Chapter 4

96 10 0
                                    

Gia's POV

Kagabi, este. Kaninang madaling araw, napag isip isip ko na sumali sa club. Ano sinalihan ko? Himig club.

Mahilig kaya ako kumanta.

Pero wag ka! May grupong ginawa dito sa school. Nagkaka-concert pa nga e. Tapos yung pagkakakitaan na concert idadagdag sa pondo ng Student Council. Yun yung fund raising nila.

Sing, dance, rap, act. Dapat marunong ka kahit isa diyan. May mga banda din sa school na sumasali don.

Bukas daw start ng audition. Sa auditorium daw gaganapin. In short, may manunuod. At for sure, madaming tao. 

Nag fill-up na ako ng form at wow! Ang daming mag o-audition.

OAMA ang name ng grupo. OAMA stands for Ondoy Apir's Monster Artists. Hindi naman sa mukha daw monsters yung mga students, kaya lang daw 'monster' para daw maangas at astig. O diba? Lakas tama. Pero karamihan, Monster Artists nalang yung ginagamit. Kabaho daw ng pangalan na Ondoy.

if you're gonna ask me, si Ondoy ang may-ari ng school. E kabaho nga naman kase ng pangalan. Hays. Pero successful siya kaya, shut up nalang tayo.

Saan galing yung information? Narinig ko lang kanina dun sa kasunod ko sa pila sa canteen. Tapos na-kwento din sakin nung magpapa-audition.

Sa bahay nalang ako mag pa-practice nung ipang o-audition ko bukas. Sa ngayon, kailangan ko muna mag linis ng garden.

Naka bantay yung principal samin habang nag lilinis. Marami-rami din kami dito. Wew. Ang dami palang napapadala sa office dito. Asteeg!

"Psst"

Maldita kase yung babaeng yon. Sino ba naman kase matutuwa. ANG IMMATURE NIYA! SOBRA!

"Huyy!"

Kung hindi niya ko sinugod, hindi ako gaganti. Kung hindi ako gumanti, hindi kami mapapadala sa Principal's Office. Kung hindi kami napadala, hindi sana ako maglilinis dito. Diba?

"HOY, GIA!" tumingin ako sa likod ko. Ako pala yung tinatawag niya.

"ANO?! Do I know you? Sorry. I don't talk to strangers." pag tataray ako.

"Ako si RJ. Yung pinahiya mo sa Canteen. Shunge!" Ah. Si yabang.

"Ano gagawin ko?" pambabara ko.

"Sinabi ko bang may gawin ka?" Aba! Matinde ha!

"Sinabi ko ba na sinabi mo na may gawin ako?"

"Ha?" Oh ano? Nga-nga ka ngayon diyan?

"Pagong!" Tapos inirapan ko siya at tinuloy na pag lilinis.

"Nakita ko kase yung name mo kanina sa mag o-audition para sa OAMA" Jusko ang daldal niya po.

"O tapos?" Pumunta pa sa harapan ko para lang makausap ako.

"Wala lang. Goodluck" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

nagtataka ko siyang tinignan. Di ba siya galit sakin? Duh. Napahiya kaya siya kahapon.

Pero sabagay, iba iba naman yung mga tao dito e.

Bumilis yung oras at natapos na din ako.

Nakita ko sila RJ na nasa tapat ng gate kasama ng barkada niya. andun din si Gavin. Anim ata sila?

Yung isa, mukhang hito. Yung isa naman, mukhang bakla. Yung isa, pogi naman kaso kung ngumiti kita na gilagid. Tapos yung isa pa, mukhang abnormal na patulis yung baba. Tapos si Gavin at RJ. Pogi naman silang lahat. Kaso, mas trip ko i describe yung kapangitan nila.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon