CHAPTER 1

5K 132 12
                                    


Glaiza's Pov

"Cheers!"Punong-puno ng kasiyahan ang condo ko.Ang dahilan ay ang barkadahan naming tatlo.

Si Batchi,27,isa itong lesbian.Butch lesbian.Men cut ang buhok at nagdadamit lalaki.For us,ang tao ay tao.It doesn't matter kung anong preference mo ,ang mahalaga,tao ka.Ganon.

Si Katrina,o pwede ring Kat,28,Siya naman ang kalog ng grupo.Kikay at may pagkaprangka.Kasosyo ko siya sa isang restaurant dito sa London.

At ako naman si Glaiza Galura.27,You can call me Glai or Cha.Basta ba sa huli ng name ko merong "pogi".Like,Glaiza pogi,Glai pogi,or Cha pogi.Ang totoo kasing surname ko is Pogi.😂

Yes,you got it right.Isa akong proud lesbian.A lipstick lesbian.Rocker at chx magnet ang tawag nila sa akin.Which is true,madami ng nagdaang babae sa buhay ko kahit na hindi naman talaga ako nagdadamit panlalaki,di katulad ni Batchi.Mas prepare ko pa rin ang simpleng suot.Simple but Rock.

Lumaki ako sa Pilipinas.Nag migrate lang kami dito sa London noong nag start akong mag college.Isa akong engineer.Pero kahit kailan hindi ko ginamit ang propesyong iyon.Hindi naman kasi talaga iyon ang gusto ko.Pinagbigyan ko lang si Dad na sumunod ako sa propesyon niya.Pagkanta at pagtugtog talaga ang gusto ko sa buhay.Pumayag din siya na gawin ko ang hilig ko ng makatapos ako ng pag aaral.Para sa kanya,mas maganda pa rin daw kase kapag may pinag aralan.Ang katwiran niya,sino na lang daw titingin sa mga business namin kapag wala na siya.Oo,kami lang dalawa ni Dad ang magkasama simula ng bata pa ako.Sabi niya naghiwalay sila ng nanay ko ng apat na taon pa lang ako.Hindi ko na pinagkaabalahang hanapin ang nanay ko.Bakit pa?Ni minsan ba hinanap niya ako?Kaya siguro lumaki ako na ganito ang preference ko,dahil wala akong matatawag na mother figure.Pero minsan,tinatanong ko din sa sarili.Ano kaya ang pakiramdam ng may nanay?Hindi na kasi nag asawa pa si Dad.Nag focus na lamang siya sa mga business namin at sa akin.

Kuntento na sana ako sa buhay ko hanggang sa makatagpo ko ang babaeng nag mamay ari din ng aking mukha.

Flashback(1 month earlier)

Katatapos lang ng gig namin ng gabing iyon ng may makita akong babaeng binabastos ng isang foreigner sa parking lot ng bar.At dahil na rin sa babae ako kahit na ganito ang preference ko,hindi ko naiwasang tulungan siya.Sinapak ko ang lalaki.Mukhang nabigla siya sa pagsulpot ko.At base sa mukha niya,kilala niya ako na trouble maker kaya nagtatakbo agad siya.

"Miss,are you alright?"Nakayuko lang ang babae.Napagmasdan ko siya.Kasing height ko lang at may mahabang buhok.Makinis din ang kutis niya na halatang mayaman."Miss?"Approach ko ulit sa kanya saka siya napatunghay.

"T-Thank you,Mi---"Hindi na rin niya naituloy ang sasabihin niya dahil katulad ko ay nabigla din siya.Pareho kaming napanganga sa isat-isa.Hindi ko alam kung mapapaniwalaan ko ba ang nakikita ko ngayon.

"Sino ka/Who are you?"Magkasabay naming tanong.

"Bakit tayo magkamukha?"Sabay pa rin naming tanong.Ang babae sa harapan ko ay kamukhang kamukha ko.Mahaba lang ang buhok nito samantalang maikli naman ang sa akin.May tattoo lang ako at siya ay wala.Bukod doon ay wala na kaming pagkakaiba.

"This is crazy!"Nasabi ko na lamang at napakamot ako sa kilay ko.Sign na natetense ako.Hindi na ako nakatingin sa kanya dahil para namang nananalamin lamang ako roon.

"B-Bakit tayo magkamukha?"Ulit niya sa tanong kanina.Tumingin ako sa kanya at umiling.

"I really don't know."

Hanggang sa natagpuan na lamang namin ang sarili sa isang coffee shop.Pinakilala ko ang sarili ko at ganoon rin siya.She's Althea Guevarra.Sa tuwing tititigan ko siya may lukso ng dugo akong nararamdaman.

Mukhang pareho kaming walang alam sa pinagmulan namin.Sabi niya,lumaki siya sa Mom niya at hindi na niya nakilala ang kanya ama.Nagkwento din ako tungkol sa buhay ko.At bago matapos ang gabing iyon,isang reyalidad ang gumising sa amin.

We are an identical TWINS.

"Tsong,natulala ka na naman dyan."Pukaw sa akin ni Batchi.

"Iniisip mo na namam ba si twin sisteret mo?"Si Kath na nakaupo na sa tabi ko.

"Oo,nagkita kami ng isang araw.Hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas."Magdadalawang buwan na dito sa London si Althea.Pagbabakasyon ang tanging dahilan niya.Nasundan ang pagkikita namin ng maraming beses para kilalanin na rin ang isat isa.

"Are you sure,she's your twin?"Batchi.

"Tsong,bulag lang?Nakita mo naman di ba,para silang pinagbiyak na pwet."

"Kat,your mouth,please!"Saway ko sa kanya.Umiral na naman kasi ang pagiging taklesa.

"Eh totoo naman di ba?Magkamukhang magkamukha kayo ng Althea na yun."Katwiran pa nito.

"Naitanong mo na ba kay Uncle?"Umiling ako sa tanong ni Batchi.

"Sa tuwing mag oopen ako sa kanya about my mother,palagi na lamang siyang umiiwas.Ganoon din ang sabi ni Althea sa akin ng minsang tumawag siya sa Mom niya sa Pilipinas."Nalilito na talaga ako sa mga nangyayari.At kung magkakambal nga kami,anong dahilan nila kung bakit nila kami pinaglayo?

"Mas mabuti siguro kung kayo na lang dalawa ni Althea ang humanap ng sagot."Batchi.

"Sa totoo lang,pinag iisipan ko nga yung sinabi niya sa akin ng last na magkita kami."ako.

"Ano yun?"Kat the tsismosa.

"Uuwi na daw siya sa Pilipinas this week.At kung papayag ako,gusto niyang magpalit kami ng identity."

"Huwwwwaaatt?"React ng dalawa.

"Tsong,that's too complicated."Batchi.

"Pero kasi..."Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy."Gusto ko ding makilala ang nanay ko."Pag amin ko sa kanila.

"Then do it.."Si Batchi na nakaakbay na sa akin."Gawin mo kung anong bubuo dyan sa pagkatao mo."

Umakbay din si Kat sa akin,"At palagi lang kaming nakasuporta sayo."Napangiti ako sa sinabi nila.Kahit naman baliw-baliwan ang dalawang to,may silbi din pala.Nyahaha ✌

*Ring

*Ring

*Ring

"Hello,Althea?"


X + X = Y not?Where stories live. Discover now