Chapter 27

48 4 0
                                    

Gia's POV

"Ever since, cute na ako. Kaya stop staring and start eating."

Bigla ko naman siyang narinig na umubo. Tss. Peke.

"Binabawi ko na. Hangin dito 'no?" sabi niya at umarte na kala mo mabilaukan.

Mabilaukan ka nga sana, bwisit.

"Tseee!" sabi ko atsaka umirap. Narinig ko naman siyang tumawa lang.

"Ang astig mong umirap. So cool." sabi niya at tumawa ulit.

"Kumain ka na nga lang." I said. Napaka-asar nito.

Kumain nalang kami dahil gutom nga kase kami. Nakakapagod maupo dun sa school.

*Phone rings: Tadhana by Up Dharma Down*

Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang
Hilaga't kanlur--

"Hello?" Bungad ko sa cellphone ng walang lingon lingon kung sino ang tumawag.

(Hoy babae! Where are you? Bigla ka namang nawala.) I heard Zoe's voice.

"Mall." Tipid kong sagot. Wala ako sa mood at nagugutom ako. Ayokong inaabala ako pag kumakain.

(Paano ka nakalabas? Omg.) sabi ni Zoe.

"Sumakay ako sa eroplano para makalabas. Sige na. Bye. I'm eating." I said as I hung up.

"Sino 'yun?" Usisa ni Gavin.

"Pake mo?" Mataray kong sagot.

"Sungit." Sabi niya at inumpisahan nang lantakan ang sundae niya.

Di ko na siya sinagot at sumusulyap sulyap naman ako sakanya. Shet. Pati ba naman pagkain ng ice cream ang hot niya parin.

"Baka matunaw." sabi niya kaya agad naman ako napaiwas ng tingin. Shoot.

"Kapal." deny ko. Syempre aamin ba ako na napo-pogian ko siya kaya ako nakatitig? Syempre hindi.

"Ha? Anong kapal?"

"Ang kapal mo kako." I said. Slow ba 'to o ano?

"Baka kako matunaw ice cream mo, tapos kapal? Wow." sarcastic niyang sabi.

Okay. Ang epic nun.

Kinain ko na ang ice cream ko at baka nga matunaw pa. Hindi na din kumibo si Gavin dahil mukhang enjoy na enjoy sa ice cream.

"Gavin..." Panimula ko. Gusto ko lang naman kamustahin sila ng ex niya. Baka nagkabalikan e. Malintikan pa ako.

"Oh?"

"K-kamusta kayo ng e-ex mo?" Bigla naman siyang napatigil sa pagkain at tumingin sa'kin.

"Edi ex padin." sabi niya at medyo tumawa. Alam ko namang may halong lungkot 'yun. At alam ko na peke lang 'yung mga tawa na 'yon.

Binaba niya naman 'yung cup ng sundae at tumayo na. Tapos na din ata siya kumain.

"Okay." I said at sinubo na ang last spoonful of ice cream.

"Tara?" aya niya sa'kin.

"Shaan?" I said dahil puno ang bibig ko. E pano, tinayuan ako kanina kaya ayun minadali ko ang pagkain.

"Tom's World?"

"Sige sige."

Naglakad na kami papunta sa Tom's World. Nagtagal kami dun ng mahigit 2 hours. At napagdesisyunan namin na umalis na sa mall dahil madami na talagang tao. Friday e. Syempre madaming tao dun dahil walang pasok kinabukasan.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon