Gia's POV
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang katangahan ko. Nanatili akong nakaupo sa sahig. Actually, iniintay ko lang na lamunin ako ng lupa.
Kainin mo na ako! Ngayon na!!
(Hey? Ano na nangyare? Okay ka lang ba?) paguulit ni Gavin.
Leche flan.
Agad kong inayos ang buhok ko at hinila ang swivel chair para makatayo ako.
May nabali ata na buto sa pwet ko. Hirap akong tumayo at dahan-dahan naupo sa swivel chair. Hinawakan ko ito ng mabuti para di na maulit ang nangyari kanina.
"Oo ata." di ko siguradong sagot at inayos na ang pagkakaupo ko. Di maganda ang pagkakabagsak ko.
Okay, Gia. Bawasan na kasi ang kaartehan.
Sa hindi inaasahan, tumawa si Gavin.
Punyeta to ah. Nasaktan na nga ako e tinatawanan pa ako?!
"Why are you laughing? Ano nakakatawa ha? Ikaw kaya ilaglag ko sa upuan? Magagawa mo pa matawa?!" inis na sambit ko.
(Di naman ako maarte tulad mo. Hahaha. Di ako malalaglag dito.) mayabang na sabi niya atsaka ipinagpatuloy ang gwapong tawa niya.
Bakit ba kahit saang anggulo, gwapo ang leche na to?
"Tulak kita diyan e. Nang malaglag ka din. Hmpppp." pinanlakihan ko siya ng mata atsaka ako umirap sa ere. Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko para mapanindigan ang naiinis face ko. Hindi ako tumingin sakanya at nanatili ang tingin ko sa veranda. Naiilang akoooo! Ang gwapo niya.
Narinig ko ang paghinto niya sa pagtawa.
(Okay lang. Kung sayo naman ako babagsak e, why not?)
Mabilis akong napatingin sakanya at unti-unting nawala ang kunot ng noo ko.
(Joke.) habol niya.
Okay na sana e. Okay na. Paepal na joke yan.
Pero, okay lang. Jokes are half meant nga pala. Nadulas na e, binawi pa.
"Di kita kaya. Bigat mo e." biro ko pabalik.
Humawak siya sa kanyang dibdib na parang inatake sa puso. (Ouch naman, Gia. Sinaktan mo ang puso ko.)
Di ko maiwasan na matawa sa inakto niya. Inenjoy ko ang bawat segundo ng pagtawa ko. Natural na natural. Parang matagal ko ng di nagawa to ha?
Unti-unti akong nakarecover sa itsura ni Gavin at napatingin sakanya.
Nakatitig siya sa akin at nakangiti. Parang tuwang-tuwa sa nangyayari sa pinapanuod niya.
Parang gustong-gusto niyang panuodin ang paglubog ng araw at pinapanuod niya ito ngayon.
Hindi naman sa pinapairal ko ang pagiging assumera ko, pero yun talaga ang nakikita ko sa ganong expression ng mukha niya.
"Why?" tanong ko nang
(Ang ganda ng view.)
Natigilan ako. Literal. Parang di ko magawang kumilos.
Base sa pagkakadescribe ko kanina, alam ko naman na gandang-ganda siya sa nasisilayan. Iba pala ang epekto pag diniretso niya.
"Ha?" pinilit kong wag mautal dahil nakakahiya talaga.
Asan na ang kapal ng mukha mo, Gia? Kinain mo na ba? Lakas ng loob magsabi ng naoobserbahan, di naman matanggap pag diniretso na.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Novela JuvenilFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...