Chapter 29

39 3 1
                                    

Gia's POV

"If we're meant to be then, let it be."  

"Meant to be? Naniniwala ka dun? Kabakla mo naman." Pang-aasar ko. 

"Tss. Kunwari ka pa. Namumula ka kaya. Baka gusto mo itago para hindi naman sa'kin nakakahiya." sabi niya at nag-taas baba ang kilay with matching pang-asar na ngiti. 

Okay. Ako pa ata naasar. Well, sino ba naman kase ang hindi mamumula pag sinabihan ka ng isang gwapong nilalang na meant to be daw kayo? O dibaaa?

"Baka malusaw ako. Tama naa!" sabi niya ulit atsaka nagtakip ng mukha. Umiwas nalang ako nang tingin at kumain nalang. 

Hindi ko namalayan na nakatitig ako sakanya. Sa sobrang pag entertain ko sa utak ko, nawawala na ako ng concentration. 

"Bilisan mo nga diyan. Malapit na mag time." I said trying to convert the topic.

Nakakahiya ka, Gia. Nakakainis naman kase 'tong mata ko. Masyadong natutuwa sa mukha ni Gavin. Hays. 

"Kunwari, di ko nahahalata na nililipat mo 'yung topic." sabi niya na sabay ngisi dahilan para tignan ko siya ng masama. "Binibilisan na nga po e. Basta, hintayin mo lang ako." dagdag pa. 

Kalantod ng lalaking 'to. Grabeee. 

"Fasteeeerrrrrr!" pag-aapura ko ignoring what he said earlier. 

***

"Oyy! Wait up!" sabi ni Gavin. 

Katatapos lang ng exam namin. At sabi niya, sabay na daw kami umuwi dahil hindi daw maganda na umuwi ako mag-isa. Tss. Kaartehan. 

"Katanda-tanda mo na, gusto mo pa may kasabay kang umuwi." Sabi ko.

"Hindi kase safe sa babae na umuwi mag-isa. Tapos mag-isa ka pa. Tsk." sabi niya at kinuha 'yung body bag na dala ko.

"Ang OA mo. Alam mo bang simula Grade 7 nagco-commute na ako? Pero eto ako. Buong buo pa. Kaya wag ka ngang ano diyan." sabi ko naman at kinuha na ang bag ko. 

"Mas makakatipid kase tayo pag ganon." he explained at hinablot ulit sakin ang bag pati ang libro kong dala. "Ako na maghahawak. Tigilan mo na pagpa-pabebe diyan." dagdag niya at pumara ng tricycle. 

"Kahit kelan talaga, ang kuripot mo." sabi ko sabay sakay sa tricycle. 

"Sa tricycle na nga kita pinakasakay, tapos kuripot pa? Kabaliw mo din." Ang slow niya po. Super. 

"Pagong." I murmured. 

"What?" sabi niya atsaka tumingin sa'kin. 

"Walaaa! Ang ganda ko kako." sigaw ko para marinig ako. Ang ingay kaya sa tricycle. 

Tahimik lang kami buong byahe. Este, hindi pala tahimik. E pano, ang lakas ng hangin sa tricycle kaya maingay din. Dagdag mo pa na pagbaba ko, napaka gulo ng buhok ko. 'Yung tipo na pwede nang pugadan ng ibon? Ganon e!

Hinayaan ko na si Gavin magbayad ng pamasahe ko. Hindi naman daw siya kuripot e! Mwehehehe. 

Nagdire-diretso ako sa gate namin atsaka pinindot ang doorbell. Tinatamad ako mag bukas ng gate kaya ganon nalang ang ginawa ko. May mga kasambahay naman na sigurado akong nakatunga lang naman ang mga 'yon dahil maaga pa naman. 

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon