Gia's POV
"Sakay na. Pabebe ka pa diyan e."
Sumakay nalang ako dahil masunurin ako.
So, ano ang nangyari? Well, biglaang kailangang lumuwas ni Gail kaninang madaling umaga kaya dinala nila ang kotse na service ko. Kaya ang nangyari, nagabang ako ng tricycle sa labas ng subdivision namin. At dahil mas swerte ako, nandun din pala si Gavin, so nice. Kaya eto, magkasabay kami sa tricycle.
"Nakapagreview ka ba ng maayos?" concern na tanong ni Gavin. Hindi ako feeler na concern siya, pero I can sense it naman sa tono ng boses niya. So yeahhh.
"Of course. Nagpapakabait na ako." sabi ko naman atsaka ako ngumisi.
"Bait your face." he whispered.
"Ano sabi mo?!"
"Ganda mo kako." Sabi niya at mas lalong ginulo buhok ko.
Tumingin nalang ako sa other side dahil parang nagba-blush ako. Kahit alam ko na bola lang 'yun. Nakakakilig parin. If you're in my place, you'll feel the same.
Di ko magets kung bakit bumili ang tatay ko ng sasakyan at kumuha pa ng driver tapos pasasakayin lang pala ako sa tricycle? Okay, I must admit na mas gusto ko mag-commute. pag kasi nagpahatid ako kay Manong, lagi nalang nila alam kung nasan ako. Tapos syempre sasabihin nila kay Daddy.
I mean, basta. Tinatamad ako magpahatid sa driver. Mas gusto ko pang maglakad palabas ng subdivision para may exercise. Maganda daw kasi pag ganon.
"Nakapagreview ka ba ng maayos?" panimula niya ng topic.
"Oo. Ako pa." I said then winked.
"Kadiri 'yung kindat mo. Don't do it again." sabi niya.
Ang harsh po si Gavin. Hindi porket umamin na ako sa sarili ko na crush ko si Gavin e, akala niya pwede niya na akong laitin.
E napakagaling niya naman. Ang mga umaabuso lang naman ng ganon e kung alam niya lang. Atsaka, duh! Crush lang kaya. Paghanga in short.
Karamihan kasi sa boys, umiiwas pag ganon. O di kaya, pag alam na nila na medyo natapilok na 'yung girl sa mga patibong nila atska nila iiwanan sa ere. Or worse, tatanggalin na nila 'yung sweet side nila kase, ano. Bakit kaya?
Atsaka, super impossible na malaman niya na crush ko siya. Walang nakakaalam nun kahit sino. Mas pinili ko na angkinin nalang ito. Baka kase pag sinabi ko kila Zoe e, lagi na ako asarin. At baka lumalim pa 'yung feelings. Kaya, no way!
Hindi kaya? OMG.
"Gavin, mangkukulam ka ba?"
"Siraulo ka ba, Gia?" reaksyon niya sa sinabi ko.
Malay mo diba? Mangkukulam pala si Gavin. Baka nabasa niya na utak ko.
"Sa ganda kong 'to? Grabe ka." I said.
Ang lakas niya pong manglait. Nakakahurt. Crush ko pa naman e.
"Siraulo ka nga." he murmured tapos, katahimikan ulit.
Iniisip ko pa kung bakit walang hiya sa'kin si Gavin.
Baka nahalata niya? Nahh. Di naman ako nagpapakita ng motibo.
Pero, diba 'yung pangba-blush ko? Baka nga alam na niya. Hala!
"Hoy nandito na tayo. Kalalim nang iniisip mo." sabi niya sabay abot ng bayad kay Kuyang Tricycle.
"Iniisip ko lang lessons ko. Wag ka nga." Palusot ko.
"Sabi mo e." sabi niya at naglakad na.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...