Kabanata 47

2.1K 47 208
                                    

Kabanata 47

Speechless

After the mass we went to the park para mag gala muna. Kahit ganito lang, okay na okay na sa akin. Nakaupo lang kaming dalawa sa bench at magkahawak ang kamay. Nakasandal pa ako sa balikat niya. Ayoko nang matapos ang oras na ito. Ang sarap sa feeling na wala kang iniisip na problema. Lalo na at kasama mo pa ang taong gusto mong makasama habang buhay.

"saan mo pa gustong pumunta? Bilisan na natin kasi mamaya maya papasok na ako... Gusto pa sana kitang makasama ng buong araw kaso hindi pwede" biglang nagsalita si Zion na ikinalungkot ko. Minsan na nga lang kami maging ganito, matatapos din pala. Pero siyempre kailangan niyang pumasok sa trabaho. Naiintindihan ko naman. Hindi pwedeng ako ang maging dahilan ng pagbagsak niya dahil lang sa kawalan niya ng time para sa akin.

Bigla kong naalala na kailangan ko nga pala ng cellphone!

"punta tayong mall. Sira na kasi phone ko" hindi ko na sinabi sa kanya na naiwan ko sa mansion dahil baka magtanong pa siya tungkol doon.

Tumango siya at hinalikan muna ang buhok ko bago ako hinila para tumayo.

Sumakay kami sa kotse niya at umandar na patungong mall.

Nang nakapunta na kaming mall ay hinila ko agad siya para pumunta sa apple store para makabili ng panibagong iPhone.

"Ano bang bibilhin mo? 7?" tanong niya nang dinampot ko ang model ng isang iPhone 7 na display.

I like this so...iyon na lang. We bought it and then I felt hungry so we hurried to a nearby restaurant.

Pagkaupo namin doon ay umorder na siya ng pagkain namin at pinakealaman ko naman ang bagong iPhone ko, keeping myself busy.

I entered Jelina and Kara's number because their number is the only one I memorized. I texted them on our group message.

Ako:

Bitches punta na kayo sa condo. Kain muna kami.

This is it. Kanina ko pa pinag-iisipan kung ngayon ko ba siya isusurprise o hindi.

Nakarating na siya sa table namin kaya kumain na muna kami.

"What time will you get home later?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Tuwing titingin talaga siya sa akin ay naiilang ako dahil masyadong kulay brown ang mga mata niya. Nakakailang na titigan.

"Maybe past dinner time. Why?" Ang tagal!

"Just asking. Punta ka mamaya sa condo ha" kunyari trip ko lang na papuntahin siya.

"Sure baby" aniya at kinindatan pa ako. Abnormal talaga siya!

Nang matapos kaming kumain ay hindi ko inaasahan na ihahatid pa pala niya ako sa condo bago pumasok sa trabaho.

"Baka malate ka niyan" sabi ko pagpasok namin ng kotse niya. Patay, baka makita niya iyong surprise ko.

"Hindi pa naman. 20 minutes pa bago ang meeting ko" My God.

Wala na akong nagawa at buong biyahe papuntang condo ay tahimik kami. Hindi ako makapagsalita dahil iniisip ko pa kung paano niya hindi makikita yung kababalaghan na gagawin ko.

"lalim ng iniisip ah" nagulat ako nang magsalita siya. Liningon ko siya at naka half smile pa ang mokong. Ang cute talaga, ang sarap lang sapakin.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng condo. Muli nanaman akong dinapuan ng kaba. What the hell will I do?!

"Sige thanks for the ride. Bye!" madali kong sinabi at hinalikan ko siya sa labi bago mabilis na lumabas ng kotse niya dahil baka ihatid pa niya ako hanggang sa loob.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon