Gia's POV
Nandito ako sa kwarto right now. Naghahanap ng pwede naming gawin ng AD para sa program next week. Maghanap daw kaming lahat e. Para daw maraming options.
Habang naghahanap ako sa YouTube ng pwede, biglang nag pop-up 'yung sa facebook ko.
*Zoe calling...*
"Oh hello?" I said. Naka video call pala. Jusko, buti nalang maganda pa ako.
(Halluuu, Giaaaa!) si Zoe 'yan. Siya nga kase ang pinaka hyper sa'min diba?
(Bakit ka ba tumawag, Zoe? May date pa ako e.) sabi ni Lauren. Ohhh. Group call pala itooo. Okay ang saya.
(Ikaw may kadate? If I know, imagination mo lang 'yan.) singit ni Nathalie.
"E bakit ba? Naghahanap pa ako ng pwedeng kanta. Istorbo naman." I said. At tumawa naman sila.
(Oo nga pala! You're so sipag talaga, Gia.) -Zoe.
(By the way, may nahanap na kayo? Para maraming options.) -Lauren.
(Option nanaman. Bakit ba kailangan pa ng option? Okay sana kung ako priority e. Kaso, option lang pala. Bwisettt!) sabi ni Nathalie at pinatay 'yung connection niya sa'min.
"Wew. What was that?" I asked. Nacu-curious ako e, bakit ba?
(Break na sila ng boyfie at nalaman namin kanina na pampalipas oras lang pala siya.) sabi ni Lauren.
"Aww. So sad. Lakas humugot e." sabi ko. Talagang tagos sa pancreas 'yung hugot e. Halatang may pinagdadaanan.
Atsaka, may boyfie nga pala siya, guys. I forgot to tell you. Siya 'yung captain ball ng ibang school. Malapit lang samin atsaka nalaman ko na business partner pala ng parents niya 'yung parents ng ex niya. Gets?
(Yeah right. Maghahanap na nga din ako. Toodles!) paalam ni Lauren.
(Me too! babusshhh!) sabi ni Zoe atsaka nila pinatay ang group call. Syempre, pinatay ko na din. Mukha naman akong tanga at ako lang 'yung nandun. Ano 'yun? Talking to myself ang peg? Di naman ako loner.
Slight lang pala. Hehe.
*tok tok tok*
"Pasok!" I said.
"Hi, pinsan." sabi ni Gail. Wala nanaman 'itong magawang matino sa buhay at ako nanaman nag bubulabugin.
"Bakit?" I asked.
Ewan ko ba. Nabu-bwisit lang talaga ako kay Gail these past few days. Pano mas gusto pa siya ni Gavin kasama kesa sa akin. Hmp.
Wait, what? Mali mali. Take two. Mas gusto niya pa pala kasama si Gavin kesa sa akin.
Ayun 'yon! Wag kayong ano.
"Can we talk?" Sabi niya using her serious tone. Anyaree?
"We're already talking." sabi ko naman. Masyado siyang seryoso at hindi man lang pinatulan ang pambabara ko. Ngunit, sa halip na sumagot siya, umupo lang sa tabi ko at umirap.
"Sagotin mo nga ako. 'Yung totoo ha!" sabi niya. Ang fierce niya naman. Tumango nalang ako. Minsan kase, mas amazona pa sa'kin 'tong babaeng to. Pero, minsan lang ha!
"Ano ba 'yon?" sabi ko naman. Masyado nang seryoso e. Baka mamaya, masapok na ako. Huhu. Masakit pa naman manapok 'to.
"Nakalimutan mo na ba siya?" sabi niya dahilan para maging totoo ang pagiging seryoso ko.
"What are you talking about? Ha-ha-ha." I laughed awkwardly.
"Wag ka na ngang mag maang-maangan. Stop it." seryoso niyang sabi.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...