Gia's POV
2 years later
"Sigeee! Sabunutan mo pa!"
"Sipain mo sa tiyan!"
"Kalbuhin mo na yan"
Yan lang naririnig ko sa aking paligid. Mga taong nakapaligid sakin habang hawak ko yung buhok ng babaeng sumugod sakin. Medyo malakas din trip niya. Kabago-bago ko dito lakas ng loob niyang ganonin ako.
Bigla niya akong sinipa sa binti. Aba! Lumalaban. Kaya hinatak ko yung buhok niya na dahilan para mahilahod siya sa floor.
Ouch. Ang gaspang pa naman.
"Tama na! Masakit!" Sabi ng babaeng di ko kilala.
"Tama na? Diba eto gusto mo?" sabi ko naman. Hawak ko parin buhok syempre.
"GIANNA CALLIE BUENCAMINO!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Nandun siya sa may entrance ng building. Kami ng sinasabunutan ako, nasa may garden.
Matanda siya at naka salamin. Principal ata? Pamilyar din mukha niya. Binitawan ko na yung buhok ng babaeng sumugod sakin.
"Hi Ma'am." Sabi ko naman sabay ngiti.
"Principal's Office, now!" sigaw ni tanda.
"Di pa ko tapos sa'yo." Bulong ko sa babae atsaka tinignan ng masama.
***
Nakasunod kami ng sumugod sa'kin kay Ma'am. Papunta kame ng office niya malamang.
Tinitigan ko yung babaeng sumugod sa'kin. Maganda ba? Pwede na. Pwede nang pagtyagaan. Mwuhehehehe. Di ko namalayan, nasa tapat na kami ng principal's office. May dalawa pang pinto sa loob nung office, isa sa may kanan tapos may isa pa sa kaliwa. Sa may kaliwa kami pumasok tapos pinaupo niya kami ng girl warfreak.
"So ano pinagmulan ng away niyo?" tanong ni Ma'am. Hindi ako kumikibo. Duh! Hindi dapat ako yung mag explain, sayang laway.
"Bigla niya nalang po ako sinabunutan. Makikipagkaibigan po kase sana ako sakanya dahil ngayon ko lang siya nakita." WHAT? Aba! Sinusubukan ako ng babaeng to.
"That's a lie! Gumanti lang ako! Hindi ko kasalanan na ang hina mo para makayankayanan kita." Sabi ko medyo mataas na yung boses ko. Nasayang tuloy yung laway ko sa maldita na 'to.
"Both of you! Calm down." Sabi ni Ma'am. "For your punishment, lilinisin niyo yung garden na malapit sa canteen tuwing uwian." Sabi niya.
"But--" sabi niya. "No buts. Your cleaning starts tomorrow. Chinicheck ko yun. You may now go." Tae. Bwisit. Hirap kaya maglinis. "Ms. Buencamino, please stay." Patayo na sana ako, kaya napaupo uli ako. Effort ko naman nasayang ngayon. Hay life.
"If I'm not mistaken, this is your first day here. Right?" - Principal
Oo. Unang araw ko at leche lang yang mga estudyante dahil napakaganda ng bungad sakin. Super ganda.
"Yes, Ma'am." Sagot ko naman. "Well, here is your room number." Inabot niya sakin yung papel. Di ko alam kung saan 'to.
"Binilin ka sa'kin ng Daddy mo. Bantayan daw kita." Bantayan? Gravity. "Close po kayo?" tanong ko.
"We're schoolmates nung highschool" Napatango nalang ako.
Ohh. I see.
"Uhmm. Ma'am? Di ko po alam kung saan 'to." Sabay turo sa papel kung saan naka sulat yung room number ko. Kailangan ko magpakabait. Ayoko ng makick out uli. Hirap kaya mag-adjust. Hmp.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...