Gia's POV
"Hi"
"Ay pusa!"
Nakaka gulat naman 'to. Langya muntik na kong atakihin sa puso. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
Ay. Wala pala akong sakit sa puso.
Humarap ako sa feeling close na nag-hi sakin at...
"Ang gwapo ko namang pusa" sabi niya sabay ngiti.
Nako Gavin baka magkasakit ako sa puso sa ngiti mo. Nakakamatay e. Pwede nang himatayin?
Joke lang yon. Wag maniwala.
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ko? O baka naman stalker kita?"
Oo na. Ako na feeler.
"Bakit naman po kita susundan?" He asked, then smirked.
"Kasi, binaliktad ko yung kabarkada mo? O baka nga kase stalker kita." I answered then smirked.
Ha! Akala niya siya lang pwede mag smirk?
"Mali ulit. diyan kase kami nakatira. Kakalipat lang namin. E nakita kita. So ayun, mag kapitbahay pala tayo." Tinuro niya bahay na katabi nung amin tapos ngumiti ulit.
Pahiya. Earth, kainin mo na ko please?
"Oh talaga? Edi shing!" Sabi ko naman. Bakit ba. Bwisit ako e.
"Edi shing talaga. Yayayain sana kita maglibot libot dito sa subdivision. Wala pa kase akong masyadong alam dito sa lugar."
Aba! Gagawin pa ata akong tour guide. Langya. Nakakaturn-off ha!
"Excuse po ha? I have to go. Maghanap ka ng ibang tour guide mo." pag tataray ko.
"E gusto ko, ikaw e." Sabi niya sabay pout with puppy eyes pa.
Kala niya cute siya? Mukha nga siyang cross breed ng aso at bibe sa ginagawa niya e.
"OY! Buhay ka pa? Alam ko namang gwapo ako. Baka matunaw ako sa titig mo e."
Alam mo yung salitang assuming? siya yun e!
"Ha! Ang feeler mo. Hindi kita tinititigan. naalala ko lang kase na maghahabol pa ako ang lessons. Maghanap ka ng tour guide mo! Byeeeee!" Sabi ko, may tono yung bye. Tapos naglakad na ko papasok ng gate namin. Di naman talaga ako maghahabol ng lessons.
"Nagsalita ang di assuming." Bulong niya pero narinig ko.
"Ano sabi mo?!" humarap ako saknya atsaka ko siya binulyawan.
"Ang ganda mo kako. sige bye!" sabi niya at kumindat atsaka umalis.
Pumasok na ko sa gate tapos diretso sa bahay.
Pumunta ako sa kwarto ko. Tapos nahiga sa kama at tinignan ang kisame.
Teka.
"Ang ganda mo kako. sige bye!"
"Ang ganda mo kako. sige bye!"PUTARAGES!
Maganda daw ako?!
ASDFGHJKF
Di ko mapigilan na magwala dito sa kwarto.
sige na nga. Crush ko na si Gavin.
Pogi niya kaya.
Ay erase. Erase.
Pinaghahampas ko sa kama yung unan na hawak ko.
"HOY BAKA MAMATAY KA NA SA KILIG DIYAN!"
Sino yon?
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...