Gia's POV
"Haneeep! May klase nanaman. Bilis talaga ng panahon. Hoooooo!" sigaw ni Zoe habang papasok kami sa building namin.
"Parang Sabado lang kahapon. Tapos Lunes nanaman ngayon? I kenat." dagdag niya pa at natawa nalang kami.
Dumaan muna kami sa locker at kinuha ang mga gamit namin. Naghiwa-hiwalay na din kami at pumasok sa kanya-kanyang classroom. Well, ako lang naman nahihiwalay sa aming apat.
Pagpasok ko, si Gavin ang unang nakakuha sa atensyon ko.
Nakaupo siya at nagcecellphone sa ilalim ng arm chair niya. Tss.
Magtatago nalang, masyado pang halata.
Ano naman kaya ginagawa non?
Mabilis ang kamay niya at pindot ng pindot sa gawing ilalim ng screen ng kanyang cellphone. At mukha siyngn nagtetext.
Hmm. Kiara? Lucky.
Bakit di nalang sila magusap? Or kahit puntahan niya sa classroom ng babaeng yun? Lantod kasi.
Hindi nagtagal, dumating na din teacher namin at nakinig nalang ako kesa ituon ang atensyon kay Gavin na mukhang iba naman ang pinagtutuonan ng pansin.
***
Isang subject nalang, keri na. Last na 'to. Kaya mo yan, Gia. Makinig ka nalang sa teacher.
Puro discussion ang ginawa ng mga teacher buong maghapon at naghabol din ako ng ilang activities and quizzes na hindi ko nasagutan.
In short, napakadami kong ginawa buong maghapon!
Di ako nakapagmeryenda dahil busy talaga ako at kailangan ko nang tapusin 'to para wala na akong iintindihin sa mga susunod na araw.
Di ko din alam kung ano ba ang nagyayari sakin dahil bigla akong ginaganahan makinig na matagal ko ng hindi nagagawa.
Laging stock knowledge ang gamit ko dahil lagi akong inaantok sa mga lessons. Pero ngayon? Hays.
Di ko inakala na gagawa ako at maghahabol ng mga activities.
Siguro natanggap na din ng buong katauhan ko na kailangan ko ding mag move on.
Na hindi ko dapat sirain ang future ko dahil lang sa kagaguhan ng dalawang 'yon.
Oh well. Siguro eto na yon. Siguro, kailangan ko nalang tanggapin ang mga nangyari sa nakaraan.
I'll just let the past be my guide for the days to come.
Naistorbo ng pag vibrate ng cellphone ko ang pagdadrama ko.
From: Lauren
Tara dito sa room na pinagpractice-an natin dati. Kung saan nakulong sila Natalie. Hehe. May pag-uusapan lang saglit. Punta ka after class ha? We'll wait for you.
Nagreply nalang ako kay Lauren at tinuon nalang sa discussion ang lahat.
Di rin nagtagal at dismissal na. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Andyan po ba si Gia?"
Napatingin ako sa nagsalita which I presume na nasa pinto.
"Giaaaaaa! Nandito si Zoeeee." sigaw nung kaklase ko. Kinuha ko nalang ang mga libro na dadalin ko na ilalagay sa locker at pinuntahan na si Zoe.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...