Chapter 32

33 3 0
                                    

Zoe's POV


"Bye! Galingan niyo bukas ha? Hihi. Good luck!" paalam ko sakanila nung makalabas na sila ng pinto. 

"Wow. Parang di na tayo mag kikita bukas ha? Kala mo di siya papasok. Tsk." pambabara ni Natalie. So rude talaga niya. 

"Whatever. Hihi. Good byeeeee~! Ingat kayo on the way home, okay? Byeeeee!" Energetic kong sabi. 

"Whatever, whatever. Tsk. Bye na." Sabi ni Natalie at sumakay na sa service niya. So rich kid niya talaga. 

Ganun din ginawa nila Gia once na dumating ang kani-kanilang driver. Since tapos naman na kami mag group study slash chatting, nag-online nalang ako sa facebook at pinost ko ang picture namin kanina. 

At dahil nasa good mood talaga ako, nag-open din ako sa twitter and tweeted: 2 down, 1 to go.

Bumalik nalang ako sa facebook at nag-scroll sa news feed ko. Nung medyo nasuya na ako sa mga pagmumukha ng nasa feed ko, napansin ko na nag-message sa'kin si Natalie. 

--

Natalie Mackenzie
Naks. Naka like agad 'yung CRUSH mo picture na pinost mo ah? Iba talaga.

--

Wait, what? Agad kong binuksan 'yung picture na pinost ko at dali-daling tinignan 'yung mga likers. Shoot. Nilike niya nga.

For your information, lagi niya nila-like 'yung pictures ko. So, hindi ko na siguro kasalanan na asang asa ako, hano? Hindi 'to first time, but still, hindi mapipigilan ang kilig, dibaa?

So nagtatatalon ako sa kama ko. Walang akong pakialam sa hundred likes na 'yun. Basta ba nilike niya, okay na. Nageffort parin siyang ipress 'yung like button. Sapat na 'yun. 

"Awwwwww!" 

Napahiga nalang ako sa kama nung may natapakan ako. Ano ba ito? Panira ng mood ha!

Agad kog tinanggal 'yung kumot at natagpuan ko 'yung ballpen na may naka sulat na "Gia" at isang libro. 

Hay. So burara talaga ni Gia. 'Yung nalang ba naman ang dala niya, kinalimutan pa. 

Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Gia. 

(Hello?)

"Hi, Giaaa!" 

(Why po?)

"Naiwan mo kase 'yung book mo dito na ieexam na'tin bukas."

(Ay oo nga. Sige, balikan ko nalang dyan. Wait lang ha. Bihis lang ako.)

"Ay wag na. Hehe. Wala naman akong ginagawa sa bahay e. Puntahan nalang kita diyan. Text mo sa'kin address mo."

(Wag ka na mag-abala. Ako nalang pupunta.) 

"Kakulet. Nakasakay na ako sa sasakyan. Sige na. Text mo sa'kin address mo. Bye." sabi ko atsaka in-end 'yung call. 

Actually, wala pa talaga ako sa sasakyan at halata naman 'yun. Nagbihis nalang ako ng shorts at simpleng t-shirt atsaka lumabas para pumara pumunta kila Gia. Narecieve ko na din ang text ni Gia at sinabi ni ko kay Manong driver 'yung subdivision. 


***


"Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok." Sabi nung bwisit na guard sa driver namin. Exclusive subdivision daw kase 'to kaya bawal. Ay nako. Ganon din naman 'yun. 

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon