Chapter 9

81 5 0
                                    

Gavin's POV

*Flashback*

2 years ago

"Chill, dude." I said. Puro reklamo kase 'to. Kalalaking tao e. Magka-usap kami ngayon via Skype.

"Chill? Napaka kulit ng babaeng 'to and you're telling me to chill?"

"Sasama nalang ako kila Mommy diyan sa Canada. Pero uuwi din ako after vacation." I said.

"Great idea. Para pati ikaw madamay sa kakulitan niya. Papakilala ko sa'yo." sabi niya. Bwisit din talaga 'to. "So kelan ang flight?" He asked.

"Tomorrow evening." I answered.

"What? So plano mo na talaga akong puntahan?" Sabi niya na medyo gulat.

"Yeah. Sinigurado ko lang na tuloy ang flight namin bago ko sa'yo sabihin. Baka umasa ka ulit e. Hahaha!" I said.

"Sira." Sabi niya. "I have to go. See you then?"

"Yah. See you!" I said.

Pinatay ko na ang laptop.

I consider this guy as my brother. We're also childhood friends. Sa sobrang tagal na naming magkakilala, halos alam ko na lahat about sakanya. His mother and mine's are bestfriends. At dahil din sakanya, na isama ako sa boy group nila sa campus. Siya kasi ang leader.

Hours passed and I decided to pack my things up.

***

Ang sakit ng ulo ko pag ka gising. We're here at Canada. We arrived yesterday. Jet lag siguro.

Dumiretso ako sa banyo at naligo tapos humiga ulit ako sa kama. May bahay kami dito sa Canada dahil may bussiness din kami dito. Pero, hindi malaki ang binili namin na bahay. Katamtaman lang. Hindi maluwag, hindi din masikip.

Nung nakaramdam na ako ng gutom, bumaba na ako para kumain.

"Bro!"

Napatingin agad ako sa sala.

"JD! Long time no see, dude." I said at lumapit sakanya atsaka namin ginawa yung handshake namin.

"Yeah. Alis tayo? Hanap ta'yo ng chix sa labas. Madami-dami dito." sabi niya sabay tawa.

"Di ka parin nagbabago. HAHAH!" sabi ko naman.

"Tss. Boring dito. Walang matinong kausap e." he commented.

"Oo na. Tara kain muna tayo?" alok ko. "Game." he answered.

***

"So, kamusta na ka'yo ng girlfriend mo?" paninimula ko ng topic. Nandito kami ngayon sa park. At napagpasyahan namin na maupo muna since, kanina pa kami lumalakad.

"Break na kami, Gavin." He said. Nanlaki naman ang mata ko.

"Totoo?" Paninigurado ko.

"Oo nga. Pinamumukha mo pa sa'kin e." sabi niya.

"Bakit naman?" Teka nga. Bakit ang kulit ko ngayon? Grabe.

"Nakita niya na magkasama kami ni Mae." He said. 'yun lang? Napaka simpleng rason naman.

"Wait, nag punta siya dito?" I asked. "Akala ko ba Filipina? Ba't napunta dito?" dagdag ko.

"Porket ba Filipina di na pwedeng magbakasyon sa Canada? Atsaka mayaman 'yon. May business din sila dito sa Canada." sagot niya. May naalala ako.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon