto na kami at ngumiti sa camera suot suot ang mga toga namin.
"ang galing ng speech mo kanina Ken!" tili ni Kara pagkatapos naming mag picture.
May speech kasing sasabihin ang salutatorian at valedictorian kaya nagspeech ako kanina.
"so... anong plano mo ngayon? Bukas na ang alis mo" ani Jelina sabay taas ng kilay.
"wala" simpleng sagot ko. Wala naman talaga eh.
"are you sure that you don't wanna tell him? Baka magbago ang isip niya" aniya.
"no one can ever change his mind. Tanggapin na lang natin na ayaw niya na at ayaw ko na din. Kaya nga ako lalayo diba?" pagod na ako.
"ikaw? talagang hindi na din magbabago ang isip mo?"
"it's final. My decision is final" confident kong sagot.
Kinaumagahan, nagbihis na ako at sinoot na ang sunnies ko at dumiretso na sa kotse ni daddy papuntang airport. Anila nandoon na daw sina... Luke.
Habang nasa loob ako ng kotse, pinagmasdan ko ang mabilis na pagkawala ng mga poste dahil sa mabilis na pagtakbo.
Biglang natraffic kaya naisipan kong pakealaman ang cellphone ko. Ang daming chat doon nina Jelina at Kara na safe trip daw at wag ko daw sila kalimutan eh ihahatid naman nila ako sa airport. Mga lukaret talaga. Mamimiss ko talaga sila!
May isa pang cryptic chat sa akin si Jelina na "Wait for him" na hindi ko naman nagets.
Sa sobrang traffic napasilip tuloy ako sa labas at nagulat ako sa bumungad sa amin.
Ang harap ng bahay nina Zion na saktong paglabas niya na mukhang kakagising lang pero sobrang gwapo pa din with his messy hair at sobrang nagmamadaling pumasok sa kotse ng tito niya at agad na pinaharurot ito. Hindi ko na nakita kung saan ang daan niya dahil umandar na din ang sasakyan namin.
Saan siya pupunta? At bakit siya nagmamadali? Baka mabangga siya! Oh God! Wag naman sana. Mukha kasing sobrang importante ng pupuntahan niya. Kahit ba galit ako sa kanya, hindi pa din naman "iyon" nawawala.
Naisipan kong icheck ulit ang cellphone ko dahil nadistract ako kay Zion kanina at may nakita akong 11 messages sa messenger ko na lahat ay galing kina Jelina at Kara.
Jelina:
Saan ka na? Nasa airport ka na ba? Nandito na kami.
Mukhang mas nauna pa sila sa amin.
Napatingin ako kay mommy na busy na nakikipag usap kay daddy na mukhang tungkol sa resort namin sa Cavite.
Kara:
Ang tagal mo naman! Excited na kami!
Ano nanamang meron? Bigla tuloy akong kinabahan. Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa mga pinagsasabi nina Jelina at Kara.
Ilang sandali ang nakalipas, narating na din namin ang airport at nahanap agad ng mga mata ko ang mga kaibigan kong ang iingay at nagtatatalon na.
Kumaripas na ako ng takbo papunta sa kanila at niyakap sila isa isa.
"wag mo nang baunin ang pagiging tarantado mo sa America ha?" ani Art sabay kurot sa pisngi ko.
"asan na pala si Azayla?" aniya. Ang landi talaga nitong lalaking ito.
"baka natraffic sila" sagot ko.
"wala nang party animal sa atin" singit naman ni Cedrick sabay gulo ng buhok ko.
"ano ba!" tili kong natatawa sabay hawi sa kamay niya at inayos ko ang buhok ko.
"don't worry Ken, akong bahala kay Jel" biglang sabi ni TJ.
"aba dapat lang, pag yan pinaiyak mo, lilipad agad ako dito sa Pinas para lang suntukin ka" sabi ko sabay tawa.
"kelan kaya tayo mag bobonding ulit?" sabi ni Kara sabay yakap sa akin.
"maybe in the next 4 years" sagot kong natatawa.
"akong bahala sa syota mo at kakaladkarin ko yang kabit niya papuntang kabaong" ani Jelina kaya natawa ako.
Nagtawanan muna kami bago ako tinawag ni Azayla na kakarating lang dahil hinahanap na daw ako nina mommy.
"bye Kendall! We will miss you!" kaway nila sa akin habang unti unti na akong lumalayo.
Napawi naman ang ngisi ko dahil akala ko dadating ang hinihintay ko.
Umasa nanaman ako sa wala.
"Ken!" nabigla ako sa pagtawag ulit ni Jelina.
Lumakas ang kutob ng puso ko at biglang nagwala ang mga butterfly sa tiyan ko sa simpleng tawag niyang iyon. Ito na ba? Ito na ba ang hinihintay kong late nanaman?
Dahan dahan akong lumingon sa kanila.
"pasalubong namin ah!" sigaw niyang nagpadurog sa puso ko. Akala ko naman...
Nagfake smile ako at tumango bago tuluyan nang naglakad papunta kala mommy na kasama na sila Luke.
"I'm gonna miss you Philippines!" sigaw ni Azayla nang tumapak na kami sa sakayan ng eroplano.
Panay naman ang lingon ko sakaling dumating ang hinahanap kong imposibleng dumating. Bakit naman siya pupunta eh hindi naman niya alam na aalis ako?
"Kendall!" biglang may tumawag sa pangalan kong sobrang pamilyar na boses na nagpangisi sa akin.
Lumingon ako ngunit wala akong nakitang Zion na nakatingin sa akin at lungkot na lungkot dahil sa pag alis ko.
Was it just my imagination? Nababaliw na yata ako kakahintay sa wala. Akala ko ako ang dahilan ng pagmamadali niyang umalis kanina.
"hey... you okay?" anang hindi ko inaasahang kakausap sa akin ngayon.
Tiningala ko si Luke na may mukhang nagaalala.
Tumango na lang ako dahil nawawalan na ako ng gana.
"tell me if you need something alright?" aniya pero hindi ko na sinagot.
Umupo na ako sa loob ng airplane na katabi si Azayla. Nasa likod ko naman sina mommy at daddy habang nasa gilid ko naman ang pamilya nina Luke at Azayla.
Sumilip ako sa bintana at kita ko ang ibang mga taong umiiyak dahil aalis ang taong mahal nila.
Kung nandito kaya siya ngayon, iiyak kaya siya dahil aalis ako? Hahabulin niya ba ako? Pipigilan? Magmamakaawa ulit na wag ko siyang iwan gaya ng sinabi niya sa akin noong pinagtabuyan ko siya?
Pero imposible na ang lahat. Pinagtabuyan ko siya at ako ang nagbigay ng motibo na wag niya na akong pansinin sa pamamagitan ng pag iwas ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na tumulo ang luha kong kanina pang nagbabadyang tumulo.
So this is the end. Thanks for making me happy for a short time Zion.
Even if you don't want me in your life anymore, don't worry, I'll never get tired of you even if it kills me.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...