Chapter 36

30 1 0
                                    


Gia's POV

"Buti nalang magkagroup tayo." sabi ni Liam nung naglalakad na kami papunta sa room ko. Sabi kasi nila Zoe, kami-kami naman daw ang sabay-sabay mag dinner.

"Meant to be daw kasi." pabiro kong sabi. 

"Naniniwala ka na dun?" sabi ni Liam na halatang nagulat. 

"Hindi." sabi ko atsaka tumawa. 

"Baliw ka parin." Sabi niya atsaka ako dinamayan sa pagtawa ko. 

I must say na namiss ko talaga ang isang 'to. We've been away from each other for about how many years. 

"Ge. Bukas nalang. Bye." paalam ni Liam nang makarating na kami sa tapat ng kwarto namin. 

"Okay, byeee. Good night!" Sabi ko atsaka ako tuluyang pumasok sa kwarto. Bukas naman e!

"Hi, Giaaaa!" salubong sakin ni Zoe. "Hinatid ka ng friend mo dito?"

"Oo. Bakit?" sabi ko.

"Di mo naman kami pinakilala sa friend mo. Cutie pa naman." sabi ni Zoe atsaka nagpout. 

"Ay tigilan mo. May James ka na. Sa'kin mo nalang ipakilala, Gia." sabi naman ni Natalie at tinabig ang kamay ni Zoe. 

"Anong may James na ko? Ha. Walang kami, kaya pwede pa." sabi ni Zoe at tila nagdaydream pa. 

"Haler? Ikaw kaya 'tong may Nathan--" sabi ni Zoe at tila nag quote sign pa sa ere nung binanggit ang name ni RJ. "--na nagsasabing 'I hope we can turn back the time' chuchu."

"Ayoko na sakanya. Pogi kaya nung frenny ni Gia." Sabi ni Natalie.

Nako. Kung tutuusin, oo pogi nga si Liam. Magaling kumanta at sumayaw. Pero, di pa naman ata nakikita nila Zoe magsayaw si Liam ah?

"Physical attraction, mga bes. Kilalanin niyo muna bago pag agawan." sabi ko na medyo natatawa.

"Osya, lumabas na tayo at baka makasalubong pa na'tin ang mga pinagpapantasyahan niyo." sabi ni Lauren at nauna na lumabas ng pinto.

"Ang dugyot naman ng pinagpapantasyahan. Change the term, beh." sabi ni Natalie.

"Bakit ko pa babaguhin? E ganun naman talaga."

"Tara dun sa may counteeerrrrrrr!" Sigaw ni Zoe habang nakaturo sa may counter ng mga drinks.

"Ow em giiii! Si pogi mong frenny nandun. Pakilala mo naman kami." sabi ni Natalie at nagumpisa na akong hila-hilahin papunta sa kinaroroonan ni Liam.

"Wait wait. Tsinelas ko." sabi ko at pilit pumapalag. "Teka kako e."

"Dalian mo. Baka umalis na si Pogi dun." utos ni Zoe.

E kung binitawan kaya agad nila ako? Edi napadali.

Binalikan ko na 'yung tsinelas ko at naglakad na papunta kay Liam.

"Uy Gia." bati niya nang makita niya kami.

"May kasama ka?" I asked.

"Uhh. Meron. Nandun kami sa isang cittage dun." sabi niya at may tinuro na cottage malapit dito sa counter.

"Ohh." sabi ko naman. Mukha kasing marami sila dun. Siguro, mga schoolmates niya.

"Ehem." rinig kong sabi ni Zoe at medyo siniko pa ako. Baliw talaga.

"Uhhmm. Liam, friends ko nga pala. Si Zoe--" at nakipagshake hands agad si Zoe kay Liam. "--Natalie at Lauren." at ganun din naman ginawa ni Natalie at Lauren.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon