Chapter 28

52 3 0
                                    

Gia's POV

One word, stressed. 

After ng cutting na ginawa namin ni Gavin, puspusan na ang review ko dahil nga exam na namin next week. Kung nagtataka kayo dahil nagrereview ako, well, may hiwaga. 

Narealize ko lang na wala namang mangyayari sa pagrerebelde ko. Paano ko narealize? Di ko din alam. Habang  nagku-kwento si Gavin about sa studies niya nung Friday, narealize ko na 'bakit di mo susbukan bumalik sa dati, Gia?'. 

Kaso, iba nga naman kase ang noon sa ngayon. 

Pero, still, I'm trying my best to bring back my old self. Nagrereview din ako dahil I'm turning 17 na din next year. If matatas ang grades ko, my dad will reward me. Kahit ano daw ang hilingin ko. Basta after ng graduation day. 

Since mabait naman ako at may isang salita, eto ako ngayon sa kwarto nag-aaral. Natutuwa ako sa deal namin ng tatay ko e. 

Habang nagbubuklat ako ng mga libro dito, bigla nalanh may kumatok sa pinto at agad pumasok.

"Why are you here?" tanong ko.

"Ehh, hehehe. May pupuntahan ka ba? Wag ka muna umalis ha?" dire-diretso niyang sabi.

"At bakit mo ako inuutusan? I'll go out whenever I want." pagtataray ko.

"Please? Exam naman na next week, mag-aral ka nalang muna. Galingan mo dapat! You know para sa deal niyo ni Tito." sabi niya at nag-puppy eyes pa.

"San ka ba kasi pupunta?"

"Mall." tipid niyang sagot.

"Exam next week tapos, mall? Oy babae, may hahabulin pa tayo dahil kakatransfer palang na'tin sa school. Di ilalabas ang grades na'tin ng 1st quarter pag di tayo kumpleto." pang-sesermon ko.

"Gia? Is that you? Are back already?" sabi niya at sinalat salat pa ang pisngi at noo ko na parang chinecheck ako kung may lagnat.

"Baliw! Hindi ako umalis. Chupi na nga! Hindi ako aalis ng bahay  Nagrereview ako dito. Istorbo ka talaga."

Narinig ko naman ang tawa niya at nagtungo na sa may pinto.

Aalis na ata. Hay! Salamat!

"Thanks, coz! Your really coming back." sabi niya at lumabas na nang pinto.

Am I really coming back? But, I never leave naman. Di ko magets.

Well, kung I'm changing, I guess I'm changing for the better. 

***

(Basta sa second day ha? Kita kits.) paalala ni Zoe.

"Yeah yeah. I'm hanging up now, bye!" I said as I ended the call.

I'm on my way to school nang biglang tumawag si Zoe. Nagpag-usapan kase namin na mag-gu-group study kami nila Lauren at Natalie sa bahay nila Zoe bukas. Bale, ang rereview-in namin together ay para sa last day. 

"Hey, Gia. We're here." 

Napatingin naman ako sa nagsalita which is katabi ko lang. Napa-ohh nalang ako atsaka lumabas na. Nagtaka naman ako dahil hindi siya lumabas ng sasakyan. Ano trip nito?

Bumalik ako sa tapat ng sasakyan at binuksan 'yung pinto sa side ni Gail. 

"Male-late na tayo. Ano ba iniintay mo diyan? Pasko?" 

"Mauna ka na nga kase. Magre-retouch lang ako." sabi niya at may kinuhang pouch sa may bag niya. Naglabas siya dun ng salamin at kung anu-ano pa na make-up materials. 

A Game with TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon