Gia's POV
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Kinuha ko kaagad 'yung bag ko atasaka lumabas ng room. Mabilis ako pumunta sa bulletin board na malapit sa entrance ng building. Doon daw ipo-post yung results sa audition.
Nakita ko na nagmamadali ang mga tao dun sa bulletin board. Ako naman, eto nakikisingit.
"Excuse po."
"Makikiraan."
"Hoy natatapakan mo na ako!"
"Asog nga! Dalian niyo naman."
Dahil sa paninigaw ko sa mga estudyante na nakatambay lang dun sa may bulletin board, nakarating ako sa harap. Ini-scan ko kaagad yung papel na nakadikit dun. Wew.
"Bakit 10 lang nakuha?"
"May audition pa next week."
"Grupo yung anim na yan diba?"
"Sino 'yung Gianna?"
"May nakapasok na solo?"
"Puro grupo muna diba?"
Napaka-chismosa ng tao sa paligid. And yes, Ako nga lang ang nakapasok na solo. Grupo yung siyam na pumasok. 'Yung anim na ugok, pasok. Atsaka tatlo pang babae. Batay sa mga narinig ko na chismis, grupo din daw yung tatlong babae. Actually, apat daw sila. Kaso, 'yung isa, wala sa Pinas.
Pagkabasa ko sa mga pasok, umalis agad ako doon at dumiretso na sa garden. Kailangan ko pa maglinis. Kahit tinatamad talaga ako, kailangan.
Medyo malayo-layo pa ang garden dito. Ayoko na tumakbo at ang grabe ng sakit ng ulo ko.
Dumiretso ako sa canteen kasi, nauuhaw ako at naubos ko na yung tubig na binili ko. Huhu.
"Mineral water, isa." Sabi ko sa tindera at inabot na yung bayad.
Kinuha ko kaagad yung tubig at dumiretso na sa may garden. Sasaglit lang ako dun. Kunwari naglinis ako. At tinatamad talaga ako. Binuksan ko na yung bottled water habang naglalakad ako. unfortunately, nakabanggan ako at muntik na siyang matapunan ng tubig.
"Ouch." Sabi nung babae. Grabe ang arte niya. Actually, tatlo sila.
Napatingin ako sa kanila.
O.O
Woah. Just, woah! Ang gaganda nila. Nahiya tuloy ako.
Teka nga, kelan pa ako nagkahiya? Aishh.
Aalis na sana ako. At wala akong balak mag-sorry. Aba'y hindi ko kasalanan no! Ako nanamn ba sisisihin dito? Kaso, bigla akong hinawakan nung isang babae sa braso.
"Wait." sabi niya. Tumingin naman ako sakanya. "Look, kung nabangga ko 'yung kaibigan mo, sorry. I have to go. May gagawin pa ako." I said. Wait, did I just say sorry to her? Well, para narin siguro makaalis na ako at ang gaganda nila. Kaso, ang arte nung isa. Hindi man lang nag sorry? Hindi lang naman ako yung naka bangga ah?
Hinila ko yung braso ko, dahilan para mabitiwan nung babae yung pagkakahawak.
"Miss, wag kang bastos. Kakausapin ka lang naman namin. May itatanong lang." Sabi nung babaeng nakabangga sakin.
Ang ganda niya. At may kulay yung buhok niya, may bangs din. Wait, is that contact lens?
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...