Gia's POV
Dumating ang Saturday, Sunday, at Monday na ngayon. It's 4:30am at nandito kami sa school waiting for the coaster. Sabay-sabay kami pupunta sa Dinadiawan. Doon daw kasi gaganapin ang aming camping chuchu.
"So tagal naman ng coaster na'tin. Inaantok pa ako eee." sabi ni Zoe atsaka nag hikab.
"On the way na daw." sabi ni Ms. Garcia.
Ako din ay inaantok pa dahil madaling araw na din ako nakatulog.
And for your information, hindi ko nireplyan si Gavin. Magpapanggap nalang ako na hindi ko nareceive 'yung text niya. Wala pa ako sa mood na kausapin siya.
"Giaaaa! Tabi tayo!" pangungulit ni Zoe. So inaantok pa siya ng lagay na 'yan?
"Shhh. Baka maturn-off si James sayo." pang-aasar ni Natalie.
"Cheee! Kaya ayaw kita katabi e." Sabi ni Zoe atsaka dumila.
"Ano? Tabi na tayo? Sige? O tara naa!" dire-diretsong sabi ni Zoe sa'kin atsaka ako hinila sa loob ng coaster.
Nandito na pala ang coaster? Oh nice. Ang lula ko ha. Kelangan ko na talaga matulog.
"Sa may window side ako." sabi ko atsaka naupo na sa tabi ng bintana.
"Okay. Gusto mo?" pang-aalok sa'kin ni Zoe atsaka ako inabutan ng doughnut.
"Nope. Maya nalang. Inaantok pa ako e." sabi ko atsaka ako naglagay ng unan sa may bintana atsaka ako dumukdok 'don.
"Owkiee." sabi naman niya at tumingin na sa harapan. Sa pagkaka-alam ko, doon nakapwesto ang boys.
"Alam mo ba, Gia." panimula ni Zoe. Umayos muna ako at humarap kay Zoe.
"Ano?" I asked.
"Napapadalas 'yung pag pansin sa'kin ni James." bulong niya dahil baka marinig nga ni James.
"Edi masaya. Malay mo may feelings siya sayo. Edi magkaka love life ka na!" Sabi ko naman.
"Ganito kase. Una, chinat niya ako nung isang gabi. Tinanong niya kung anong oras daw ba tayo aalis ngayon. E sa pagkaka-alam ko, kasama naman siya sa meeting nun."
"E baka naghahanap lang ng paraan para makausap ka?" pagsasabi ko ng opinyon.
"'Yun nga din inisip ko e. Tapos, alam mo ba nagreply din siya sa tweet ko 'dun sa twitter. Nilike niya din 'yung mag posts ko lagi. Edi asang-asa naman ako." sabi niya atsaka tumawa pero halatang pilit.
Di muna ako nagsalita dahil mukhang kailangan lang nito nang pagsasabihan. Bilis niyang magbago ng mood.
"Tapos alam mo 'yung feeling na sa super crush ko sakanya, o kung crush pa man ang tawag don e lagi akong nakaabang ng post niya. 'Yung mga pictures, posts and many more para maupdate naman ako kung ano meron. Tapos hanep. Haha. Kagabi, nag pinost siya." sabi niya at tumawa nanaman ng lungkot.
Lakas ng tama ng kaibigan ko sayo, James!
"Tutal magkachat naman kami nun. Sabi ko pa nga e, 'uy may chix ka nanaman ah. iba talaga'. Tapos ang reply niya, kaibigan niya lang daw 'yun. Pero bakit ganon? Kelangan magpapicture kung kaibigan mo lang? Kelangan i-upload picture? At kelangan may heart heart na emoji? Bwiset ah." sabi niya atsaka umirap.
"Edi inisip ko naman na baka jowa niya 'yun. Tapos ayon. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya nag update ako ng status sa facebook. Umasa ako sa loob ng 3 araw. 3 araw lang pero mas lalo akong nahulog."
Parehas tayong nahuhulog, Zoe. Hindi lang ikaw pinaasa, hindi lang ikaw.
"Tapos eto pa! Tinanong pa ako kung sino daw ba tinutukoy ko sa status ko. Shete. Sarap diretsahin e." sabi niya at nagbuntong hininga.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...