Gia's POV
Mabilis dumaan ang mga araw at exam nanaman sa Tuesday. Friday ngayon so, medyo chill muna ako.
Nagulantang ako nang makita ko ang mga coverage ng ieexam namin. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pointers to review namin.
Kaka-exam lang namin ah? Bakit napakadami na agad ieexam?
Napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman na akong magagawa. Isang linggo kaming nawala dahil sa camping sa Dinadiawan. Excuse kami sa klase, pero sa activity hindi. Sana inabsent nalang kami tapos excuse sa activity. Mas maganda ang ganon.
Isa-isa kong inayos ang mga libro ko na dadalin sa locker.
"Ako na." Napatalon ako ng bahagya dahil sa biglaang pagsulpot ni Gavin sa harapan ko at kinuha pa talaga ang libro ko.
"Gentledog." bulong ko nang kunin ko na ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Hinayaan ko na siyang dalhin ang mga libro ko tutal, gentleman naman siya.
"Ano?" Sabi ni Gavin nang sabayan na ako maglakad.
"Gentleman mo kako."
"Alam ko. Salamat." nakangisi niyang sabi.
Kinikilig pa ata ang mokong.
Natawa nalang ako sa sariling kong naisip.
Masyado naman ata pagka-assuming, Gia?
Napailing nalang ako atsaka huminto sa locker para ilagay ang mga libro na dala ni Gavin.
Hindi na sakin bago ang ganito. Yung susulpot bigla si Gavin para kuhanin ang mga libro na dadalin ko sa locker, sasamahan niya akong maglunch pag wala sila Zoe, minsan pati recess nandon siya.
Medyo natouched naman ako kasi iniiwan niya ang barkada niya para samahan ako pag mag-isa.
"Uwi ka na?" Tanong niya nang makarating na kami sa locker.
"Oo. Magpapahinga na din ako at marami pang hahabulin."
"Sipag." Bulong niya atsaka tumawa. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa pagtawa niya.
Siraulo.
"Paki-inom meds mo regularly ha? Di na ata naiinom maintenance mo." Biro ko at tumawa parin siya.
Naglakad na ko palabas ng building para makauwi na.
"Hoy! Teka!" Awat niya at hinabol ako. "Sabay tayo umuwi." Sabi niya nang makasabay na ako.
"Ay teka pala. Di ka ba magpapasundo?" Tanong niya ulit.
Lord, bakit po kakulit ng lalaking to?
"Hindi. Kaingay mo." Saway ko sakanya.
"Hoy! Mas maingay ka, hano. Napansin ko ngang katahimik mo ngayon e. Ano nakain mo?" Pag-aasar ni Gavin.
"Wala. Tumahimik ka nga." Sabi ko sabay irap ulit.
"Bakit ba kasungit mo?" Sabi niya na bahagyang natatawa.
Kasaya naman nire.
"Wala kang pakialam."
"Meron ka no?" Napatigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Fiksi RemajaFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...