Gia's POV
"Dismissed."
Pumunit ako ng maliit na piraso ng papel mula sa likod ng aking notebook atsaka isinulat doon ang isang salita.
Lantod.
Binulsa ko muna iyon atsaka kinuha ang bag ko pati na din ang ilang notebooks doon.
"Dude. Tara na sa canteen. Tomguts nanaman ako." rinig kong tinig ni RJ.
"Gavin baka gusto mo munang kumain hano? Gutom na kami dito. Ano ba kasi yang ginagawa mo?" sabi naman ni Kenji.
"Assignment mga, pre. Kumain na kayo, hige! Di ako bababa. Tatapusin ko to." desididong sagot ni Gavin sa dalawang patay gutom.
Bakit patay gutom? Aba'y kaninang recess palang e tig-dalawang plato na sila ng spaghetti. Di ka pa ba mabubusog don?
"Galingan mo ha. Pakopya! Bilan nalang kitang lunch. Mwaaaaahh." sabi ni Kenji atsaka kindat kay Gavin.
Bakla talaga.
Lumakad na palabas silang lahat at si Gavin nalang natira sa upuan.
Tumingin ako sa pwesto ng upuan nila Gavin at nakita ko na nakaupo pa siya doon at may kinokopya sa libro.
Tsk. Di gumagawa ng assignment.
Naglakad na ako palabas at syempre, dumaan ako sa may side ni Gavin. Mukhang di niya ako napansin dahil tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa.
Kinuha ko sa bulsa ko ang piraso ng papel at nilapag sa notebook na sinusulatan ni Gavin.
Di ako huminto. Nagdire-diretso lang ako hanggang makalabas. At nang makalabas na ako sa pinaka pintuan, sumulyap muli ako kay Gavin at nakita ko na nakatingin siya sa papel habang nakangisi.
Kilig ka nanaman.
Di ko maiwasan na mapailing nalang ng nakangiti dahil sa sarili kong naisip. Hangin ko talaga.
Tumingin na ako sa harapan at tinahak ang daan papunta sa locker.
Nang mailagay ko ang mga ginamit kong libro at notebook sa locker, naglakad na ako papunta sa canteen. Kinuha ko ang aking cellphone at naka receive ako ng text mula kay Zoe na nasa canteen na daw sila.
Hindi nagtagal at nakarating na din ako sa canteen kaya agad hinanap ng mga mata ko ang lamesa namin. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ito dahil iba ang kulay ng lamesa namin kumpara sa iba.
Masasabi ko na masyado kaming VIP. Ang AD at Notorious Atom na grupo namin.
Hanggang ngayon, di ko makuha kung bakit kailangan pang iba ang kulay ng lamesa. I mean, representatives lang naman diba? Representatives kami if ever mangangailangan ng performers sa loob at labas ng school.
Di kami nakakatanggap ng special treatment from teachers pero napansin ko na mataas ang expectations nila samin.
Especially, sakin. Isa akong baguhan at bigla nilang malalaman na parte na ako ng AD ng ganon ganon nalang?
Paniguradong iisipin ng mga yun na magaling ako kaya ako nakuha ng ganon kabilis.
Pumunta ako sa table namin at naupo.
"Tagal mo!" sabi ni Zoe habang nakanguso.
"Baka kasi nagligpit ako ng gamit hano?" sagot ko."Sorry na agad. Binibiro lang e. Napakaseryoso sa buhay. Hmp." napaka isip bata nito.
Tinignan ko sila at napansin ko na may plato na sila sa kanilang harapan.
Di man lang ako hinintay.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...