Gia's POV
"E keshe nemen, besh. Memeye ke neleng kese ike-kwente. Hihihihi."
"Tigilan mo nga 'yan, Zoe. Kapabebe mo." sabi ni Natalie atsaka umirap. Sungit talaga.
"Ano ba nangyari? Ano ginawa niyo? Pano ka pinapasok? Hinawakan ba likod mo? O kahit balikat mo? Hindi ba nagkahawak ang mga kamay niyo nung inabutan ka ng baso? Ano? Dali naa." Pangungulit ni Lauren. Di naman siya atat hano?
Nag kwento na si Zoe at hindi na ako nakinig dahil nakwento niya na sa'kin 'yan kahapon.
Nag kasabay-sabay kami ng pasok kanina kaya kami ngayon magkakasama. At according to Zoe, meant to be daw talaga kaming apat.
Habang naglalakad kami papasok sa building, nahagip ng paningin ko si Gavin.
Si Gavin na may kasamang babae. Si Gavin na may dala-dalang libro at bag ng babae. Si Gavin na nag walk out kahapon nung magkasama kami. Si Gavin na pinagsabihan akong manhid.
At si Gavin na gusto ako.
Kahapon ko lang narealize lahat ng bagay. 'Yung pang lilibre niya sa'kin, 'yung pag sabay niya sa'kin pauwi, 'yung mga efforts niya, 'yung care niya.
Ngayon lang luminaw lahat.
Normal ba na sobra ang concern sa'yo ng isang lalaki? Normal ba ang sobrang pag titiis niya sa ugali ko? Normal pa ba ang pagsama-sama niya sa'kin? Normal pa ba 'yung pangungulit niya para lang makasama ako? Pangkaraniwan lang ba lahat ng kinikilos niya?
'Yung mga linyang binibitawan niya. Actions speak louder than words talaga.
Pero, bakit parang biglang lumabo lahat ng predictions ko? Predictions ko, na akala ko ay totoo.
Si Gavin. 'Yung kasama niyang babae. 'Yung bag na pambabae na dala niya. At 'yung ngiti sa mukha nilang dalawa.
Ang sakit pala.
Gusto ko na ba si Gavin? O matagal ko nang gusto pero di ko maamin sa sarili ko?
"Paano mo ba malalaman pag may gusto ka na sa isang tao?" I suddenly asked. Natahimik naman sila at tumigil sa paglalakad kaya napahinto nalang ako atsaka sila sa'kin tumingin.
"Di ka pa ba nag kakaboyfriend?" tanong ni Natalie.
"Oo, per--"
"Gusto mo siya." Lauren stated.
"Ha? Wala pa akong sinasabi." Depensa ko.
"Alam mo, Gia. If you're doubting if your like him or not, well, gusto mo siya. Why? Kase hindi ka naman tatahimik diyan at masasaktan nung nakita mo si Gavin at 'yung babae na 'yun na magkasama at masaya. Hindi mo iisipin kung gusto mo siya o hindi. Kasi una palang, kung hindi mo gusto ang isang tao, you can easily tell. "
Pano niya nalaman na si Gavin? Ganon na ba ako ka obvious?
"Hindi ka masasaktan kung hindi mo siya gusto. Hindi mo din lulukutin 'yang notes na hawak mo kanina pa nung nakita mo sila Gavin. At hindi mo siya iisiping mabuti kung hindi mo siya gusto."
Words of Wisdom ni Lauren.
"Ayan na classroom mo. See you later nalang. May meeting mamaya sa library para sa camping next week. Good luck sa exam!" paalam ni Lauren.
Nagpaalam na din sila Zoe at Natalie atsaka ako pumasok sa loob ng room ko.
Nilabas ko na ang books at notes ko para mag review since wala pa naman ang proctor. At guess what? Nasa labas na si Gavin kasama 'yung haliparot na babae 'dun.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Ficțiune adolescențiFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...