Chapter 14

66 7 1
                                    

Gia's POV

Omygosh. I just can't believe it.

In-add ako ni Gavin? Para akong lula dine.

Wala namang big deal diba? I mean, friends naman kami e. Kaya, no big deal talaga.

Inaccept ko ba? Hindi pa.

Hindi ko kasi matanggap na hanggang friends lang kami. Charot. Ang lantod ko naman ngayon. Hahaha! Okay, ang corny.

To be honest, I'm physically attracted kay Gavin. Like duh! Ang gwapo niya kaya! Hindi ko lang alam kung bakit siya iniwan ng ex niya. Nasa kanya na kaya halos lahat.

Pogi, gwapo, pogi ulit, mabait naman kahit papaano, gentleman din naman in a way, hindi ko alam kung matalino e. Tapos magaling pa mag gitara, magaling mag sayaw, ang ganda ng boses, mayaman, tapos gwapo ulit. I mean, ano pa ba hahanapin mo? E nasa Gavin Santos na ata lahat ng hinahanap mo e. Kung ako lang sana yung jowa ni Gavin, aba! hindi ko na papakawalan yon. Sweet kaya niya.

Wait, what?! Pinagpapantasyahan ko ba siya?

No no. Delete delete.

I am just stating a fact, right? Riighhhttt?

"OHOOOYYY! GIANNAAAAAA!" napabalikwas naman ako sa kama sa sumisigaw sa'kin. sumilip ako sa balcony, wala namang tayo.

Binuksan ko din pinto, wala namang tao. Greaaatt.

"Psssttt! Ooyyy!"

Hala? minumulto na ba ako?

Mommy! Miss ko na po kayo pero wag kayong ganyan. Alam niyo naman na duwag ako e. T^T

"HOY GIA!"

"AAYYYY! MOMMY! WAG KANG GANYAN!" Sabay takbo ko sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nanginginig na talaga ako sa takot dito. Promise!

"HAHAHAHAHAHAHA!" Luh?

Mommy, kelan ka pa natuto tumawa ng ganyang kalakas? Parang nang-aasar pa kayo ii. Huhuhuhu T^T

"HOY GIA! SA BINTANA MO! SI GAVIN 'TO. SIRAULO KA TALAGA! HAHAHAHAHA!"

Agad kong tinanggal 'yung kumot na nakabalot sa'kin. Bumangon ako at nagpunta sa may bintana.

"HAYOP KA! TINAKOT MO KO! WALANGYA!" Pambungad ko sakanya.

Tuwang-tuwa naman ang gago. Namumula na don kakatawa. Mukha na siyang kamatis! HAHAHAHA!

"AHAHAHAHA ANG DUWAG MO PALA HAHAHAHA" Bwisit to ah. Binabawi ko na pala na mabait siya. Okay, minus points. Uhh. Sayang naman, Gavin.

"BAKIT KA BA NANGGAGAMBALA?! BUSY AKO E!" Sigaw ko at akmang isasara na yung kurtina.

"WAITTT!" Sabi niya with hang gesture pa. Pre, hindi ako binge. Mag sign language daw?

"ANO PA BA KAILANGAN MO?!" I shouted.

"Accept mo friend request ko. hehe" sabi niya ng malumanay sabay kamot ng ulo. Cutteee! Wait, what?! No. Erase erase.

"OONASIGEBYE" Dire-diretso kong sabi.

Hindi ko na hinintay sasabihin niya, agad kong sinara yung bintana. As in yung locked talaga. Tapos tinakpan ko na din ng kurtina para hindi ako makita. Hehe.

Hindi ko alam, pero, ang saya saya koo!

Sa sobrang saya ko, tumalon talon ako sa may kama. Ganito ginagawa ko everytime na masyado akong natutuwa sa mga pangyayari. Ang childish man, pero, masaya talaga ako. Hehez.

*tok tok tok*

Bumaba agad ako ng kama at binuksan yung pinto.

O.O

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon