Gia's POV
Ako na kinikilig sa nangyare kila Natalie. Ay jusko. Kahit na may pagkabitter ako, e marunong parin ako kiligin. Grabe.
Kakatapos lang namin kumain ng lunch. At may mga kumakanta pa sa stage kuno.
"Kyaaaaahhh! Totoo ba? Why didn't you tell us earlier?"
Napatingin naman ako sa mga katabi ko nang marinig kong tumili si Zoe. Hays.
"E kase nga, nasa buffet table kayo. Ano 'yon? Pupuntahan ko kayo dun para lang sabihin sainyo na binigyan niya ako ng note?" sarkastikong sabi ni Natalie.
"What note?" sabat ko naman. E sa nacu-curious ako e.
"Eto oh. Tignan mo. So nakakakilig dibaaa?" sabi ni Zoe at inabot sa'kin ang isang papel.
--
I hope that I can turn back the time
To make it all alright for us
-Nathan
--
"Who is Nathan?" clueless kong tanong.
"Uhmm. He is Richard JoNATHAN Perez also known as RJ the playboy na ex MU ni Natalie the Pakipot."
Natawa naman ako sa mahabang introduction ni Zoe. So, Nathan pala ah?
"E playboy naman pala. E bakit ka ba kinikilig?" Lauren suddenly asked.
"Because, they're so cute together. Hihihihi." kinikilig na sabi ni Zoe.
"Sige, magpakashunga ka ulit Nathalie. Di ka pa nga ata nakaka-get over sa break up mo ng ex mong manloloko." sabi ni Lauren atsaka sinaksak sa tenga niya ang earphones.
"Eto lang kase ang tanong diyan. May feelings ka pa ba kay RJ?" tanong ko na nagpatigil saglit kay Natalie.
"Wala... ata." Sabi niya at nag buntong hininga na akala mo e pasan ang lahat ng problema sa mundo.
"See? Di ka sure. I suggest, pag-isipan mong mabuti. Atsaka isipin mo kung gusto mo pa ulit na magpaloko kay RJ." sabi ni Zoe.
Well, minsan nalang magseryoso si Zoe kaya sulitin na namin.
"Pero, boto parin naman ako sainyo. Hashtag: NathAlie Forever." Eto nanaman ang bugak na Zoe.
"Alam mo, Zoe? Laking tuwa ko pa naman nung nakita ko na nagseryoso ka. Tapos bigla ka nanaman bumalik sa kabugakan mo. " komento ko.
"Ang bilis mo magpalit ng mood. Kasing bilis magpalit ng feelings niya para sa'kin." hugot ni Natalie.
"Ha?" sabi ni Zoe. Ngumuso naman si Natalie sa kabilang side at ayun. May girl na inaakbayan si RJ. Such a playboy.
"Tss." Narinig kong bulong ni Lauren. Di ko alam kung ano meron sa mga tao dito. Ang bilis magpalit ng mood.
At dahil medyo nabwisit ako sa kumakanta sa stage, nagsaksak nalang din ako ng earphones sa tenga ko. Mas masaya pa pag ganito e. Ang hirap i-deal ng mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Novela JuvenilFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...