Gia's POV
"Hoy babae! Nakita ko yung holding hands niyo ni Gavin dun ah! Yiiiieeeee." sabi ni Zoe nang matapos ang meeting namin. Kaming apat nalang natira dito sa room.
"Siraulo. Di kami nagholding hands." depensa ko.
"Aruuuyyyyy! Nagdeny pa si ati. Don't me. Nakita ko kayo ng dalawang mata ko no! And it's so malinaw."
"Nagshakehands kami. Baliw." pagsasabi ko ng totoo.
"Nagtouch parin ang inyong mga kamay. Ahihihi. KAYO na ba?" mapang-asar na tanong niya at nakikinig lang sa amin yung dalawa.
"Hindi. Ulul ka ba?"
"Okayyyyy. Sabi mo e."
Naglakad kami palabas ng room at sinarado muna ni Lauren yung kwarto na yon.
"So pano? Bukas nalang ha." ani Lauren ng makarating kami sa gate ng school.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumara na ako ng tricycle para makauwi. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo ng mabilisan.
Matapos kong maligo, humilata ako sa aking kama at pinakiramdaman ang aking sarili.
Hay. Lakas ng tama ni Gavin. Bilib din ako dun e. Iba. Grabe, iba.
Talagang kailangan pang gawin yon? Tss. Ang korni pero natutuwa ako. Panigurado akong napakadaming pride ang nilunok non. Parang bata e.
'Friends?'
'Friends.'
Hmm. Friends?
Sabagay. Sa friends naman nagsisimula ang lahat. Hehehe.
Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.
*Gavin Calling...*
Tumingin ako sa bintana kung san katapat ang kwarto niya atsaka sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
(Hi.) sagot niya at mukhang sa tono ng pananalita niya, mahahalata mo na nakangiti siya.
"Bakit?"
(Masamang tumawag?) Mukhang masaya ang mokong na to ha.
"Oo. Nang-aabala ka e." kunwaring galit na sambit ko.
(Awtsu. Ang sungit mo naman, friend.)
Friend.
"Tse. Ano ba kasing kailangan mo?" sabi ko sabay irap na akala mo nakikita niya ang ginagawa ko.
(Mag eexpired na kasi ang load ko. E hindi nasulit. Susulitin ko lang sana.)
Siraulo to ha.
"Maghanap ka ng kausap mo." sabi ko at iniintay na pigilan niya ako.
(Uy wag. Eto naman. Sayang kasi yung 25 kong ni-register. Susulitin ko lang. Pwede ba?)
"Dami mong palusot."
(Wow ha. Umiiral nanaman ata ang pagkafeeling mo.)
ABA! NAPAKA TO HA.
"E kung babaan kaya kita?!" inis kong sabi.
(Joke lang. Hehe.)
"Gusto mo lang akong kausap e." biro ko.
Pero alam niyong namang jokes are half meant.
(Alam mo naman pala e.) bulong niya sa kabilang linya.
"Ha?"
Bingi-bingihan ang peg, Gia?
BINABASA MO ANG
A Game with Tadhana
Novela JuvenilFate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was once called a good girl, until two people made her changed her life. In the present time, she become one of the bad girls in their campus. W...