Chapter 16

65 5 2
                                    

Gia's POV

Mga bwisit. Maglandian daw sa harap ko? Mga walang hiya.

Iniwan ko na sila doon at nabubwisit talaga ako sa hindi ko alam na kadahilanan.

Sinabi ko na din kay Gail na di ako makakasabay sakanya kumain at kailangan ko sumama sa AD. Naexplain ko na din sakanya lahat lahat about dun. After that, nilayasan ko nalang sila. Magsama sila ni Gavin. Ako'y suyang suya na sa paghaharutan nila. Bwisit.

Naupo ako sa upuan ko atsaka dumukdok. Wala pa ang teacher namin.

Ayoko muna makita mga kaklase ko kaya ganito posisyon ko. Wala pa ang grupo nila Gavin nung pumasok ako. Malamang, nandun pa 'yon kay Gail. Hindi pala namin kaklase si Gail dahil nahiwalay siya ng section.

"Gia." sabi nung kumakalabit sa'kin. Umangat naman agad ako ng tingin. Tinuro ng kaklase ko 'yung pintuan.

"Thanks." sabi ko at tumayo na papunta don.

Nandon ang AD. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko ba lunch pa?

"Good morning!" Bati nilang tatlo sa'kin.

"Morning." walang gana kong sagot. Bakit ba sila nandito? Hindi naman sa ayaw ko, pero, pinagtitinginan kasi kami dito sa corridor. Masyado atang nagagandahan samin.

"Mamayang lunch ah?" Sabi ni Natalie.

"Surreeee!" I said atsaka ngumiti. Nagpapakabait na po ako ee.

"Okay! See you later, sissy!" Sabi ni Zoe.

Umalis na sila kaya pumasok na ako sa class room.

"Yo, Gia!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

RJ.

Inirapan ko nalang siya at naupo na sa upuan ko. I don't want to waste my time. Puro kalokohan nanaman sasabihin niyan. Walangya talaga.

Nakakapagtaka lang ha. Wala ang barkada niya. Hindi niya kasama?

"Ang snob mo naman. Famous ka na kasi e." Sabi ng loko. Hinarap ko siya.

"What. Do. You. Want." sabi ko atsaka tinignan siya ng masama.

"Woah woah woah. Makikipag friends lang. Friends na kasi kayo ni Gavin e. Naiinggit tuloy ako." Aba! Inirapan ko nalang siya.

"Landi." I mumbled.

"Nino? Ni Gavin? Matagal na. Ngayon mo lang nalaman?" -RJ.

"PAREHAS KAYONG DALAWA! Would you please leave me alone?!" Sigaw ko sakanya. Nakatingin na tuloy sa'min ang buong klase. Ang lakas ko pala mag mood swing.

"Chill. Nagseselos ka no?" Natameme ako sa sinabi ni RJ. Nagseselos ba ako?

Hell no. Hindi ko naman gusto ni Gavin. Physical attraction lang yon. Wag malisyoso. Diba?

"Sirahead ka ba? Hindi no!" sabi ko atsaka umiwas ng tingin. Nakakailang kasi.

"Deny pa, Gia." Sabi ni RJ.

Siguro nga, crush si Gavin. Pero, crush lang naman. Paghanga in tagalog. So, nothing more. No big deal.

"Wala ka namang magagawa kung nagseselos ako. At hindi ako nag seselos. Atsaka, wala ka ng say sa'kin." Sabi ko.

Selos nga kaya ang tawag dito sa inis na'to?

"Okay. Your secret is safe with me." ABA! Hanep 'tong lalaki na'to. Ang kulit. Super!

"Ha? Baliw ka na ba? Kung ano ano sinasabi mo ah." Sabi ko.

"Alam mo kasi, Gia. Wag kang masyadong pahalata. 'Yung pag wo-walk out mo kanina? Halata masyado. Tulungan nalang kita kay Gavin para masaya. Malay mo may feelings pala sa'yo yon tinatago lang diba?" Sabi ni RJ.

Pinapaasa niya ako. At eto naman ako, umaasa at naniniwala sa mga sinasabi niya.

"Nagmomove on pa 'yon. Atsaka hindi ako nun gusto. Ayoko din naman siya kaya quits lang kami." Palusot ko.

"Wag ka ngang pakipot. Think about it." Sabi ni RJ at dumating na ang teacher namin together with Gavin and the gang.

***

Buong klase kong pinag-isipan ang offer ni RJ. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng 'tulong' na tinutukoy niya.

Siya ang pinaka-play boy sa grupo nila. Kaya, nagdadalawang isip ako kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi. At until now, hindi ko parin alam ang pangalan ng grupo nila. Masyadong mysterious e.

Papunta na nga pala ako sa cafeteria. Dumaan ang recess, nandun lang ako sa kwarto. Ayokong lumabas. Baka makita ko lang sila Gavin na naglalandian don. Okay masyado na akong bitter.

"Sissy! Here!" Sabi ni Zoe at kumaway kaway sa pwesto nila. Agad akong pumunta doon at umupo sa tabi niya. Katapat ko naman si Lauren na katabi si Natalie.

Table for six ang pwesto namin kaya hindi masikip. Napansin ko din na iba ang kulay ng table namin compare sa iba. Black and pink ang color ng table and chair namin. Tapos 'yung iba namang tables dirty white ang color.

May isa ding table ang chairs na kakaiba ang color. Black and red naman 'yung kanila at may nakasulat na 'Reserved for Notorious Atom'.

Ang cool ng color. Tapos parang may fire fire pa na ewan. Hehe.

"So, Gia. We will formally introduce you to our group next week." ani Lauren.

"Yes. Right after the semi-concert para sa mga new members ng OAMA." dagdag naman ni Natalie.

"Kaya magpapractice na tayo ng gagawin natin." sabi naman ni Zoe.

Tanging 'ohh' lang ang nasasabi ko with matching tango tango.

"And take note. Sa semi-concert ng OAMA, pwede kang mahiwalay ng performance. Pwedeng mag solo ka, may ka-duet o mahalo sa ibang group
Naka depende lahat sa adviser slash mentor slash coach na'tin." Paliwanag ulit ni Lauren.

"Pero, don't worry, sissy. Laging may final act ang mga groups dito." Sabi naman ni Zoe.

"Pero, laging last ang Notorious Atoms." Sabi ni Natalie. "Pangalawa sa huli lang tayo." dagdag niya.

"Eh? Bakit naman?" Hindi ko na mapigilan magtanong e.

"Sila ang may pinakamataas na rankings. Kaya, madalas, sila ang kasama sa mga pinanglalaban outside the school." Paliwanag ulit ni Lauren.

"Pero syempre, nangyayari lang 'yon pag isa lang ang kailangan. Pag maramihan naman o dalawahan, kasama tayo." Sabi ni Natalie.

"In short, second choice lang tayo." Zoe added.

Grabe naman pala. Ang mga votes lang ba dapat ang batayan? 'Di ba dapat, ang kakayahan ng isang grupo ang batayan?

"Parang ang unfair." I said. "I mean, dapat talents ang basehan. Baka naman mga good looking lang kaya binoboto ng mga estudyante" dagdag ko.

"Tama ka. Good looking nga kami. Palag?"

Nanlaki ang mga mata ni Lauren at Natalie habang nakatingin sa likod namin ni Zoe.

Napatingin naman ako sa epal na nagsalita sa likod ko.

O.O

"Epal mo talaga." sabi ko atsaka tinalikuran ulit sila.

"Si Gia pala 'to!" sabi ni RJ na halatang kakarating lang kasama si Gail.

"Oo nga. Epal daw ako?" sabi ni Gavin.

"Totoo naman, dude. Wag mo na itanong. Confirmed na." Sabi ni Kenji.

"Ilaglag daw ako?" asar na sabi ni Gavin. Hahaha! Buti nga!

Nakatingin lang ako sa plato ko habang nag-aasaran sa likod ko sila Gavin kasama si Gail.

Napatingin naman ako kila Lauren at binibigyan nila ako ng 'close-kayo-look'. Kinunotan ko nalang sila ng noo atsaka ako umiling.

"Sige, Coz. Byerz naaa! Isasabay nila ako kumain e. Bye! Wait for me ha? Let's go home together"

"K." Tipid kong sagot.

Siya? Isasabay nila Gavin? Tsk. Baka makikisabay lang siya.

Umalis na sila at naupos doon sa--

BLACK AND RED NA TABLE?! WTH. Sila ba talaga ang Notorious Atom?

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon