Gia's POV
"Ay buset! Totoo ba 'yan? HAHAHAHAH" Sabi ko at medyo pinipigil ang pagtawa dahil feeling ko ume-echo ang boses ko dito sa kainan.
"Ingay mo." Sabi ni Liam at pilit namin pinipigil ang tawa naming dalawa.
Kinukwento lang niya sa'kin mga katangahan niya nung nangangapa palang siya sa ibang bansa. O how embarrassing it is.
"Ehem."
Napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko at unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
"Ano?" Pagtataray ko. Bwisit e. Mukha pa siyang badtrip? Kapal.
"Kailangan na daw pumunta dun sa tent malapit sa beach. Masyado ata kayong nag-eenjoy at nakalimutan niyo na tumingin sa oras." Cold na sabi niya atsaka naglakad paalis.
"Siomai! 1:45pm na." Sabi ni Liam kaya dali-dali kaming tumayo, nagbayad at dumiretso na sa labas. Malapit na mag-umpisa ang program, shucks. Buti nalang naka-abot.
"Buti naisipan mong pumunta dito?" sabi ni Gavin atsaka niya pinukol sa'kin ang malamig niyang tingin.
"'Yun pinunta ko dito, diba? Malamang. Tss." sabi ko sabay irap.
"Gia, punta lang ako sa mga kasama ko ha? Text text nalang." Paalam ni Liam.
"Okay, okay. Ingats." Sabi ko at umalis na siya.
Magkakasama pa kami ngayon dahil igu-group daw kami para sa mga iba't ibang workshop na papasukan.
"Ingat ingat. Sa tabi lang naman pupunta. Kaartihan." rinig kong bulong ni Gavin.
"May problema ka ba? Ha?!" Sigaw ko kay Gavin. Kanina pa 'tong hanep na 'to e.
"Chill, guys." Awat ni Natalie.
"We invite everyone to settle down. The program is about to start." singit ng emcee.
Di na sumagot si Gavin at naupo nalang sa may dulo. So ganito posisyon namin.
Ako-Zoe-Natalie-Lauren-Max-Gin-Kenji-RJ-James-Gavin
Magkabilang dulo kami para iwas sa gulo. Bakit ba kasi siya nagagalit? Feeler na kung feeler pero, dahil ba may kasama akong iba? Duh. Nagalit ba ako nung magkasama sila nung Kiara na 'yun? Di naman diba? Nagreklamo ba ako? Sa loob loob ko, oo. Pero sakanya? Hindi!
So ayun. Nagstart na ang program at puro intermission numbers ng host ang nangyayari. May mga tanong tanong din sa mga participants at 'yung iba naman tatanungin kung sing or dance para pangpatay ng oras.
"So, tell us your name." rinig kong sabi ng emcee.
"Zoe Patterson po."
Nanlaki ang mata ko at nakita si Zoe sa may stage. What the? Hindi ko man lang namalayan na wala na pala akong katabi? Manhid ka nga, Gia.
Zoe's POV
"Zoe Patterson po." sagot ko sa emcee.
"Sing or Dance?" tanong ng emcee.
Hayyyy. Bakit ba ako ang naakyat dito sa stage? Hirap talaga pag maganda. Laging outstanding sa mga audience e.
"Sing." I confidently answered.
"Sample! Sample! Sample!" sigaw ng audience. Hirap talaga maging maganda.
"Okay. Okay. So para may thrill ng konti, sing a song that matches your feelings right now." sabi ng emcee.
Ang corny pero, hindi naman ako KJ. So game ako.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...