Gia's POV
Nagising nalang ako dahil sa katok ni Manang.
"Gia, anak! May bisita sa baba."
"Sige po. Baba nalang po ako. Magbibihis lang."
Nagpunta na ako sa cr para mag toothbrush at mag hilamos. Nagsuklay na din ako para naman presentable ang itsura ko.
Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon. Baka naman kay Gail?Pero, edi dapat hindi na ako 'yung tinawag, diba?
Aishhh! Hayaan na nga. Di ko naman ikamamatay kung bababain ko 'yung bwisita.
So, I opened the door and went downstairs. Pero I heard Gail's voice kaya huminto muna ako. Nakapwesto ako dun sa hindi nila kita. Di ko pa nakikita 'yung kausap niya.
"Dapat kase hindi ka na nagpunta dito e. Ang kulit mo. Baka makita tayo ni Gia niyan."
"Ano ang makikita ko?" I said. At mukhang nagulat silang dalawa.
"W-wala." nauutal na sagot ni Gail.
"Hi, Gia! Good to see you!" sabi ni mushroom slash snail.
"Hindi ako masayang nakita kita." I said atsaka ko siya inirapan.
"Ang bad." sabi niya atsaka nag pout.
"Tigilan mo 'yang pag nguso nguso mo. Mukha kang bibe." sabi ko kay Gavin atsaka ko hinarap si Gail.
"Bakit siya nandito?" I said with matching turo kay Gavin.
"Uhmm." tumingin siya kay Gavin. "Uh, kase--"
Gavin cut her off, "May pupuntahan lang kame. Pwede bang hiramin ang pinsan mo? Kakain lang kami sa labas. May utang kase sa'kin 'tong panget na'to e."
Huwaw. So sweet naman nila. Panget pa daw. Edi sila na. Mga bwisit.
"Edi umalis kayo. Pati ako iniistorbo niyo pa. Mga bwisit!" I said at umakyat na sa taas. Narinig ko naman si Gail na tinatalakan si Gavin.
"Don't call me 'panget'! Ang ganda ko kaya! Hmp. Mas panget ka! Panget!"
At tuluyan na akong pumasok sa kwarto.
***
"Ano may nakita ba kayo?" panimula ni Zoe.
Nakatahimik lang si Natalie. Mukhang napuruhan nga ng bongga.
"News, guys." sabi naman ni Lauren na kakadating lang.
"Nagrequest ang ilang part ng council. Masyado daw madami ang mag i-intermission. So we decided to team up with the Notorious Atom." Paliwanag ni Lauren.
"Meseye yen. hihihihi" komento naman ni Zoe. Luh? Kinikilig ata? Grabe to.
"May crush ka dun?" tanong ko. Bakit ba! Nacu-curious ako e.
"Wele nemen. hihihi."
Wala daw pero ipit na ipit boses? Oh. So galing talaga nito.
"Pero, sissies. May konting adjustments lang. Kase you know, boys ang kasama na'tin dito." paalala ni Lauren.
"ADJUST? So tayo pa talaga ang mag-aadjust?! Sawang sawa na ako mag-adjust!" hugot naman ni Natalie. Broken hearted talaga ang isang 'to.
"Okay lang 'yan. Nandito lang naman kami. Atsaka, wala ka namang i-a-adjust kase wala na." dire-diretsong sabi ni Zoe with matching tapik sa likod ni Natalie.
"Ang salbahe mo. Kumain ka na nga lang dyan. Don't touch me!" sabi ni Natalie atsaka tinatanggal ang hawak sakanya ni Zoe na para bang nandidiri.
"So back to the topic. May meeting tayo later with the Notorious Atom. Kailangan maayos parin 'yun kahit na intermission. May ibang outsider na pupunta. Kailangan maganda impression na'tin sakanila. So, dismissal mamaya ha? Kita kits nalang ta'yo sa tapat ng library." sabi ni Lauren. Sumang ayon naman kaming lahat dun.
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Teen FictionFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...