Kabanata 19
Truth
Nagsimula na kaming magswimming at naglaro din kami habang nalangoy.
Kaya naman nagutom ako at umalis muna para kumain sa isang seafood restaurant dito din sa loob ng resort nina lola.
May sumalubong agad sa akin na maid nina lola na may dalang towel at bathrobe.
Kinuha ko iyon at nagpunas muna ako ng towel sa may sun lounger tska sinoot ang bath robe at dumiretso na ako sa room ko.
May naaaninag na ako na lalaking nasa tapat ng kwarto ko. Who could that be? Nauna pa sa akin ah?
Saka ko lang napagtanto kung sino iyon nang nakalapit na ako sa kwarto ko.
Sino pa ba? Syempre ang fafa niyo.
Halatang kakatapos lang niyang maligo. Bakit hindi ko napansin na nawala pala siya kanina habang nagswiswimming kami? Siguro dahil napasarap ang pag sunbathing ko.
"oh? Why are you here?" tanong ko sa kanya at amba na bubuksan ko ang pintuan kaya tumabi siya ng bahagya para mabuksan ko.
"sabay na tayong kumain" aniya.
Paano niya nalaman na nagugutom na ako?
I checked the time at nakita kong lunch time na nga. Kaya siguro.
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.
"I'll wait" aniya kaya nilingon ko siya habang sinasarado ang pintuan. Hindi ko napansin na sumama pala siya sa akin dito sa loob. Akala ko mauuna na siya eh.
"okay" sagot ko sabay pasok na sa cr para makapag banlaw na.
Paglabas ko nakita ko siyang nakade-quatro na upo habang seryosong nanonood ng tv.
"let's go" sabi ko kaya tumayo na siya.
Habang naglalakad kami, napansin ko ang paninitig sa amin ni mommy na nasa sun lounger kasama si daddy at ang mga photographers.
Isinawalang-bahala ko na lang iyon at patuloy lang kaming naglakad ni Zion patungo doon sa restaurant.
Pagkarating namin nandoon na pala sila, kumaway lang sa akin si Jelina at Kara kaya nakita ko sila.
Umupo muna kami ni Zion doon sa sinave nilang seats namin.
Kinuha ko iyong menu at pumili.
"what's yours?" ani Zion.
"shrimp na lang at iced tea" sagot ko.
Nagtawag siya ng waiter at sinabi ang mga order ko. Pero may inorder pa siyang iba bukod doon. Baka sa kanya iyon.
Saktong paglipat ko ng tingin sa entrance, saktong pagpasok nina mommy at daddy kasama sina lolo at lola.
Nagkatinginan agad kami ni mommy at kumunot at nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa banda namin. Ano meron?
Dumating na ang mga inorder ni Zion at nagtaka ako na ang dami niyang inorder.
"may balak kang magpataba?" sabi ko sa kanya sabay halakhak. Sayang kasi yung nakakalaway na abs at yung v-line eh.
Tinitigan niya ako at tinaasan ng isang kilay.
"it's for you" aniya.
What?
"I can't eat all of that. I'll be fat. Papanget ako" sagot ko sabay inom noong iced tea.
"maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka" aniya sabay iwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/71800177-288-k837895.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...