Gavin's POV
Nandito ako kila JD ngayon. Mas trip kasi namin sa bahay at mag movie marathon. Hindi kami 'yung tipong gala.
Nag mamarathon kami ng Harry Potter. Ang cool kasi. Bukod sa Spongebob, Adventure Time at Phineas and Ferb, paborito din namin ang Harry Potter. And yes, we have many things in common.
"Ubos na 'yung popcorn." Sabi ni JD.
"Ikaw nakaubos niyan e. Ikaw pa nagrereklamo." I said.
"Kumuha ka nga." Utos niya.
"Bahay mo 'to, ikaw kumuha." depensa ko.
"Nanunuod ako ng Harry Potter."
"Hindi lang ikaw ang nanunuod!"
"Edi ipo-pause ko"
"Osige atsaka ka kumuha."
"Ipo-pause ko na nga para sa'yo e."
"Ikaw ang kumuha, ikaw ang nakaubos e."
"Kumain ka din naman ng popcorn e."
Nasa kalagitnaan ng kami ng pagtatalo ni JD at halata na walang may balak na magpatalo sa'ming dalawa nang biglang may nag doorbell.
"Oh see? Ikaw daw kumuha ng popcorn. Ako ang magbubukas ng pinto." Sabi niya at nakangiti na para bang nagwagi siya sa pagtatalo namin.
"Ako nalang magbubukas" I suggested.
"Baka di mo kilala. Ako nalang. Go! kumuha ka ng ng popcorn." Utos niya ulit.
pinause niya 'yung TV at tumayo para pumunta sa pinto. Ako naman naglakad na papuntang kusina para kumuha pa ng nilutong popcorn kanina.
Malaki ang bahay nila JD dito sa Canada. Bigtime talaga 'to pero napakakuripot.
Sinuri ko ang bahay nila JD.
May isang master's bedroom, tapos tig-isa sila ng kapatid niyang babae ng kwarto at may dalawang bedroom. May kwarto naman na malapit dito sa kitchen na ang pagkaka-alam ko ay ang maid's quarters. May tatlo silang kasambahay.
'Yung hagdan naman ng bahay nila ay malawak. Mala-mansion 'tong bahay nila.
Kaya naman kami nag-tatalo ni JD, dahil medyo malayo ang kitchen sa movie room. Mas malapit ng pintuan.
TEKA.
May tatlo silang kasambahay pero siya nagbukas ng pinto?
Okay. Naisahan ka nanaman ni JD, Gavin.
Kinuha ko na 'yung popcorn at pumunta na sa movie room. Nanunuod na siya at may kasama na.. babae?
"Dude, may chix ka nanaman." Bungad ko. Napaharap naman sila sa'kin.
"Hi Gavin."
Mae?
"Uhh. H-hel-lo" nauutal kong sagot.
"You're so adorable talaga!" She said. Nakakahiya naman 'yung adorable na 'yon. Nginitian ko nalang siya at napakamot sa batok.
Ganon ba kahalata na crush ko siya?
"Come! Sit here." Sabi niya sabay pat sa may tabi niya.
Napatingin naman ako kay JD na nakakunot ang noo ngayon.
Bakit ba lagi siyang bad trip pagdating kay Mae?
Napansin ko din 'to noong mga nakaraang linggo na pag ii-stay ko dito.

BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...