Gia's POV
Nandito ako ngayon sa may veranda ng kwarto ko. Naka harap sa laptop at naghahanap ng kanta na pwedeng ipang-audition bukas. Kainit kase sa loob ng kwarto. Tapos nasira pa yung AC. Swerte diba?
At mas swerte ako dahil mula naman dito, tanaw ko yung anim na ugok sa garden nila Gavin. May hawak si Gavin na gitara.
Actually, yung ingay nila rinig ko hanggang dito. Kaya di ako makapagfocus. Ang nays diba?
Nagkakagulo sila sa baba tapos napatingin sakin si RJ.
"Yow Gavin! Ang pogi mo talaga. May stalker ka pa sa taas oh!" Sabay turo sakin at umarte na kinikilig kilig at nakapikit pa! Walangya 'tong RJ na 'to ah.
Tapos nag-yiee naman yung apat samantalang si Gavin nakangisi.
"Alam ko naman na gwapo ako, Gia! Bumaba ka nalang dito para hindi ka mahirap sa kaka-stalk sakin." sabi ni Gavin.
"Ang hangin mo! Mga bwisit!" Sigaw ko sakanila sabay pasok sa kwarto. Di ko sinara yung sliding door ng veranda para hindi ganon kainit.
Maingay parin sila sa baba. Pero, thank God! Nakahanap nadin ako ng kakantahin ko bukas. Actually, mas maganda pag kakakanta ko pag may hugot ako sa kanta, so yeah.
Bigla akong nag crave sa street foods. Kaya bumaba ako at lumabas ng bahay. Naka t-shirt lang ako at shorts. May malapit na tindahan dito ng street foods. Kaso, may problema. Madadaanan ko tapat ng bahay nila Gavin para makarating ako don. Kaso, sa kasamaang palad, naputol tsinelas ko. Langya. Fake! Kaya nag punta ako sa gilid sa bahay. Nandun kase yung mga slippers. Habang naghahanap ako. Narinig ko pinag uusapan nila.
"Pare, nagugutom ako. May pwede bang kainan dito?" Tanong ni RJ. Kilala ko na boses e, bat ba.
"Dude, nasa tapat tayo ng bahay namin. Malamang may pagkain diyan sa loob." sabi naman ni Gavin.
"Bro, yung mga ice cream parlor. Ganon." sabi naman nung isa.
"Tara maglakad-lakad tayo. Di ko din alam e. Bagong lipat lang ako dito." sabi ni Gavin.
"Hige. Tara Tara." sabi nung kung sino man sakanila.
Nagmadali na kong lumabas ng gate since nakita ko na isa kong slipper. Aalis na ko habang nag p-prepare sila.
Sinara ko na din yung gate at baka mapasok pa kami. May susi naman akong dala e.
"Hi Gia." sabi nung nasa likod ko. Alam niyo yung sayang? Yun yung effort ko kakamadali e. sayang na sayang.
"I don't talk to strangers." mataray kong sabi. "Lalo na sa'yo" sabi ko sabay duro kay Gavin. Atsaka sila nilagpasan. Good thing, hindi sila sumunod sakin.
Nagpunta na ko sa tindahan ng street foods at bumili ng isaw, dugo, bbq atsaka kwek kwek. Sa bahay ko nalang kakainin para pati sila Manang. Di ako madamot no! Pero dahil kanina pa ko nag s-starve para dito, kinain ko na yung kwek kwek. Bawal naman kay Manang 'to at baka ma-high blood pa.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Novela JuvenilFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...