Chapter 22

41 4 0
                                    

Natalie's POV

*Flashback: 3 years ago*

"E keshe nemen beshtie. Neheheye kese eke." Kinikilig kong sabi. Ikaw ba naman kase ang hindi kiligin? E kasama ko si crush ngayon. I'm with Lauren and Zoe, by the way. 

Di ko naman kase siya literally kasama. Sabihin na na'tin na lunch ngayon at nasa cafeteria kami. At nasa kabilang table sila. Hindi naman kase ako magaling sa pag pipigil ng mga kilig na ganito e. Like duh! We're breathing the same air inside this cafeteria.

Pinapapunta kasi ako ng mga friends ko sa table nila para ibigay ang letter galing sa Activity Coordinator ng school namin. Para daw 'to sa intermission namin sa grand opening ng school year. 

At dahil sinuswerte ako, sa'kin binigay ang paper. At ngayon pinagtutulungan ako ng dalawa. 

"Sayo kasi yan binigay kaya ikaw dapat ang mag abot." Sabi ni Lauren.

"Yes, yes. I agree. Hayaan mo, ichi-cheer ka namin." sabi naman ni Zoe. 

"Bugak! Edi nahalata naman ako." Sabi ko. Nahihiya kasi talaga ako. 

Matagal ko na kasi siyang crush. Ever since! Simula nung nakita ko siya.

Love at first sight? HAHAHAHA!

Di ako naniniwala dun e. Ang alam ko lang, crush lang 'yon. Nothing more, nothing less. 

Let's say na humanga ako sa kagwapuhan niyang taglay at dagdag mo pa na magaling mag sayaw. 

Sa sports? Sa table tennis siya magaling. Medyo kapos sa height sa basketball e. Pero, crush ko parin naman siya. 

"Dali na! Nagde-daydream ka nanaman!" Sabi ni Zoe at tinulak ako, dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko. 

This is it, pancit. 

So naglakad na ako papalapit sa table nila. At dahil medyo hokage ako, syempre sakanya ko inabot. 

"Oh. Pinapabigay ng Activity Coordinator." mataray kong sabi. Syempre naman! baka mahalata pag nag-pabebe pa ako sa harapan non. 

"Uhh. Thanks?" Sabi ni RJ at humarap ulit sa kabarkada niya.

Yeah. You read it right. Siya nga ang 'crush' ko. 

"K." I said at tumalikod na. Pupunta na ako kila Zoe. Hindi ko na ata kaya pang pigilin ang kilig ko. 

"Wait!" sabi ng isa sa mga barkada niya. Agad naman ako humarap. Syempre para masulyapan ulit si RJ. Ganyan po ako ka-hokage. 

"What?" I said as I shot my eyebrow upwards.

"Natalie, right?" sabi ni Kenji. 

Nakita ko naman na nakatahimik lang si RJ which is very unusual. Silang dalawa ni Kenji ang laging nagtatalo sa pakulitan. 

"Yes. Why?" sabi ko. Pinantay ko na ulit ang kilay ko at baka maturn-off si RJ sa katarayan ko. 

"Si RJ nga pala. Kaibigan ko." Sabi ni Kenji with matching taas taas ng kilay at mala asong ngiti sa mukha. Pagkakataon ko na 'to para titigan si RJ, so I did. Ang pogi niya talaga. 

"I know. Can I leave now?" sabi ko atsaka tumalikod. Kaso, narinig ko nalang sila na kinakantyawan si RJ.

"I know daw ohh!" 

"Oy wag kang kiligin."

"Naks! Kilala ka ng kras mo." 


A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon