Chapter 7

97 7 0
                                    

Gia's POV

"Shit." 

Nakakabingi ang tilian sa likod ko ng mga babae. Ganito din sila kaingay nung nag perform yung mga ka grupo ni Gavin. Pero, mas maingay sila ngayon. Nakasuot siya ng White hoodie na may nakapatong pa na long sleeve na medyo hawig sa uniform namin at naka ripped jeans with black converse na high cut. Ang lakas ng dating niya.

"Go, Papa Gavin!"

"ANG POGI NIYA, OH MAY GHAD!"

"TUMINGIN SIYA DITO, BES! TINIGNAN NIYA KO!"

"PAREHAS KAMI NG SUOT! OMG! MEANT TO BE TALAGA KAMI NI FAFA GAVIN!"

Ang daming fangirls ah. Tumingin ako sa likod at nakita nag mga babaeng nagtitilian. Grabe. Kala mo ngayon lang nakita si Gavin. Yung isa naman, kulang nalang hubaran yung katabi niya sa sobrang higpit ng hawak at tumitili. So, kaya pala madaming tao ngayon sa Auditorium.

Pwede kaseng panuorin yung mga mag-o-audition. At if I'm not mistaken, stalkers niya 'to. Haba ng hair ni Gavin ah!

Nung tinitigan ko si Gavin, napansin ko na medyo namumugto ang mata niya. Umiyak ba siya? Kaiyakin naman ng lalaking 'to. Kagwapong tao e. Ay este kalalaking tao e.

Gavin's POV

Pinapanuod ko ngayon si Gia. Ang ganda ng boses niya. At mukhang may hugot talaga sa bawat salitang kanyang binibitawan. Nasaktan na kaya siya? Iba kase dating ng kanta e. Kahit masigla yung rhythm, may lungkot parin. Gets niyo?

Biglang nag ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot. Tapos na din naman si Gia. 

 "Hello, babe." masigla kong bati sakanya. Siya ang kailangan ko sa mga ganitong panahon. Parang dinapuan ako ng kaba e. 

(Gavin.) malungkot na boses niya. Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.

"M-may problema b-ba?" medyo nauutal kong sagot.

(I know this isn't the right time, pero, Gavin, sana maintindihan mo.) Kinabahan ako. 

"Ano ibig mo sabihin? Okay na ba problema na'tin? Natigil na ba ang kasal? Babe, sagutin mo naman ako." dire-diretso kong tanong.

(Gavin, I'm sorry.) Narinig ko na naiiyak na siya sa kabilang linya. Ni-ultimo ako, di ko alam gagawin ko. Nangigilid na din luha ko. Alam ko na patutunguhan nito.

"Babe, what do you mean? Ititigil mo ang arranged marriage diba? Babe. Lalaban tayo." sabi ko at pinipigil na umiyak.

(Gavin, wag mo naman ako pahirapan na gawin 'to.) sabi niya. Umiiyak na nga siya. (Gavin, I'm breaking up with you.)

At di ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Gia's POV

Now Playing: Magbalik by Callalily

 Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan?

Parang di si Gavin ang nasa harap ko. Yung Gavin na napaka kulit pero masiyahin.

Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap?

Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito

Sadness. That's all I can see in his eyes.

Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon