Chapter 8

68 8 0
                                    

Gia's POV

"Hindi ka mananalo sa puno nang wala kang gamit na pangputol." Sabi kong nung makalapit ako sakanya.

Tinignan niya ako. Iba parin ang Gavin sa harapan ko. Wala ang masiyahing Gavin na sumalubong sakin nung unang araw ko dito sa school.

"Anong ginagawa mo dito?" cold niyang sabi. Gininaw ako dun ha!

"Magpapahangin sana ako dito. Kaso nakita kita, kaya gininaw tuloy ako. so yeah." Sabi ko at naupo sa ilalim ng puno tapos umupo siya sa tabi ko na hiningingal. At napansin ko yung kamay niya na ginamit niya para suntukin yung puno. Napansin niya ata na naka tingin ako dun kaya tinago niya agad.

"Bakit mo ba kase sinusuntok yang puno?" Sabi ko. Di ko alam kung nahalata niya yung pag-aalala sa boses ko. Pero, di siya sumagot. Great, Gavin. Nice talking.

Kinuha ko yung kamay niya na puro dugo. malamang sinuntok nga yung puno diba? Nako, Gia.

Kinuha niya yung kamay niya sakin. "Kailangan mo 'yang dalin sa Clinic. Tara. Samahan kita." Alok ko.

"Okay lang ako." Sabi niya. Tss. Liar.

"Okay lang? Dumudugo yang kamay mo. Okay lang?! Sino ba naman kaseng tao ang nasa tamang pag-iisip ang susuntok sa puno?!" Di ko mapigilan na tumaas ang boses. It's not my fault kung nag-aalala ako.

I hate blood. I really do.

"Sarado yung clinic ngayon." Sabi niya.

Kinuha ko yung bag ko. At kinuha yung extrang bimpo dito. Binuksan ko yung extrang bottled water atsaka ito binasa.

"Akina iyang kamay mo." utos ko. Hindi niya sakin binigay, pero kinuha ko din. Kung matigas ulo niya, mas matigas ang akin.

"Swerte mo at madami akong extra dito." Sabi ko habang pinupunasan yung kamay niya na puro dugo.

"Gia, why are you doing this?" Tanong niya. Napatingin naman ako sakanya.

"I hate blood. That's why." Sagot ko. At tinuon uli ang attention ko sa mga sugat niya sa kamay.

Di na ulit siya kumibo after non. Tinanggal ko yung mga dugo sa dalawa niyang kamay. At kumuha ng band-aid sa body bag ko. Girl scout kaya ako.

Pero realtalk, in case na mapuruhan ako kung sakaling mapa away atsaka ko 'to gagamitin 'to. Since, mukhang mas kailangan ni Gavin, sakanya ko nalang ginamit.

"Alam mo, kalalaki mong tao pero kaiyakin mo." Komento ko.

"N-nakita m-mo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Di ako bulag, Gavin." Sagot ko. "Alam mo, maganda boses mo. Napabilib nga ako e. Dami mo pang fangirls sa likod ko. Mabingi-bingi nga ako sa mga tili nila e." dagdag ko.

I heard him chuckle. "Alam ko yon. Alam ko din na gwapong-gwapo ka sa'kin kaya sinundan mo pa ko dito. Magpapa-autograph ka ba?" Sabi niya na medyo natatawa. Lakas mag mood swing ng lalaking to. Parang kanina lang, umiiyak-iyak ka pa. Tapos ngayon, ang lakas na ng hangin niya. Kokontra na sana ako pero, bigla ulit siyang nagsalita.

"Pero, hindi naman talaga yun dahilan. Ang sakit pala iwanan sa ere." Dagdag niya.

"Hugot?" Sabi ko.

"Haha! Ikaw talaga, Gia." sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Peke ang tawa niya. Halata naman e.

"Di ka artista. Ang pangit mo umarte. Spill. Marunong ako makinig. Alam kong masakit 'yan at kailangan ng mapaglalabasan." Sabi ko sabay turo sa may bandang puso niya.

Napatigil siya sa pekeng ngiti at nagsimula nanamang malungkot ang mukha niya.

"I know." Tipid niyang sagot.

Alam niya naman pala e! Bakit niya pa ginagawa kahit alam niyang hindi effective? Kalog talaga 'to. Parang wala ng pag-asa e.

"Nakipagbreak siya. Hiniwalayan niya ko sa hindi ko alam na kadahilanan." Sabi niya. Halata na masyado siyang nasaktan.

"Everybody has their own reasons, Gavin. Kung hindi mo malaman ngayon, maybe sooner or later maging malinaw ang lahat." Advice ko. "Pero, wait. May girlfriend ka?" Biro ko. Ang awkward kase e. Masyadong madrama ang atmosphere kaya I decided to lighten up the mood.

Bukod sa dugo, I also hate dramas. Ugh. So annoying.

"Abno. Meron. Pero nakipagbreak nga diba? Edi wala na." Sagot niya. And I didn't fail to lessen the dramas.

"Ilang taon kayo?" I asked.

"Uhhmm. 1 year and 1 month?" Nanlaki ang mata ko. "Ang tagal ha!" I commented.

"Yeah. Isipin mo 'yon. Mahigit isang taon kami, pero sa isang iglap natapos ang lahat." Sabi niya.

"Seryoso ka?" tanong ko naman. Malay mo naman nakipagpustahan lang pala. Diba?

"Tatagal ba kami ng mahigit isang taon kung nakikipaglaro lang ako? Utak naman, Gia." lakas din mambara nito e.

"Edi shing." pang-aasar ko. "dito ba siya nag-aaral?" I asked.

"Nahh. Nasa Canada siya ngayon." Sagot niya.

"Ah. So Canadian siya?" I asked once again.

"Nope. Lumipad lang sila don almost 2 years ago. You know, business matters." he answered.

Ahh. So LDR pala sila? Teka. 2 years ng nasa Canada ah? Pero higit 1 taon lang sila?.

"Ibig sabihin, nasa Canada na sila nung naging kayo?" I asked once again.

"Yes. Pinakilala siya ng bestfriend ko nung minsang bumisita ako sa Canada. Na love at first sight ata ako." Sabi niya.

"Pfftt. Love at first sight? Ang baduy mo naman. Based on my observation, pag love at first sight, mahal mo lang siya physically." komento ko naman.

"Siguro nga. Pero, nung nakilala ko naman, mabait naman e. Maganda pa" depensa niya.

"Ohh. Kaya." edi yung babae na. Mabait? Maganda? Edi shing.

"Pero nalaman ko na may arranged marriage na naganap. Kaya pala siya dinala sa Canada para don. Sabi niya, pipilitin niya na maging maayos ang lahat. Pinilipit niya na itigil ang kasal. Well, may tiwala naman ako sakanya." Sabi niya. "Tapos tumawag nga siya kanina ang then, boom. Nakipaghiwalay na siya." dagdag niya pa.

"Ang tragic ng love story ko no?" Tanong niya. Hindi naman ako nagsasalita. Kase, parang familiar e. Pero, imposible naman diba? Ang daming businessman na Filipino sa Canada. And mostly, pag businessman, madalas ang arranged marriage.

"Yah. Pero, mukhang mas tragic ang akin." Sagot ko sa tanong niya.

"Huh?" Parang di pa siya nakakapaniwala.

"Bingi ka ba?" Pambabara ko

"Panong mas tragic?" He asked at binalewala ang question ko kanina.

"Let's just say na, ang ex ko ay fiance ng ahas kong bestfriend." I answered. Ayoko ng mag throwback. "I was just in 2nd year nung naging kami. Nakipagbreak ako nung nalaman ko 'yon. At hanggang ngayon, di ko pa pala siya nakakalimutan." dagdag ko.

"Ahh. Mas masakit pala ang iyo." Sabi niya.

"Yes. And for now, ayoko muna pag usapan 'yon." Sabi ko.

Di ko alam pero, ang gaan ng loob ko sakanya. sakanya ko lang naikwento ang love story ko. Tagal ko din pala 'yon kinimkim.

"Oh. Sige." Sabi niya. "Uhmm. Friends?" Tanong niya.

"Yah. Sure. Friends."

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon