Gia's POV
"Sila ang Notorious Atom?" Tanong ko kina Lauren.
"Close kayo?" Tanong naman sa'kin ni Natalie.
"No." I said. Hindi naman talaga kami close diba? Feeling close lang sila.
"Okayyyyy?" maarteng sabi ni Natalie.
"Change topic na nga." sabi ko. Naiirita talaga ako sa mga panget nayon. Mga feeling.
"Bakit naman? Ang gwapo kaya nila." Sabi naman ni Zoe.
"Ew? Ang panget nila. Stop na." Sabi ko naman.
Nagtawanan naman silang tatlo. Seriously? What is so funny about what I said?
Pinagpatuloy ko nalang 'yung pagkain ko. 'Yung tatlo naman, ayon. Busy sa chikahan. Si Zoe 'yung pinakahyper sa'min. Si Natalie naman, base sa observation ko, siya pinaka maldita. Pero, mabait naman. Si Lauren, nakikitawa lang siya at pinapanuod ang kabugakan nung dalawa. Kahit sasaglit palang kami magkakasama, magaan na agad loob ko sa kanila. Totoo kase sila. Hindi nila kailangan pa magpanggap.
Napatingin naman ako sa table nila Gavin. Nagtatawanan sila. Kasama si Gail.
Edi sila na close. Ayoko si Gavin para kay Gail. Bakit? E basta.
"Baka malusaw, Gia." sabi ni Lauren. Akala ko, matino, may pagkasira din pala.
"huh?" painosente kong tanong. Nagtawanan nanaman silang tatlo. Kasama na din pala si Lauren sa mga baliw.
"Hay nako, Gia. Tara na nga. Marami pa akong gagawin e." At ayon. Tumayo na kaming apat at naglakad palabas ng cafeteria. Tinignan ko muna sila Gail at nakakasurprise.
Bakit kamo?
Nakatingin sa'kin si Gavin.
***
Weeks passed. At tapos na ang mala Janitress ko na gawain sa school. And guess what? Kasama ko sila RJ sa paglilinis ko. Kaya hanggang ngayon, kinukulit parin niya ako sa offer niya. I mean, like duh! Ano mapapala ko? Hindi ko naman type si Gavin! Ew. Saksak ko pa siya sa baga si Gail e.
Sila Gail at Gavin? Ayon. Nagkakadevelop-an na ata. Sorry sila kase, bawal mag boyfriend si Gail. Nako. Subukan niya lang. Isusumbong ko siya kay Tito.
Mas naging close naman kami ng AD. Ang babait nila. SOBRA! Sarcastic 'yun ha!
By the way, nandito ako ngayon sa classroom. Hindi na ako nagcucutting no! I'm trying my best para magpakabait.
Wala pa ang ever late teacher namin. Never naman pumasok ng maaga 'yun e.
Nandito din pala si RJ sa tabi ko. Kinukulit parin ako.
"Oy Gia."
Hindi ko siya pinapansin.
"Napagisipan mo na ba?" sabi niya at nakangiti ng napakalapad.
"Hey" Sabi niya at pinoke ako sa tagiliran ko.
"ANO BA PROBLEMA MO?!" Bulyaw ko sakanya. Napatingin naman sa'min lahat ng kaklase ko.
"Oh ano tinitingin-tingin niyo?" sabi ko sakanila. Sabay-sabay naman sila nagsi-iwas ng tingin.
"'Yung offer ko?" pangungulit ni RJ. Pinapanuod niya naman kami ng barakada niya. Tinignan ko sila ng masama atsaka nag-iwas ng tingin. Nagpatay-malisya pa. Kay gagaling talaga!
"A.YO.KO." sabi ko sakanya atsaka in-emphasize ko pa bawat syllable.
"E bakit?" Kulit din ng nilalang na'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/72319653-288-k51216.jpg)
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Fiksi RemajaFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...