Gia's POV
Napag-usapan namin sa meeting 'yung practice namin na gagawin kinabukasan. Kaya eto ako ngayon, naghihintay ng mga early kong kasama.
Wala pang tao sa room na pinahiram samin para pagpractice-san. Well, ako palang. So may tao na nga, kase tao ako.
Ano ba 'yan! Nakakabaliw pala pag mag-isa ka sa classroom. Hirap.
Napabalik nalang ako sa katotohanan nang biglang bumukas ang pinto.
Gavin and the gang.
"Hi, Gia!" -RJ
Tinignan ko lang siya at sinuksok nalang sa tenga ko ang earphones. Nakakarindi kaya ang boses ni RJ. Well, maganda naman ang boses niya. Pero pag kinakausap ko, nabu-bwisit ako. Ang panget e.
Pumikit nalang ako at dinamdam ang kanta.
Nakaramdam ako ng tumabi sa'kin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Gavin sa tabi ko.
"Problema mo?" sabi ko atsaka tinanggal ang isang earphone sa tenga ko.
"Bawal na bang maupo? Sayo? Sayo?" Pambabara niya. Inirapan ko nalang siya at sinasayang ko lang ang aking oras.
"Ay ang suplada. Joke lang 'yon!" sabi niya at ngumiti pa.
Nako, Gavin. Tigil tigilan mo ang ngiti ngiti na 'yan at baka mabalibag ko sa'yo ang upuan na inu-upuan mo.
"Pwedeng ba akong magpunta sainyo mamaya? Dadalawin ko lang si Panget." sabi niya.
"Panget?" I asked. Aba'y malay ko ba kung sinong pangit tinutukoy niya. Maganda naman ako kaya wala siyang karapatan na pagsabihan ako ng panget.
Atsaka ako, dadalawin niya? No thanks.
"Si Gail." See, Gia? Asang-asa ka naman na ikaw ang dadalawin.
Nye? Di ako umaasa no! Grabe tong utak ko mag-isip. Hays.
"Edi magpunta ka. Tsk." sabi ko atsaka tumayo at lilipat na ako ng upuan. Bakit kase mukhang Gail.
Ngayon na nga lang siya mahiwalay sa pinsan ko, ganon pa. Ay kalantod.
Wala naman akong pake kung pumunta siya don at dalawin si Gail. Edi magsama sila! Wala talaga akong care.
Umupo nalang ako sa sulok ng kwarto para walang istorbo. Sinaksak ko nalang ulit sa tenga ko 'yung earphones at nag soundtrip.
At dahil nga maraming epal sa mundo, ayon. May tumabi nanaman sa'kin na panget.
"Pa-share nga." sabi ni RJ sabay hablot ng isang earphone sa tenga ko. Oh great.
"EXCUSE ME?! CLOSE TAYO?" I said.
"Pwede din. Okay lang naman sa'kin." Sabi niya at kumindat.
Bakit po ang landi ng mga tao na kasama ko ngayon? Paki kuha na po, please.
Natalie's POV
Kasama ko ang dalawa ngayon. Nauna na daw si Gia.
"Lagi nalang maaga si Gia, nakakainis. Manong inintay man lang tayo." sabi ni Zoe.
"Minsan kase, nakakasawa na maghintay." Banat ko. Eto nalang kase ang alam kong way para maglabas ng sama ng loob sa asungot na palaka kong ex.
Nagkatinginan lang ang dalawa sa sinabi ko. Papunta na kami sa meeting place. May dadaanan lang daw si Lauren sa Office. Kukunin niya daw 'yung permit para makapagpractice kami.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...