Kabanata 40
Bet
Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw.
A smile immediately plastered on my face because of what happened last night.
"Good Morning Zion!" maligaya kong bati.
Ngunit pagikot ko paharap sa kanya ay wala siya doon.
Pinilit ko ang sarili kong bumangon kahit na sobrang sakit sa gitna ng hita ko at ang mga binti ko sa ngalay para lang hanapin siya.
May robe sa gilid ng kama kaya iyon muna ang sinoot ko.
Ngayon ko lang naappreciate ang ganda ng kwarto niya. Kulay black ang wallpaper nito at light brown naman ang flooring. May flatscreen tv din sa harapan at may dalawang single na sofa at coffee table sa gitna noon. Maayos na din ang mga papeles na nakita kong nagkalat kagabi. Naglinis siguro siya.
Nag cr muna ako sa kwarto niya para mag-ayos ng sarili. Nagulat ako sa itsura ko dahil sobrang gulo ng buhok ko at sobrang dami ko ding kiss marks! Hindi ako makakapagsuot ng mga revealing na dress tuloy! Kailangan ko ding mag scarf dahil mukhang pinapak ni Zion ang leeg ko kagabi.
Lumabas na ako ng cr at lumabas na din ng kwarto niya. Baka naglilinis lang iyon ng sala.
Nang nakarating na akong sala ay wala pa ding Zion na nagpakita. Nasaan na kaya ang isang iyon?
Pumunta naman akong kitchen kasi baka nagbebreakfast na siya ngunit wala pa din siya doon.
Napaupo na lang ako sa sofa niya at hinilot ang sentido. Where the hell is he?
Kinuha ko na lang ang cellphone ko para sana itext siya doon ngunit naalala kong wala nga pala akong number niya.
Binuksan ko na lang ang mga text nina Jelina at iyong iba.
Lahat ng mga nakalagay sa text ay hinahanap ako. Kagabi pa pala iyon dahil nga bigla akong nawala.
Naisipan kong itext na lang si Hailey para icheck kung nasa trabaho na ba si Zion.
Ako:
Good Morning Hails! Nandiyan na ba si Zion? Sorry ha, absent muna ako ngayon. Masama ang pakiramdam ko.
Maya maya ay nagreply na din si Hailey.
Hailey:
Ay Ken wala siya dito. Kanina pa nga din siya hinahanap dahil may meeting pa siyang aattendan pero mukhang absent din siya ngayon.
Sumibol agad ang kaba sa puso ko. Nasaan na ba iyon? Nag-aalala na ako ha.
Naisipan ko naman na baka alam nina Jelina kung nasaan siya.
Ako:
Hi bitch! Sorry nawala ako kagabi ah, alam mo na... Nasaan pala si Zion? Baka alam mo?
Wala pang isang minuto ay nagreply agad si Jelina.
Jelina:
Oh my God! Sabi na nga ba eh! Kaya pala bigla kang nawala kagabi! Hindi mo ba alam na kaya doon ka namin hinila dahil alam naming nandoon si Zion? I guess it worked! Pero hindi ko alam kung nasaan siya eh, sorry.
Mas lalo akong kinabahan. Bakit bigla bigla naman siyang mawawala? Matapos nang masayang nangyari kagabi ay ganito? Bakit ba lagi na lang kapag masaya ka ngayon, malungkot ka na bukas?
Umuwi na lang muna ako kala Jelina para maligo dahil hahanapin ko na lang si Zion.
"Oh my freaking gosh Ken! Congrats!" bungad ni Jelina sa akin paglabas ko ng cr dahil naligo ako.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...