Chapter 43

31 1 0
                                    

Gia's POV

"Thank you ulit ha." sabi ni Gavin habang hinabol ako upang magkasabay kami sa paglalakad.

Uwian na at nakauwi na din sila Lauren. Marami daw kasi silang gagawin at hahabulin.

Ganon din naman ako, pero mula nung makabalik kami galing sa Dinadiawan, di ko na sinayang ang oras ko. Agad kong inumpisahan ang mga lessons na namiss ko. Kaya, di ako nahihirapan ngayon.

"Oo na." tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya. Agad din siyang napatigil at tumingin sakin. "Pero di ko makakalimutan yung pangiinsulto mo, bwisit ka!" sabi ko atsaka inumpisahan na paluin ang kanyang balikat.

Sinasangga niya naman ang aking mga hampas habang tumatawa.

"Sorry na. Hahahaha! Baka nga naman kasi mali e, malay ko ba?" depensa niya.

Tumigil na ako sa paghampas sakanya kaya naglakad na kami.

"E ano? Nakaperfect ka diba? Hmp." ani ko sabay irap sakanya.

Di ko alam kung nasan sila RJ. Nung nagdismissal kasi, agad na lumapit sakin si Gavin at nagsipag-alisan na ang mga bugok pagkatapos tapikin sa balikat si Gavin.

"Kaya nga sorry na. Teka, susunduin ka ba?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi. Mag cocommute ako." diretso kong sabi.

Lumabas na kami ng gate at tumigil ako sa may pathwalk para pumara ng tricycle.

"Good. Sagot ko na pamasahe." prisinta niya atsaka sumakay ng tricycle.

Napanganga ako ng slight kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko. Syempre, poise parin diba? Alangan namang ngumanga ako ng malaki diba?

Yung pag nganga ko naman, yung tipong nagulat.

"Wow ha? Ang mahal ng pamasahe. Sobrang mahal. Mga bente siguro. So, 40 pag dalawa tayo? Woooow. Ang mahal." sarkastiko kong sabi dahilan para mapatawa naman siya.

"Grabe ka, Gia. Sige ganito nalang. Since wala namang assignment, kain nalang tayo." sabi niya. Kakababa lang ng kilay ko pero dahil sa sinabi niya tumaas ulit ito.

"Saan? sa mall?" ayoko na maginarte dahil gutom na din naman ako. Di naman sa easy to get ako, pero gutom na talaga ako.

"Saan mo ba gusto?" tanong niya. Napaisip naman ako.

Saan ko nga ba gustong kumain?

"Hayyy!! Ayoko na maginarte. Gutom na ako. Kahit saan tayo kumain, ayos lang!" sabi ko at medyo napapadyak sa sahig.

Gutom na talaga ako at walang halong biro o kaaartehan yon. Kating-kati na ang bibig ko na ngumuya ng pagkain para malagyan ng pagkain ang tyan ko.

"Sabi mo yan ha?" ani niya.

Nagdulot ng kung anong kaba at hinala ang mga ngiti sa mukha niya.

Bago pa man ako makasagot, hinila na niya ako at pumara ng tricycle. Pinauna niya akong sumakay bago siya.

At dahil nga tricycl ang sakay namin, masikip. Di maiiwasan na magkadikit ang mga balat namin.

Di ko alam kung bakit pero may naramdaman ako na kaunting kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang magkadikit ang mga braso namin.

Sa ngayon, naka school uniform parin kami. Nakapalda ako, may nakasabit sa backpack sa likod at may dalang kaunting libro. Masyadong bibigat ang bag ko kung dun ko ilalagay ang lahat, kaya napagdesisyunan ko na hawakan nalang ito.

Si Gavin din ay ganon ang itsura. Di ko alam kung saan kami pupunta dahil nga pinasakay niya agad ako sa tricycle. Di ko narinig ang kung ano mang sinabi niya sa driver dala na din siguro ng gutom.

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon