Chapter 18

59 3 1
                                    

Gia's POV

"I'll go with GiaVin. Mas cute. Ang hirap naman kasi ipagcombine ng name natin."

E putcha. Di lang pala siya epal hano? Kabute din siya.

Tumayo ako atsaka ko siya hinarap.

"Hey, Mushroom. Why are you here?" sabi ko kay Gavin.

You read it right. Si Gavin nga ang epal na kanina pa sabat ng sabat sa usapan ng iba.

"Napadaan lang ako. Sa'yo ba 'tong cafeteria para pagbawalan ako?" pambabara niya.

"FYI, hindi kita pinagbawalan. Ang tinatanong ko lang, e kung bakit ka nandito? Di ka lang pala mushroom. Snail ka na din sa sobrang ka-slow-an." sabi ko atsaka umirap.

"LQ sila, mga bes." bulong ni Zoe. Isa pa 'to. Bubulong nalang, pagkalakas-lakas pa.

Tinignan ko siya nang masama at nag peace sign naman ang bugak. Narinig ko din ang hagikgik ng dalawa.

"'Yun nadin kase ang pinaparating mo." sabi naman ni Gavin.

"Iba 'yon. Ang feeler mo kase! At bakit ka ba nagsu-suggest ng love team? As if naman na type kita. Ew." sabi ko naman. Gising na gising siguro 'to nung nagpaulan ng kahanginan.

"Alam ko naman kase na nahihirapan ka mag-isip ng love team na'tin. Since tinutulungan ka na ng barkada mo, tinulungan ko na din sila. Masyado ata kayong nahihirapan. Atsaka, alam ko naman na patay na patay ka na sa ka-gwapuhan kong taglay. Kaya para matuwa ka, ako na nag-suggest." sabi niya at ngumiti pa ng nakaka-in love. Este, nakaka-loko pala.

"Namumula si Giaaaa!" Pang-aasar ni RJ.

"Ako namumula? nagfi-feedback kase sa'kin 'yung hotness ko kaya ganon. Kayo naman, umalis-alis na kayo sa harapan ko. Baka matusta kayo niyan." palusot ko.

Alam ko naman na namumula na ako dahil nararamdaman ko na nag-iinit ang pisngi ko.

"Okay lang kami, Gia. Masyado ka naman concern. Sanay na kami." Mayabang na sabi ni RJ.

"Aalis na din kami. Don't worry. Magkikita din naman tayo sa klase. Baka kase masyado mo akong ma-miss" sabi ni Gavin at kumindat pa. Eww talaga!

Tumalikod na sila at naglakad papunta sa table nila nang biglang humarap si Kenji at nagsalita.

"By the way, hindi kame matutusta! Sa hangin ba namang dala ni RJ at Gavin, imposibleng di kami ginawin." Natatawang sabi ni Kenji atsaka naglakad na ulit.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga tao sa cafeteria. Nanunuod pala sila samin the whole time.

Ang tsimoso talaga.

"Ayieeee! Kinikilig na 'yan!" sabi ni Zoe at sinusundot-sundot pa tagiliran ko. Bwisettt! Masakit kaya!

"Tigilan mo nga. Di ka ba nasusuka sa mga sinasabi mo?" sabi ko at umarte na parang nasusuka.

Pwede na akong mag-artista. Oh my goshh.

"Pakipot ka talaga." sabi naman ni Natalie. At nagtawanan nalang silang tatlo na parang baliw.

Ang babaw ng kaligayahan ha! Pinagsabihan lang ako na pakipot, kung magsi-tawa, akala mo wala nang bukas. Hays.

"Kailangan niyo na talagang bumalik sa mental." pang-aasar ko habang umiiling-iling.

Nagkatinginan naman silang tatlo atsaka ako binatukan ni Zoe.

Tsss. Sadista talaga.

"Ouch!" pag-rereact ko. Siyempre, dapat may reaction ako. Hindi naman ako manhid e.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon