Chapter 1

179 14 12
                                    

Gia's POV

Feeling ko namumugto na mata ko sa kakaiyak. Wala akong pakialam sa makakakita. Kahit na sandamukal ang mga tao dito sa airport, i don't care.

"Bestie, wag ka na umiyak. Di pa ako patay, duhhh! Babalik ako atsaka, uso skype. Wag OA" sabi ni Ally.

"Bes, alam mo naman na ikaw lang sandalan ko e. Tapos, iiwanan mo pa ako?" sagot ko naman.

"Bes, 2 years lang ako don. Mag skype nalang tayo nang maka-experience man lang tayo ng LDF." -Ally.

Anong acronym yon? Minsan talaga di ko alam kung 'bat ko to naging bestfriend. Ang weird niya kaya.

Si Ally? Bestfriend ko yan simula nung nagtransfer siya sa school namin nung elementary. 5 years na kaming bestfriends. At wag ka, going strong ang friendship namin.

"LDF? Ano nanamang kaweirduhan yan?" sabi ko habang pinipigil ang pag-iyak.

"Long Distance Friendship. BWAHAHAHA" May ganon ba? Medyo natawa ako sa ka-cornyhan niya, pero biglang dumating si Tita Anne. Siya yung mommy ni Ally.

"Anak, kailangan na nating umalis. Gia, maraming salamat sa paghatid mo dito kay Ally." Sabi ni Tita Anne, mommy ni Ally.

Inakap ako ni Ally, I hugged back. "Bye, bestfriend. Wag mo ko ipagpapalit ah." sabi ko. Naramdaman ko na basa na yung damit ko. Umiiyak din siya. Lalo akong napaiyak.

"Bye, bes. Hindi kita ipagpapalit. Ako din ah? Wag mo kong ipagpapalit. Skype nalang tayo. See you soon." Atsaka kami bumitaw sa akap.

Inakap din ako ni Tita and we bid our good byes.

Naglakad na sila palayo sakin tapos sumulyap si Ally, ngumiti with matching kaway ng kamay at tuluyan na siyang naglaho sa aking panigin.

Naglakad na sila palayo sakin tapos sumulyap si Ally, ngumiti with matching kaway ng kamay at tuluyan na siyang naglaho sa aking panigin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I will surely miss you, Ally.

Habang naglalakad siya paalis. Bawat hakbang na ginagawa niya palayo sa akin, lalo kong nararamdaman na mag-isa nalang ulit ako.

Na wala na ang mommy ko. Wala na siya. At ang babaeng tinuturing kong kapatid ko, aalis na din.

Siguro nga, di siya aalis. Ang pisikal na presensya niya lang ang mawawala, pero alam ko--alam namin, na mananatali siya sa puso ko at ganon din ako sakanya.

Ally, pano mo ba nagagawang ngumiti kahit na iiwan mo ako? Kahit na magkakawalay tayo?

Alam ko naman na kaya ka lang ngumingiti para patatagin ako. Kasi alam mo na sa ating dalawa, ako ang mas mahina.

Ikaw ang tagapag-tanggol ko dati pa lang. Ikaw ang rumaratrat sa mga kaklase natin na nangbubully sakin. Ikaw ang ate ko, diba?

Ally's POV

"Bye, bes. Hindi kita ipagpapalit. Ako din ah? Wag mo kong ipagpapalit. Skype nalang. See you soon." Atsaka kami bumitaw sa akap.

Habang lumalayo kami sa isa't isa, tumingin ako sakanya atsaka ngumiti.

Biglang nag vibrate cellphone ko. May tumatawag, kaya sinagot ko kaagad.

"Hello?" sabi ko

"Ally, naka alis ka na? Nasan ka?" sabi ng binatang kausap ko.

"Airport. Paalis na. I'll call you pag dating ko sa Canada."

"Ah. Sige." Ganon lang?

"Wala bang sweet words o kahit 'ingat' man lang?" usisa ko.

"Ally, hindi ako ganon. Alam mo naman na si Gi-" I cut him off.

"Oo alam ko. Sige bye." Sabi ko. Pinipigilan ko yung sarili kong umiyak.

Gia, I'm so sorry. Kailangan ko 'tong itago sa'yo para sa ika bubuti ng lahat. Hindi mo deserve na kaibigan ang isang katulad ko. Sana mapatawad mo ko sa ginagawa ko.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon