Kabanata 46

2.1K 52 213
                                    

Kabanata 46

Wala

I woke up alone in my bed the next morning. Wala pa din akong kahit anong suot. Tumingin ako sa alarm clock ko at nakita kong 9 na ng umaga. Tinatamad pa akong bumangon dahil ang sakit nanaman ng katawan ko. Nanginig ako dahil sa lamig ng aircon kaya napilitan akong tumayo at kinuha yung robe sa gilid ng kama.

Iniwan nanaman niya ako.

I think I'm getting used to it. Everytime we make love at night, next morning, he always disappears.

I guess he left me for work. Okay lang naman kung dahil sa trabaho, ang hindi ko matatanggap ay ang pumunta siya sa punyetang babaeng iyon.

Wala sa sarili akong pumuntang cr at laking gulat ko nang naka-lock ito. Wala namang tao ah? Bakit naka-lock 'to sa loob? Hala.

Inikot ikot ko iyong door knob pero hindi pa din mabuksan. Nagsitaasan na lang ang mga balahibo ko nang may nagsalita mula sa loob.

"naliligo pa ako. Wait for me there, okay?" What the f? Nandito pala siya? Wala ba siyang trabaho ngayon?

"why are you here? I thought you have work today?" tanong ko mula sa likod ng pintuan at sumandal pa ako para mas marinig ko ang sagot niya.

Napamura naman ako nang buksan niya ang pintuan kaya napahawak tuloy ako sa basa niyang dibdib. My God. Buti may towel siyang suot sa pambaba! Akala ko pa naman...

Napaangat ako ng tingin sa kanya at napanganga. He's so hot! May mga tubig pa na pumapatak sa buhok niya dahil basa pa ito.

Bigla naman niyang hinawakan at pinunasan ang labi ko. Napakunot ako ng noo.

"laway mo tumutulo" aniya at nagawa pang tumawa. Ang saya niya ngayon ah? Ano meron?

"dun ka na nga! Maliligo ako! Tabi!" pagsusungit ko sa kanya sabay tulak at inirapan ko siya ngunit tinawanan lang niya ako at lumabas na ng tuluyan sa cr.

"o sige, maligo ka na nga. May pupuntahan pa tayo" aniya at sinarado ko na ang pinto.

Pagkatapos kong maligo ay sinigurado ko munang wala siya sa kwarto dahil nakapulupot lang ang towel sa katawan ko. Malay mo naman diba? Naninigurado lang.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakitang wala siya doon. I quickly ran to my closet para makapamili na ng damit. I decided to wear a floral dress today at kinuha ko din ang flats ko. Ayoko na mag heels ngayon dahil baka madapa pa ako.

Nahihilo nanaman ako. Tuwing umaga talaga ay ganito ako. Mabuti na lang at hindi ko pa nararamdaman ang pagsusuka dahil ayoko pang malaman ni Zion. May plano na kasi ako.

Mabuti na lang at tapos na akong magbihis nang pumasok siya ng kwarto. He's wearing a gray long sleeved shirt and black skinny pants. I think I'm gonna explode. Help.

"you done? Let's eat breakfast first" aniya at inakbayan ako kaya bumalik na ako sa ulirat ko at iniwan na ang makamundong pagnanasa sa isip ko.

Pumunta na kaming dining room at laking gulat ko nang may nakalatag nang mga pagkain doon at mukhang pinaghandaan niya pa.

"you did this? I didn't know you can cook" I said a matter of factly. Hindi ko talaga siya kilala. Hindi ko alam iyong mga kaya niyang gawin at mga gusto niya at hindi. Are we really together?

"of course I can. For you" aniya at ngumisi tapos inalalayan niya pa akong umupo at siya pa ang naghila ng upuan ko.

"hindi naman ako baldado" pagtataray ko pero tumawa lang siya kaya natawa na din ako.

Tinignan ko ang mga pagkain sa lamesa. May bacon at egg sa isang plato at may toasted bread and waffle pa then there's coffee too. Sobra pa ata to sa amin.

Nagulat na lang ako nang lagyan niya ako ng fried rice sa plato ko at ng maraming ulam. Tataba ako dito eh.

"ang dami naman! Tataba ako!" reklamo ko at binawasan ang kanin ko pero hinawi niya ang kamay ko.

"even if you're fat, I still want you. Kaya ubusin mo lahat iyan. Hindi naman kita iiwan 'pag tumaba ka eh" aniya at humalakhak pa.

Inirapan ko na lang siya dahil excited na akong tikman kung masarap ba.

"siguraduhin mong masarap 'to" sabi ko ngunit mukhang confident siya na masarap nga ito dahil nakasalumbaba siya sa lamesa at malaki ang ngisi.

Tinikman ko na ang luto niya at napahanga ako. Tama siya, masarap nga ito.

"tumataba ka na" aniya na natawa habang nakatingin sa akin dahil sunod sunod ang subo ko. Parang gutom na gutom nga ako eh.

"ang sarap" iyon lang ang sinabi ko dahil busy ako sa pagkain.

"syempre, ako ang nagluto niyan eh" at kinindatan pa ako. Really, baby?

"oo nga pala. Bakit hindi ka pumasok sa trabaho ngayon?" alam ko kasing wala siyang pahinga sa trabaho. No day offs.

"Mamaya pang hapon ako papasok" simpleng sagot niya at hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Syempre, ako ang dahilan. Sino pa ba diba?

Luminga linga ako sa paligid ngunit wala akong nakitang Jelina at TJ. Bigla kong naalala na may pasok nga pala ang dalawa.

"saan nga pala tayo pupunta?" usisa ko sa kanya na tahimik na kumakain.

"basta" aniya at ngumisi. Ano nanaman kaya ang binabalak nito?

"saan nga?" pagpupumilit ko.

"sunday ngayon diba?" aniya at nagisip pa ako kung anong araw ba ngayon. Day off ko nga pala ngayon kaya linggo nga.

"oo, bakit?"

"then we'll go to church" oo nga pala. Santo nga pala ang isang 'to.

Tumango na lang ako at tinapos na ang kinakain ko.

Pagkatapos namin kumain ay may ginawa nanamang kababalaghan sa akin si Zion kaya naman nalate kami sa simbahan. Ang kulit kasi eh, ayaw paawat.

"ayun! May upuan pa sa gilid!" bulong ko sa kanya dahil nakatayo lang kami sa labas ng open na simbahan.

Hinila ko siya doon sa saktong dalawang bakanteng upuan at doon na kami naupo.

Habang nag hohomily si father ay gumapang ang isang kamay niya sa akin at hinuli ang isang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"what?" I snapped ngunit hindi siya sa akin nakatingin at seryosong nakikinig sa pari.

Nagkibit balikat na lang ako at nakinig muli kay father.

"mommy! I want to eat na! I'm hungry!" sambit ng isang batang babae na katabi ko kasama ang family niya.

"later na anak, let's hear mass first. Sige lagot ka kay father kapag hindi ka makikinig" anang mommy niya.

"eh ayaw!" sagot nung bata. I remember me from her. Ganyang ganyan din ako kakulit dati.

"if you don't listen to the priest, we'll wont go to the play store you're talking about" anang kanyang daddy kaya napilitan ang bata na tumahimik at humalukipkip pa. She's so cute!

I can't wait to give birth to my baby already! Gusto kong maging masayang pamilya kami kasama ni Zion. I want to travel the world with them and have nothing to think about! Iyong walang iniisip na problema dahil wala nang makakasira sa aming dalawa.

"gusto mo nang magkababy?" nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Zion na nakatingin na din sa pamilyang katabi namin.

"ha?" nagkunwari akong di ko siya narinig kahit na sa loob ko ay ang saya ko na. Gusto na rin pala niyang magka-anak. Kung alam mo lang, Zion. Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kanya. Pero may pinlano na kasi akong surprise para sa kanya. Doon ko na din sasabihin na buntis ako.

"wala" at binawi din niya yung sinabi niya. Edi wag.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon