Kabanata 28

1.6K 46 143
                                    

Kabanata 28

Ring

Hindi nanaman ako masyadong nakatulog noong gabing iyon sa kakaisip sa kanya.

What if kung umuwi ako ng Pilipinas ay magkita kami? What if nakalimutan niya na pala ako? What if may pamilya na talaga siya? Too many what ifs on my mind.

And bakit ko nga pala siya iniisip? I should not think about the past! Wala na siyang gusto sa akin ngayon kaya manahimik na lang ako!

I should not effing bother him already dahil masaya na siya ngayon na wala ako. Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya.

"Ms. Kendall, let's go back to the shoot" anang photographer.

Tumayo na ako at pumunta na sa designated place kung saan gaganapin ang photoshoot ko for the next month's issue.

Sa kalagitnaan ng shoot ko, tumunog ang cellphone ko at sinenyasan ko ang isa sa mga staff para tignan kung sino ba iyong tumatawag.

"it's your mom Ms." aniya.

Kaya tumigil muna kami sa shoot para masagot ko ang tawag ni mommy.

"yes mom?" bungad ko.

"what are you doing hon? Are you free tonight? I have a surprise for you" aniyang excited ang boses. Ano nanaman tong pasabog ni mommy?

"I'm in the middle of the shoot mom and yes, I'm free tonight"

"great. Let's meet at Leslie's okay?"

"alright mom. I lo-" she hang up.

Pagkatapos ng shoot ay agad na akong nagbihis sa dressing room ng isang formal na dress at umalis na para makapunta na sa 'surprise' dinner na sinabi ni mommy.

Malapit na kami sa restaurant nang tumawag si Luke sa akin.

"hey beautiful, where are you? Your mom's waiting for you" aniya

Kasama pala siya? Ano ba nanaman to?

"I'm on my way Luke, malapit na ako" sagot ko.

"oh alright, I'll wait for you outside okay?" aniya.

"okay bye" at pinatay ko na ang tawag.

Nang papalapit pa lang kami sa resto ay agad ko nang naaninag si Luke sa labas at may kinakausap sa cellphone niya.

Nang nakita niya na akong bumaba sa kotse ay tinago na din niya ang cellphone niya.

"let's go inside" aniya at hawak sa beywang ko, escorting me to our table.

Nakita ko halos lahat sila ay nandoon, maging sina Azayla nandito din. Hindi naman kami magiging kumpleto ng ganito kapag walang importanteng okasyon. Something's really up.

"good thing you've come dear" bati ni mommy.

Tinulak ni Luke ang upuan ko at umupo na ako doon. Umupo naman siya sa tabi ko.

"before anything else, let us order first" ani mommy at kuha na ng menu niya.

Habang kumukuha na ako ng order ko, napansin kong kanina pa nagbubulungan sina mommy at daddy na parehong nasa harap ko nakaupo. Mukhang may pinagtatalunan.

Pareho silang natahimik nang napansin ang paninitig ko sa kanila.

Dumating naman na ang order namin at iyon muna ang pinagkaabalahan namin.

Ininom ko ang red wine sa baso ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakasalumbaba si Luke at nakatingin sa akin.

"kumain ka na nga" natatawa kong sinabi pero diretso pa din ang tingin ko.

"I'm done. Tinitignan ko na lang ang magiging dessert ko" aniyang ngumisi.

Napatigil tuloy ako sa paginom ng wine at hinarap siyang nakakunot ang noo pero nangingiti. Baliw talaga ang isang ito.

"what's with the face, Ken?" aniyang tumawa.

Umiling iling na lang ako na nakangiti pa din at sinimulan ko ulit uminom ng wine.

Nakita kong kinuha ni daddy ang kutsara niya at pinatunog ang wine glass niya. Calling everyone's attention.

"my wife, would have a word" aniya at tingin kay mommy na nagpupunas ng table napkin sa kanyang bibig.

Binaba niya ang table napkin at mataman akong tinignan.

"my daughter, Kendall Freya Nochefranca..." panimula niya. Hay na ko. Ito nanaman tayo.

Hindi na natuloy ang sinasabi ni mommy dahil pinutol na siya ni Luke.

"let me tita" aniya.

Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi nila.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Luke sa aking gilid at dahan dahan na lumuhod sa harapan ko.

Nakukunot naman ang noo ko habang tinitignan siyang nasa harapan ko. Napatayo din tuloy ako.

Saka ko lang narealize kung anong ginagawa niya nang kinuha niya na ang isang maliit na kulay red na box sa bulsa niya.

"Kendall Freya Nochefranca..." aniya at binuksan ang pulang box.

"will you be Mrs. Ezconde for me?" aniya at bumungad sa akin ang isang silver na may malaking diamond ring na pinapalibutan ng mga maliliit na gem sa gilid.

Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari ngayon.

Napatingin ako kina mommy at daddy na parehong malalaki ang ngisi at sa mga tita at tito ko naman na malalaki din ang ngisi. Nakita ko pang kumuha ng tissue si mommy at ipinahid ito sa mata niya.

"I know your true feelings for me Ken, wag ka nang mahiya. I felt it... I felt it many times already" aniya na nakangisi din.

Napatakip ako ng bibig. Hindi ko talaga inaasahan ito ngayon.

"you know what date it is today? June 25... You know what? Ayan ang araw na una mo akong itinuring na kaibigan. Oo, exactly 5 years from now. Lahat ng mga masasayang ginawa mo sa akin, lahat naaalala ko. Nakataga na iyon sa utak ko... pati sa puso ko" aniya na nakatingala pa din sa akin.

I don't know what to do!

Napatingin ako kay mommy na pinanlakihan ako ng mga mata at nguso sa mommy at daddy ni Luke.

"say yes" walang boses niya iyong sinabi pero naintindihan ko.

Biglang bumuhos na ang mga luha ko. Hindi dahil sa kasiyahan. Kundi dahil magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal.

"please. Answer me Ken" aniyang nakaluhod pa din.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Liningon ko lahat ng mga taong nandito at lahat sila ay nagaabang sa magiging sagot ko. Tahimik ang lahat at pinapanood lang kami.

"Ken?" ani Luke. Hindi na makapaghintay sa magiging sagot ko.

Wala sa sarili akong tumango at sa bilis ng mga pangyayari at sa ingay ng mga taong nandito ay hindi ko na namalayan na naisoot na pala ni Luke sa akin ang singsing at niyakap ako.

Humagulhol ako habang nakayakap sa kanya. The time has come. Ang araw na pinakakinakatakutan ko.

"sabi na nga ba mahal mo din ako eh" aniya sabay kalas sa yakap namin at hinarap ako.

"tears of joy?" aniya sabay ngisi ng malaki.

Ngumisi na lang din ako pabalik kahit na umiiyak pa din.

This is what I've asked for. For my family's sake.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon