Gia's POV
Mabilis na lumipas ang ilang araw at huling araw na namin dito sa camp. Walang improvements, walang pansinan, walang kahit ano na nangyari samin ni Gavin. Di ako sumasabay sakanila mag breakfast dahil sabay-sabay ang AD at Notorious Atom.
Ang KJ man tignan, well. Affected lang talaga ako. Hindi naman sa affected na affected. Pero parang may kirot part na nagsasabi na baka nga nabored lang si Gavin.
Nabored lang siya dahil wala si Kiara.
Wala siyang makausap at mukhang ako ang naging libangan.
Malapit na akong mahulog. Malapit na malapit na.
Nasa 'gusto' palang naman si Gavin. Walang love or kahit ano. Gusto ko lang siya. Lalo na bago ko makita na magkasama sila ni Kiara.
Nung mga exam? Ayon. Okay pa don. Dun palang ako nahuhulog e. Ang sweet. Effort. Thoughtful.
Pero ngayon ako nagtataka. Bakit pinagtutulakan ko siya non?
Bakit nga ba pilit ko siyang tinataboy kung masaya ako pag kasama ko siya? Bakit nga ba?
Feeling ko kasi, masakit e. Feeling ko, masasaktan nanaman ako.
Nakakatakot.
Baka kasi ganon ang trato niya sa aming mga babae. Baka ganon trato niya sa mga babae dahil gentleman nga daw.
Baka ganon trato niya sa lahat.
Nakakalito. Di ko alam kung paano ba gagawin ko.
Siguro mas okay nalang na hindi kami magpansinan. I mean, after ng sagutan namin non? Tss.
Umupo na ako sa tabi ni Zoe at naghintay nalang din na mag start ang closing program.
"Nakaready na ba yung gamit mo?" Tanong sakin ni Zoe.
"Yep."
"Good. Saglit lang pala 'tong program e. Uuwi na din tayo. Hayyyyyyy! Miss ko na kama kong malambot." sabi niya atsaka inakap ang sarili.
Muntanga ha?
"Ewan ko sayo." matawa-tawa kong sabi dahil sa inakto niya sa harap ko.
"Have you seen Natalie? Di ko nakikita e." tanong ni Lauren nang makaupo siya sa right side ni Zoe.
"Nasa kwarto ata. Don ko huling nakita e." sabi ko naman.
"Ay ganon."
"Puntahan ko sa kwarto wait. Kukunin ko din phone ko e. Naiwanan ko ata don." sabi ni Zoe.
"Sige sige."
"Before anything else, walang uupo dito. This seat is reserved for me. Understood?" ani Zoe habang iniiwan ang shoulder bag niya sa upuan.
"Oo na. Puntahan mo na. Magii-start na program. Diwara, oo." pangtataboy ko.
Tumawa nalang si Zoe at umalis na.
Nagbukas nalang ako ng cellphone at naglaro ng kung anong games.
"Guys! Dito! Dito!"
Napatingin naman ako kay Lauren na nakatayo at kumakaway-kaway pa.
Sinundan ko ang tinitignan niya at...
Watdapak.
No no no no no.
Kainis na Lauren 'to.
"Oh Gavin. Ayan pala si Gia e. Sabi sayo wala na sa room nila yan e." Sabi ni Kenji habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Roman pour AdolescentsFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...