Chapter 15

59 4 1
                                    

Gia's POV

"Ang sama naman ng gising mo, 'coz." sabi ni Gail. Sira ba siya? pano akong hindi mabubuset dun?

Siya? Type ni Gavin? E mas maganda naman ako sakanya e. Hmp.

"Smile ka naman. Papanget ka diyan." pang-aasar ni Gail.

"Sira." sabi ko naman. Ako papanget? Magi-smile na nga ako. Baka malamangan pa ako ni Gail. Ay, ang bad mo naman, Gia.

Tumawa lang si Gail at tinuloy na ang pagkain. Tumayo nalang ako at nag toothbrush na.

Ayokong malate. Nakagayak na din naman si Gail. Atsaka, nagpapahatid kami sa driver dahil ayaw niya talaga mag commute. Baka daw ma-rape pa siya, ang ganda niya pa naman daw. Sayang.

Ang hangin ng pinsan ko diba? -.-

After ko mag toothbrush, sumakay na agad ako sa sasakyan at naka-start na din naman ang engine. Nagbuklat nalang ako ng news feed. Nagpagti-tripan kong mag Facebook ngayon e. Bakit ba?

Di ko nga pala nireplyan si Gavin. Kalandi e. Nakakainis. Baka kaya siya iniwan ng girlfriend niya. Este, ex pala.

Sumakay na si Gail ng sasakyan kasabay yung driver namin.

"Kuya, let's go na." maarteng sabi ni Gail.

Magkabaliktad kami ni Gail. Mahilig siya sa dress, ako naririndi sa mga dress at umaangat pa minsan. Maganda naman daw katawan ko, sabi niya. Pero, ayoko tlagang nagde-dress. Nakaka-irita kasi. E basta, hindi ako comfortable.

Mahilig din siya sa mga make-ups. Ako naman, naiirita sa mga make-up. Ang kati kase sa balat. Atsaka feeling ko, hindi bagay sa'kin.

In short, masyado siyang girly. Ako? Slight lang. Mga 5%.

Naka-earphones lang ako buong byahe at nahihilo ako. Hindi kao nakatulog mabuti kagabi dahil sa lintek na 'oo' ni Gavin.

Hindi ako nag seselos. Yuck! Naiirita lang ako sa taglay niya.

Sabay kaming bumaba ni Gail sa car. Tinanggal ko na din 'yung earphones ko.

"Pasok ka na, Gia. Ako nalang pupunta sa principal's office." sabi ni Gail.

"Alam mo ba kung saan 'yon?" I asked.

"Uso mag tanong. May utak ako, Gia. I can take care of myself. Kaya, chupi na! Bye" Sabu niya with hand gesture pa na 'alis alis'.

Mukha tuloy akong aso sa pangtataboy niya sa'kin. Ang bad niya.

Pero, anyway. Dumiretso na ako sa locker ko para maglagay ng mga books and notebooks. Hindi ko na idaan 'yung gamit ko dito kahapon sa kakamadali.

"Bakit siya nakuha?"

"Ewan ko. Kumukuha na pala ng mga war freak and AD? So pathetic."

"Hindi kaya nila narealize na baka masira image ng group nila?"

Ang dami talagang tsismosa dito. Narinig ko lang mga 'yan dito. Nasa likod ko sila. Kumukuha din ata ng gamit sa locker.

"Ang famewhore naman kasi ng girl na 'yon. Ano na nga uli name niya?"

"Sino ba? 'Yung warfreak?"

Mga judgemental naman ng nga tao dito. Sino kaya warfreak dito sa school? Baka grupo nila RJ? Pero, hindi siguro. Girl daw e.

Wait.

Group? Girl?

"Gia Buencamino daw." Nanlaki mata ko sa narinig. Sinara ko ang locker ko at humarap ako sakanila. Tinignan ko ng masama 'yung dalawang babaeng nag chi-tsismisan.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon